QOS: VIGINTI DUO

1.8K 131 9
                                    

Nang makapag-ayos na ang lahat, the eight deadly sins, Snow White, and Llyria gathered around the front lawn. Sumulyap si Snow sa bagong katulong na abala sa pakikipag-usap kay Pride.

"Mukhang close na sila agad. Tsk." Naibulong na lang niya sa sarili at pinanood ang kambal na nilalaro ang Clockwork baby.

"Greed, catch!"

"Envy, hindi lahat ng nahuhulog dapat sinasalo! BWAHAHAHA!"

"Greedy bastard!"

"Envious freak!"

Nanlaki ang mga mata ni Snow nang mapagtantong hinahagis-hagis pala  nina Envy at Greed ang sanggol na parang bola. The Clockwork baby giggled as it was thrown up in the air. She cursed under her breath. "DAMN IT! PAPATAYIN NIYO BA 'YANG BATA?!"

Tumalon sa ere si Greed at mabilis na sinalo ang sanggol. The sin elegantly landed on the ground and cuddled the baby. Ngumisi siya nang maloko kay Snow. "Chill, Mademoiselle! Clockwork monsters regenerate themselves. I'm sure this little block of wood can---"

"Hindi siya halimaw at mas lalong hindi siya bloke ng kahoy! Damn it! Can't you see it's a baby?!"

Galit na inagaw ni Snow mula kay Greed ang sanggol. The prince of greediness laughed and whispered to his twin, "Magkano kaya kung ibebenta natin 'yan sa Tartarus?" Tumawa nang malakas si Envy at tinapik ang balikat ng kakambal. His wicked eyes taunted her. "There's a warehouse sale at Wolfbane's street. We could sneak in, seduce the organizer, and sell the Clockwork baby there."

"Good idea, Envy! May isip ka rin pala minsan. HAHAHAHA!"

"Fuck you, AVARICE. Kung ikaw na lang kaya ang ibenta ko?!"

"How many times do I have to tell you not to call me that?!"

"HAHAHAHA!"

Tumalim ang mga mata ni Snow sa magkapatid. Agad na natahimik ang kambal at itinikom ang kanilang mga bibig. 'How could they be so mean to a baby?' Hindi talaga maunawaan ng dalaga ang kalokohan ng dalawang ito minsan. Nang tawagin na sila ni Pride para umalis, akmang maglalakad na sana pabalik si Snow nang hawakan siya sa braso ni Envy.

"Chione, wait!"

"What?!"

Envy sighed and scratched the back of his head. "We apologize for our actions.. We want to make it up to you."

"Make it up to me?" Naningkit ang mga mata ng dalaga. Iba ang kutob niya sa intensyon ng dalawang ito. Greed and Envy are the sin twins, they can be mischievous and wicked whenever they want. Hindi mo madidiktahan ang kanilang mga kilos. That's how dangerous they are.

Greed flash his prince-charming-like smile at her, "Come to our Leisure Room tonight, at exactly 7:00 pm, Mademoiselle."

Napasimangot si Snow. Naalala niya ang bahagharing sinundan niya noon sa mansyon. Turns out, the twins made her follow the rainbow that led her to the mansion's rooftop. Noong mga panahon na 'yon, sinusubukan siyang paligayahin ng kambal---in their own twisted way, of course. At sino ba namang makakalimot sa paglambitin sa kanya ng mga ito patiwarik? They literally "turned her smile upside-down". Tsk.

'But I'm curious of what they prepared for me tonight.' Snow White smiled and nodded.

"Fine. Siguraduhin niyo lang na hindi na naman ito isang laro ng real-life chess."

Nagkatinginan ang kambal at sabay na ngumiti. The devilish glint in their eyes answered her. Mukhang mapapasabak na naman siya mamaya sa kababalaghan...

*

"Nasaan si Mr. Bones? Akala ko ba pupunta tayo sa Eastwood?" Hinahanap ni Snow ang karwahe. Kanina pa sila nakatayo rito sa tapat ng circular driveway. Kanina pa nagrereklamo si Wrath dahil naiinip na ito samantalang abala naman sa kani-kanilang mundo ang iba pang mga kasalanan. Chandresh stood beside her, holding their Clockwork baby. Napadaing ang prinsipe ng paghanga nang sabunutan siya ng sanggol. "Ouch! Not the hair! Baka hindi na ako mahalin ng mommy mo---aray!"

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon