QUINQUAGINTA UNUM

2.9K 221 14
                                    

Alam ni Chandresh na isa itong babala. Nakaluhod siya sa sahig sa kwarto ni Snow, hawak-hawak ang ilang piraso ng nabasag na salamin. Tiningnan niya ang kanyang repleksyon sa mga bubog na ito, unti-unti nang naglalaho. Chandresh sighed and gripped the shards of glass. Naging dahilan ito upang bumaon ang matatalas nitong mga gilid sa kanyang palad. Blood easily poured out of his wound. Sa tagal niyang nakakulong roon, nakalimutan na niya ang pakiramdam ng sakit kaya mabuti nang may magpaalala sa kanya nito.

"Fuck that prophecy.."

Napapikit na lang siya at pilit na iwinaksi ang mga alaalang nakakubli sa kanyang isipan. Napupuno ng sigawan at paghihinagpis ang kanyang memorya. Among them, the voices of those Seven Deadly Sins reverberated---ringing inside his head until it gave him a headache. Bakit ba siya nadadamay pa sa gulong ito? Mapayapa na nga siyang nabubuhay noon!

Chandresh glared at the broken mirror in front of him. His eyes then travelled down to the shards of glass surrounding him on the floor.

"Ito ang napapala mo kapag pilit mong tinatakasan ang pinagmulan mo.." Bulong niya sa sarili at marahang tumayo. His violet eyes scanned the empty room.

"Always empty. Always."

Alam niyang kailangan niyang ipagpatuloy ang kanilang plano. Kahit anong mangyari.

*
"We'll have you executed by tonight."

Parang nabingi si Snow sa kanyang narinig. Tama nga ba ang pagkarinig niya na sinabi ng panganay? Nang rumehistro sa utak ng dalaga ang ibig sabihin nito, nanlaki ang kanyang mga mata at natataranta siyang humakbang papalayo sa kanila. The flames are now licking her skin.. Pero wala pa rin ito kumpara sa apoy na lumalagablab sa kanyang kalooban. "N-No.. Pride! Ano bang sinasabi mo?! A-Akala ko ba---!"

"Shut up."

Mas lalong nanggalaiti si Snow. Ang kaninang lungkot sa puso niya ay agad na napalitan ng galit. 'What the fuck?! Alam ni Pride ang sitwasyon ko! Bakit hindi niya ipaliwanag sa kanila?!' Snow White glared hard at him. Noong akala niyang may patutunguhan ang samahan nila ng prinsipe ng pagiging mapagmataas, ganito naman ang nangyari. Naikuyom ni Snow ang kanyang mga kamao sa galit, tumalim ang tingin niya sa binata. Kung kanina ay parang tinataga ng patalim ang kanyang puso sa reaksyon ng anim na kasalanan, ngayon naman ay pakiramdam niya paulit-ulit siyang pinapatay.. In the most gruesome way.

"TELL THEM! AKALA KO BA TUTULUNGAN MO AKO?! WHY DON'T YOU FUCKING TELL THEM THAT IT WASN'T MY CHOICE! GINAMIT LANG AKO NI BOSWELL!"

Hindi na niya alintana ang kakapusan ng hangin sa kanyang baga. Nanghihina man at nahihirapang tumayo, Snow White forced to be brave. Kahit sa huling pagkakataon. Kahit ngayon lang..

Pero wala pa ring reaksyon si Pride. His eyes remained lifeless and empty. Bakit ba parang may mali sa kanya? Sinubukang kumbinsihin ni Snow ang sarili na baka naman isa lang itong bangungot.. But the pain was real. Masyadong makatotohanan ang sakit na nararamdaman niya. Sa pagkakataong 'yon, alam ni Snow na wala na nga sigurong mas masakit pa kaysa sa reyalidad.

Kaya't tumakbo siya.

Yes, Snow White ran away from them, just like how she ran away from Clockwork's Shop not long ago. Wala na siyang pakialam sa apoy na dumaplis sa kanyang damit at balat. Wala na siyang pakialam sa panghihina ng kanyang mga binti. Wala na rin siyang pakialam sa puso niyang parang paulit-ulit na sinunog ng pitong kasalanan.

'Hindi ako tanggap.. kahit saan ako pumunta..'

The only thing she can think about is running away. Dahil iyon lang ang alam ng prinsesang ito.

'Dahil ganito rin ang naramdaman ko noon nang tumakas ako sa puder ni Boswell,' malungkot na wika ng isang bahagi ng kanyang isip. Nanlalabo man ang mga mata, tinahak pa rin ni Snow ang madilim at  pasikot-sikot na mga pasilyo ng mansyong minahal niya. Umalingawngaw ang pagkabasag ng ilang plurera at estatwang nabunggo niya. "S-Shit!" Snow White felt adrenaline rush into her veins as she tried to find a hiding place.

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon