QUADRAGINTA UNUM

3.3K 226 4
                                    

Inis na sinipa ni Wrath ang ulo ng clockwork monster na pinatumba nila, ilang sandali lang ang nakalipas. 'Akala ba nila, matatalo nila ako? Psh.' Sinukbit niya sa balikat ang mabigat na machine gun at naglakad patungo sa kaliwang pasilyo ng malawak na mansyon ni Hades. Envy followed behind him, silent as ever. Hindi na siya nagtaka. Sa kanilang magkakapatid, Envy seems to be 1% more mature than the others (bukod kay Pride at Sloth, syempre). Wrath scanned the area, his dangerous eyes narrowed at every corner. Nang masigurado niyang walang halimaw sa ten-meter radius, they hurriedly ran towards a winding staircase.

Kani-kanina lang ay nagawa nilang makapasok sa kaharian ni Hades. The black slabs of rock and iron melted into a unqiue fortress. Makaluma na rin ito at bakas ang ilang parte na nilamon ng apoy. Maging ang marble na sahig ay kakikitaan ng mga bitak---and if you look closer, you'll see an eternal hell down below.

'He's just a fake! Hindi porke't ipinagkatiwala sa kanya ni Lucifer ang imperyong 'to, may karapatan na siyang umaktong hari!' Galit na isip ni Wrath at lumiko sa madidilim na pasilyong halos kamukha lang ng sa kanilang mansyon. Honestly speaking, Hades' castle is a magnificent fusion of modern and medieval periods. Pupurihin na sana ni Wrath ang mga mamahaling paintings at detalyadong mga palamuti kung hindi lang niya gustong pugutan ng ulo ang bwisit na 'yon.

"This way!"

Maririnig sa tahimik na kastilyo ang alunig ng kanilang mga yabag. Tihanak nila ang isang hallway na alam niyang patungo sa throne room ni Hades. Wrath felt the adrenaline kicking in as they neared their destination, pero agad rin itong naglaho nang marahas siyang hatakin sa kwelyo ni Envy. Kinakadkad niya ang prinsipe patago sa isang malaking estatwa ni Hades. Wrath starting cussing when his brother glared at him, "Shut up! O baka gusto mong magpahuli sa reyna?"

Kasabay nito ay ang pagdaan ni Persephone. Nang makalampas na sa kanila ang babae, napasimangot lang si Wrath.

"Kung patayin ko na lang kaya 'yong asawa niya? That way, Hades will get really angry.." Napapangisi siya sa naiisip. Chaos and fire everywhere! Paghihinagpis! Kamatayan! Walang katapusang pagdurusa!

Envy rolled his eyes.

"Sure. Kapag nahuli tayo, I'll just bargain your soul to them and save my own ass, brother."

Nang masigurado nilang wala nang imortal o halimaw sa paligid, tahimik nilang tinungo ang malaking silid sa dulo ng pasilyo. Sa di-kalayuan, natanaw na agad ng magkapatid ang bulto ng ilang clockwork monsters---pawang malalaki at nakapangingilabot ang mga hitsura. Mahinang napamura si Wrath at kumuha ng combat knife mula sa kanyang bulsa. 'An army of clockmonster-shits. Bakit ba hindi na ako nagulat? Psh.' Sinuyod ng kanyang mga mata ang kabuuan ng silid hanggang sa makita na niya ang mga "target" ng kanilang misyon, "Mukhang bestfriends na sila. How demonically disgusting."

"How do we take them down?"

Tumalim ang tingin ni Wrath kay Envy. "Kahit na kating-kati na akong tanggalan ng mga braso't binti ang mga baliw na 'yan, we can't. Follow my lead." Oo, alam ni Wrath na maaaring ito na ang pagkakataong hinihintay nila para sumalakay at tapusin sina Boswell at Hades pero alam rin ng prinsipe ng galit na kahibangan ang gawin 'to nang dalawa lang sila ni Envy. Especially now that they discovered an army of wood monsters that are ready to strike on Boswell's command.

Instead, Wrath and Envy moved closer towards them. Nagtago sila sa likod ng ilang malalaking kurtina na nakabitin sa lumang bintana ng kastilyo. Walang-imik nilang pinakinggan ang usapan ng dalawang kaaway.

"...hindi niya magawa ang trabaho? That girl doesn't seem convincing enough to pull this off!" Naiinis na sabi ni Hades na bagot na nakaupo sa kanyang trono.

Nakasandal naman sa pader si Mr. Boswell at sinisipat ang relong nasa braso, ni hindi man lang dinapuan ng tingin ang hari nang sumagot, "Are you doubting my plans, Your Highness?" Walang emosyon at may halong banta ang kanyang malalim na boses.

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Where stories live. Discover now