QOS: QUADRAGINTA TRES

1.7K 125 11
                                    

Noong gabing iyon, hindi makatulog si Sloth.

The prince of laziness laid on his mattress and blood-colored sheets inside Hades' castle, but slumber never visited him. Huminga nang malalim si Sloth at pinakiramdaman ang paligid. Ikatlong araw na magmula nang nakawin nila ang scythe ni Death, ngunit nababagabag pa rin siya.

'Mukhang nananahimik rin ang Four Horsemen of the Apocalypse. I wouldn't be surprised if Lucifer has another trick up his sleeves.' isip-isip niya't walang ganang tumayo mula sa kanyang kama.

Sloth yawned and stared out the stone window and pushed aside the stained-glass that depicted the domination of Hades over the Underworld. Nang tuluyan nang mabuksan ng prinsipe ang bintana, bumungad sa kanya ang kakaibang simoy at lamig ng hangin. The smell of raw bones and fear.

Nostalgia hit him.

He knew this scent all too well.

Nanlaki ang mga mata ni Sloth nang mapagtanto niya kung kailan niya ito huling naamoy. "No.. it can't be!"

Mabilis siyang sumilip sa ibaba at pinagmasdan ang pagsasanay ng mga kawal ni Hades. Sloth's eyes scanned the horizon until he saw a figure glooming over the fortress. His horse made of bones only added to the danger. Isang makapanindig-balahibong presensiyang kinatatakutan ng sinumang mortal.

"Death."

The smell of death burned Sloth's lungs.

'What the heck is he doing here?' He needed to warn the others! Sa kasamaang-palad, parang walang napapansin ang mga kawal ni Hades. Abala pa rin ang mga ito sa pagsasanay habang tahimik na nakamasid sa kanila ang horseman na kinukubli ng ilang mga anino. Mahinang napamura si Sloth at mabilis na lumabas ng kanyang silid.

'Isa lang ang maaaring ibig sabihin nito..'

Nahanap niya sina Pride sa throne room ni Hades. Abala ang dalawa sa pag-uusap nang biglang pumasok ang kasalanan. Ayaw man niya itong aminin, ngunit tila ba habang tumatagal, lalong nanghihina ang kanyang katawan. Whether it's because of the lack of souls they segregate or the approaching Blood Moon. Bumaling ang nakatatandang kasalanan sa kanya, halatang hindi nagustuhan ang kanyang biglaang pagdating. Pride adjusted his eyeglasses, "What the hell are you doing here, brother?"

Hinihingal na sumigaw si Sloth at binalingan ang hari, "Nandito si Death! Lock the castle doors and gather your men! This could only mean one thing---!"

BOOM!

Yumanig sa kastilyo ang isang malakas na pagsabog. Kamuntikan nang malaglag ang malaking chandelier na nakasalambitin sa kisame. Dumilim ang ekspresyon ni Pride nang maunawaan na ito.

"The third warning."

At alam nilang pareho na hindi lang ang warning ang dahilan kung bakit narito ang kamatayan. Sloth knew that he's also here to get his beloved scythe back.

Galit na tumayo si Hades mula sa kanyang trono at nag-utos sa kanyang mga gwardiya. "Prepare the troops! We won't let that horseman destroy my fucking castle!"

Natatarantang umalis ang mga gwardiya at nagmamadaling lumabas para balaan ang kanilang mga kawal. Pride, Hades and Sloth soon followed as the other sins ran down the stairs and joined them at the castle yard.

Bitbit ni War ang scythe. Ininangat niya ang patalim at ngumisi nang may pagka-sadista. "I wonder what it's fucking like to chop a horseman's head using this baby? I should really get myself one of these!"

"And kill us whenever we borrow your toys inside your Torture Room? No can do, brother! Muy peligroso." Napapailing na sabi ni Greed. Kapansin-pansin ang pagkinang ng suot niyang ginintuang robe. May nakaburda pang mga diyamante rito. Sa kanyang tabi, napatakip ng mga mata si Envy.

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Where stories live. Discover now