QOS: DUODEQUADRAGINTA

1.3K 121 19
                                    

"This is the termination of our contract. You are no longer the maid of the Seven Deadly Sins. Paalam, Snow White..."

Namimilipit na sa sahig si Snow White. Nanlamig ang buong katawan niya't tila ba kinakapos siya ng hininga. Sa kabila nito, patuloy pa ring umaagos ang kanyang mga luha. The sound of ticking clocks and thunder almost drove her to the point of insanity. Napahawak siya sa kanyang dibdib. Sa pagkakataong ito, hindi niya alam kung alin ang mas masakit.. ang kanyang katawan o ang kanyang puso?

Tick-tock...tick-tock..

Time flies when curiosity drags you into a world of uncertainty.

'T-Termination of contract. Ibig sabihin ba nito ay mamamatay na ako?'

She laughed bitterly. Hindi siya nilapitan ng ibang mga kasalanan. Naririnig niya ang kanilang mga boses, pero hindi niya maunawaan ang sinasabi nila. Nanlalabo na ang kanyang paningin, pero pilit pa rin niyang inaaninag ang pigura ni Pride na nag-iwas ng tingin. One word left the eldest sin's lips...

The only word that came clear.

"Run."

"...."

Hindi siya umalis sa kanyang pwesto. Tila ba lalong nainis si Pride at matalim na tumitig sa kanya. He adjusted his eyeglasses and spoke in a deeper demonic voice.

"Run before we kill you, princess."

And that was all it took.

Umalingawngaw sa buong lugar ang pagtunog ng makalumang orasan.

It was midnight.

'Run.. I-I need to get out of here!'

Hindi na namalayan ni Snow White ang pagtangay sa kanya ng kanyang mga paa papalayo sa dining hall. Her feet had a mind of their own, as she struggled to stay conscious. Nanghihina at nanginginig pa rin ang mga kalamnan niya sa sakit. Hindi niya magawang pigilan ang kanyang mga paa o ang kanyang mga luha.

Pride's threat still lingered in the air. A deadly warning she found herself obeying.

"K-Kailangan kong makaalis dito.."

Takot.

Iyon lang ang tanging natatandaan ni Snow. Ang tanging emosyong namayani sa kanyang dibdib habang binabagtas niya ang eleganteng mga pasilyo ng palasyo ni Hades. She passed by the antique displays and century-old chandeliers. Madilim ang mga pasilyo at umihip ang malamig na hanging nagmumula sa mga bintana kasabay ng pagsanggi sa kanya ng ulan.

The clock continued to scream inside her head, reminding her it was midnight.

Reminding her that she can't turn back.

Sa kanyang likuran, naramdaman niya ang pagliyab ng mga pasilyo. Embers danced in her eyes as warm tears kept rolling down her pale face. 'N-No..' Kabado siyang lumiko at nagmamadaling binuksan ang mga pinto.

Snow White ran away before the flames caught her.

The rain kept pouring down on her as darkness greeted her again..

Nang tuluyan na siyang makalayo sa palasyo, nanghihina siyang napaluhod sa damuhan. Hindi na niya alintana ang pagbuhos ng ulan o ang duming nanuot sa damit niya. Malungkot siyang ngumiti at hindi na nag-abala pang punasan ang mga luha.

It's her fault.. but why does it still fucking hurt?

"No red apples needed for this princess."

Because she feels poisoned--inside and out. 'Ironically, the pain went away when I ran away from the sins..' Napapikit siya. Para bang mula rito, naririnig pa rin niya ang nakakapanindig-balahibong tunog ng orasan. It was midnight and here she is, running away from her old life again. Like the time she ran away from Boswell.

Ano nang gagawin niya ngayon?

Hindi na niya alam kung saan siya pupunta. Ngayong hindi na siya katulong ng pitong kasalanan, wala na siyang ideya kung saan siya pupulutin.

She feels lost again.

And this time, Pride is not here to guide her path.

Sinuri niya ang paligid. Ilang metro ang layo niya mula sa pamilihan. Para bang nasa gilid siya ng isang burol. Huminga nang malalim si Snow at sinubukang pakalmahin ang sarili.

"Saan na ako d-dapat pumunta?" She asked to no one in particular.

Tick-tock.. tick-tock...

At noong mga sandaling iyon, hindi niya alam kung namamalikmata lang ba siya o may naririnig pa rin siyang tunog ng mga orasan? She tried to follow the sound, but she was too weak. Ilang sandali pa, nakita niya ang pamilyar na bagay sa putikan.

"C-Clockwork baby?!"

Akala ba niya naiwan ito sa palasyo?

Natatarantang pinuntahan ni Snow sanggol na mahimbing na natutulog. She cradled it like a human infant and smiled. "Atleast I'm not alone anymore."

Pumunit ang kidlat sa kalangitan. Napaatras si Snow nang marinig ang nakabibinging pagkulog. She tried to look for shelter, but her eyes found something else.

It was that white shadow again..

'A-Anong..?'

Nahagip ng kanyang mga mata ang paglaho nito sa isang tulay. "Te-Teka, sandali!" She doesn't know why, but there's a small voice inside her head that was telling her to follow it. Mukhang nababaliw na rin yata siya! Bago pa man niya mapigilan ang sarili, mabilis nang hinabol ni Snow ang puting anino.

Napahinto siya nang makita ang tulay.

It was made out of human bones. Tanging mga lumang lubid lamang ang bumibigkis sa mga ito. Napapalamutian ng mga nasirang bungo ang gilid nito. Inaamag at mukhang ilang siglo na ang tanda ng tulay na ito.

Sinilip ni Snow ang banging nasa ilalim nito at napalunok. On the other side of the bridge, the white shadow await her. Huminga nang malalim ang dalaga at maingat na tinawid ang tulay habang karga ang clockwork baby.

CRACK!

Nabali ang ilang buto.

"Shit!"

Snow White watched as the broken bones vanished into the endless pit. 'Kaya mo 'to, Snow.. kung nakayanan mo ngang maging katulong nila, makakayanan mo ring tumawid dito.' She closed her eyes and concentrated. Mahina siyang napamura nang kamuntikan na siyang mahulog. Sa lakas ng hangin, pagewang-gewang ang tulay na yari sa mga kalansay.

'J-Just a little more.'

Tick-tock.. tick-tock..

Nang tuluyan nang makatawid si Snow White, she let out a sigh of relief. She scanned the place, only to find a forest of dead trees. Nanghihina niyang hinanap ang puting anino. Mukhang nawala na naman ito.

'It wanted me to be here.. but why?'

Nanghihina at tuluyan nang kumalam ang sikmura ng dalaga. Ngayon niya nararamdaman ang "consequences" ng kanyang training at pagtakbo kanina. She cursed under her breath and tried to take another step forward, but her prosthetic leg gave out.

Napasigaw sa sakit si Snow nang matumba siya sa putikan.

The cold droplets of Underworld rain and darkness of nightfall didn't do anything to comfort her broke self. Not today.

'Hindi ako susuko..'

Tuluyan nang nawalan ng malay ang kaawa-awang dalaga. And the only thing she can remember as she drifted in and out or consciousness is a golden crown and ash gray eyes. Naramdaman niya ang pagbuhat sa kanya nito, pero hindi na siya nanlaban. Tuluyan na siyang nawalan ng lakas lumaban..

'Bakit siya nandito?'

---

I wait for you. The years in silence pass
And as the image, one, I wait for you again.

The distance is in flame -- and clear one as glass,
I, silent, wait -- with sadness, love and pain.

---"I Wait For You", Aleksandr Blok

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن