VIGINTI SEX

3.8K 272 72
                                    

Tumalin ang tingin sa kanya ni Fleur. Her expressive eyes giving a hint of anger. Mukhang natamaan ito sa sinabi ni Snow. Lihim na napangisi ang dalaga. 'Maganda rin naman na paminsan-minsan, iba ang nalalagay sa kahihiyan.' Snow crossed her arms over her chest and raised an eyebrow at her. Tutal naman, dinanas na niya ang impyerno, bakit pa siya matatakot sa isang diyosa?

"Let's just cut to the chase, I still have training. Anong balak mong i-blackmail sa'kin?"

Nakita niyang nakakuyom na ang mga kamao ni Fleur sa galit. Mabilis niyang hinawakan sa leeg si Snow, halos bumaon na ang matatalas na mga kuko nito sa kanyang balat. Pinilit na huwag ipakita ni Snow White na bahagya siyang nasasaktan sa ginagawa nito.

"I'll tell Lust that you're a slut! Akala mo ba hindi ko alam na naghalikan kayo ni Wrath sa dungeons?! Hmph!"

Pagak na natawa si Snow. "You have to do better than that if you want to scare me."

"You little bi----!"

"Walang namamagitan sa'min ng 'pinakamamahal' mo. Can't you just accept that Lust had always been the playboy since Jurassic era?"

Ang ipinagtataka lang talaga ni Snow ay kung bakit nagpapaka-possessive ang babaeng ito kahit pa alam nilang dalawa na ganoon na talaga ang ugali ni Lust. Magugulat na lang si Snow kung hindi panindigan ng binata ang kasalanan niya. Napayuko si Fleur sa mga salita ni Snow. Napansin rin niyang nanginginig na ang kanyang mga kamay sa inis.

"Hindi mo naiintindihan. You're just a stupid mortal who doesn't even know how to act like a lady!"

"Wag mo 'kong simulan sa ganyang kadramahan." Asik ni Snow at marahas na inalis ang kamay nito sa kanyang leeg. Sa totoo lang, sawang-sawa na siyang nalalagay sa mga ganitong sitwasyon. It feels like everyone exists just to bully her around! It sickens her to feel so worthless. Pero sa pagkakataong ito ay hindi niya hahayaang awayin na lang siya basta-basta ng diyosa ng Fountain of Tears. No matter how angelic she may seem.

'She's accusing me of a crime I didn't even do!'

"Wala kaming relasyon ni Lust."

Pagdiin pa nito para makumbinsi si Fleur. Pero mukhang hindi nito tanggapin ang dahilan na iyon. She angrily glared at Snow. "That's your opinion! Hindi mo siya kilala, Snow. Hasn't it ever occured to you that you're the only person he's brought to Suicide Beach?!"

Natigilan si Snow sa sinabi niya. Naalala niyang bigla ang panahong dinala siya ng binata sa paboritong lugar niya, ang lugar kung saan sinubukan na nitong magpatiwakal. 'But of course, Lust is immortal. He can't die..' She never really made a big deal out of it. Should she?

Nang hindi makasagot si Snow, lumawak ang mapang-asar na ngiti ni Fleur. With a slender finger, she pointed towards an opening in this underground lake.

"Konektado ang lugar na ito sa Suicide Beach. I hear Lust say things.. Lagi niyang kinakausap ang sarili niya sa lugar na iyon. Sometimes he whispers terrifying experiences. Other times, he'd talk about nonsense and condoms. But recently, guess what---or who---is running in his head?"

Hindi mapaniwala si Snow. Sa makahulugang tingin ni Fleur, alam na niya ang kasagutan. Kahit kahit ay hindi sumagi sa isip niya ang bagay na iyon. How could it be possible? Napalunok siya. Mukhang naaaliw naman ang blonde sa ekspresyon ng dalaga.

"Yes, bitch. He's 'feeling' something for you."

*

Hanggang sa mga oras na ito ay hindi maproseso ni Snow ang mga sinabi ni Fleur. Lutang niyang isinalin ang tsaa ni Pride. It's his tea time at mukhang hindi na magbabago ang bagay na 'yon. 'Malamang sinabi lang sa'kin ni Fleur ang bagay na iyon para mawala ako sa konsentrasyo----'

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Where stories live. Discover now