QUINQUAGINTA QUINQUE

3.1K 220 9
                                    

Sumapit ang ikaanim na gabi. Kasabay ng paglagas ng dahon ng ilang matatandang puno ay ang paggalaw ng anyo ng isang halimaw sa diliman ng bayan. Natatakapan ng makakapal na ulap ang matamlay na buwan, sadyang nakikiayon sa mga kaganapang mangyayari. The starless sky harbored no emotion tonight, and if you can listen closely, you'd hear several cries in a distance. Pagmamakaawa ng ilang naghihingalo---kung inabutan sila ng kamatayan sa daan o may nagplano na nito para sa kanila, walang makapagsasabi.

"AAAAAAHH!"

Sa sentro ng lungsod, puminit sa katahimikan ang sigawan ng ilang paslit. Nakakapanindig-balahibo ang boses nilang tila kinakayod ng matatalas na kuko. Nobody bothered. Nobody tried to save them. Dahil ang mahalaga lamang para sa mga taong nakasaksi sa pagdudurasa nila ay ang mailigtas ang kanilang mga sarili. People are selfish like that.

"That's why many of them deserve to die."

Ngumisi si Pride sa gitna ng kaguluhan. Bahagyang napunit ang kanyang damit dahil sa pagbabagong-anyo kanina. Kung nasa tamang pag-iisip lamang ang prinsipeng ito, malamang ay kanina pa siya nakapagkumento. He'd always like to keep things in organized and clean. Pero sino bang makapagsasabi na ang lalaking ito rin ang lalaking pundasyon ng pitong magkakapatid? Pride is gone, and what's left of him is only a mere puppet for the witch to use.

'Ano bang ginagawa ko dito?'

Pero agad ring nanahimik ang tinig na 'yon sa kanyang loob. Namalayan na lang ni Pride ang paghakbang niya sa ilang bangkay at ang pagsilid niya ng kaluluwa ng mga ito sa kanyang sarili. The bodies of dead sinner sprawled on the cemented floor like garbage. Kumislap sa kanyang harapan ang sari-saring liwanag na nagmumula sa mga ito. The light that resembled fireflies flickered in front of them. Wala siyang maramdamang kahit anong emosyon habang pumapasok ang mga ito sa kanyang katawan. 'Empty.. Like my favorite room.'

Pumasok ang mga liwanag na ito sa kanyang dibdib, ang ilan ay dumaan sa kanyang mga kamay na napupuno ng dugo--parehong tuyo at sariwa.

Sa likod ng kanyang isipan, ramdam ni Pride na mayroong mali sa sitwasyong 'to. Una sa lahat, isang paglabag sa kanilang tungkulin ang pumatay ng makasalanan kahit hindi pa nila oras. If Lucifer found out about this, paniguradong impyerno nga ang patutunguhan ng magkakapatid. They were only give instructions to collect and get the life spans of sinners who already died. Pero habang pinagmamasdan niya ang kumukutitap na mga ilaw, hindi maiwasang tanungin ni Pride kung may halaga pa ba kung ano ang tama...dahil hindi na niya alam kung ano ito.

'Magulo.. N-Nasaan na ba ang mga kapatid ko?'

Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Pride nang maalala ang kanyang mga kapatid. Ang kanyang pabayang mga kapatid. Sa pagkakatanda ni Pride, walang ibang alam gawin ang anim na 'yon kung hindi ang maging sakit sa ulo sa kanilang panganay. Now, as Pride stares at these firefly lights, naaalala na niya ang isa pang malaking pagkakamali sa pangyayaring ito. 'Each light represents a sin.. Magiging lason sa katawan ko kung kukunin ko ang nakalaang life span nila..'

That's how it works.

Nabuhay silang magkakapatid ng ilang siglo, magmula noong nabuo ang unang kabihasnan sa mundo. Sa ilang daang beses nilang pagtatrabaho, natuklasan ng magkakapatid na hindi nila pwedeng samsamin ang nakalaang buhay ng iba. It all happened when Greed "accidentally" took Envy's light for himself. Ang buong akala ng prinsipe ng kasakiman ay hahaba lang lalo ang kanyang buhay at pareho lamang ito ng epekto sa mga liwanag na natatanggap niya. But instead of being a benefit, it became liability. Greed was sick for several days. Naging lason ang liwanag sa kanyang katawan.

Nanlaki ang mga mata ni Pride habang tinititigang maigi ang mga ito.

'Damn it! Hindi 'to pwede!'

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon