UNDEVIGINTI

4.6K 279 29
                                    

Hindi pamilyar kay Snow ang daan na tinatahak ng kanilang karwahe. Ang huling beses niyang mapadpad sa kagubatang ito ay noong gabing nakipagkasundo siya kay Pride para maging alipin nila. She stared out the vast forest outside, the trees and plants weren't familiar to her. 'Ano pa nga nang aasahan ko? Of course I won't recognize any of them..' Bukod sa madilim ang paligid nang dalhin siya ni Pride sa mansyon, talaga namang walang pakialam si Snow sa mga bagay na nakapaligid sa kanya. She wasn't an observant child, and you can't blame her for growing up with abusive parents that killed her own sense of freedom, either. Natuto siyang huwag pahalagahan ang mga nakapaligid sa kanya---lalo na ang mga tao...

"..because caring would mean giving people the license to hurt you."

Mahina niyang bulong sa sarili at sinilip ang mga binatang may kanya-kanyang ginagawa. Nakahilig ang ulo ni Lust sa kanyang balikat, at ilang ulit na niyang tinabig ang kamay nitong napupunta sa kung saan. To his right, Envy and Greed were playing cards. Nang silipin ni Snow ang mga baraha nila, nagtaka siya nang makitang blangko ang mga ito. 'How could they play with blank cards?' Nawiwirduhan man, hindi na niya inabala pa ang magkapatid dahil mukhang concentrated sila sa paglalaro. Sa pinakadulo ng kanilang upuan, ngumangata na naman si Gluttony ng pang-pitong ham and cheese sandwich niya magmula nang bumiyahe sila----"Eating is not a crime! Wasting precious food is," ipinaglaban ng lalaki kanina nang suwayin na naman siya ni Wrath----napabuntong-hininga na lang si Snow. She doesn't consider herself doomed, but she isn't lucky either. Unti-unti, nasasanay na rin naman siyang mabuhay kasama ang mga baliw na ito.

Dumako ang mga mata niya sa kanyang harapan.

Pride is busy reading a book, pero base sa hitsura niya ay wala sa libro ang atensyon nito. These past few days, para bang laging okupado ang isip ni Pride. Being the eldest among them must be exhausting. Sa tabi ni Pride, hindi na nagulat ang dalaga nang makitang mahimbing na natutulog si Sloth. 'He kinda looks like an angel when he sleeps..' Kumento niya sa isip. Nang balingan naman ni Snow si Wrath, hindi na rin siya nagtaka nang makitang nakatitig ito sa kanya. Hindi ito galit, ngunit hindi rin naman ito masaya. Kagaya ni Pride, mukhang malalim ang iniisip nito.

"Nanggaling ka sa Eastwood, hindi ba?"

Nanlaki ang mga mata ni Snow sa biglaang pagtatanong ni Wrath. 'Shit! Alam kaya niyang konektado ako kay Mr. Boswell?' Pinilit ni Snow na pakalmahin ang sarili. Hindi nila pwedeng malaman na nanggaling siya sa puder ng halimaw na 'yon..or else, they'll throw her out of the mansion.

At ayaw nang isipin ni Snow kung saan siya pupulutin kapag nangyari ang bagay na iyon.

"Yes."

Tumango si Wrath at mas inilapit ang mukha sa kanya. Kahit na may ilang metro pa rin ang layo ng mga mukha nila, ramdam ng dalaga ang talim ng mga titig nito sa kanya. It's like he's analyzing something. Mas lalong namayani ang kaba sa dibdib ni Snow.

"Do you know a man named Mr. Jeremy Hans Boswell? Isa siyang clockmaker doon."

Sa pagkakataong ito, para bang may naghulog ng time bomb sa harapan ni Snow. Nanlata ang kanyang katawan nang marinig muli ang pangalan ng taong naging mapait na bahagi ng kanyang nakaraan. 'No.. I can't tell them.' Pilit isinantabi ni Snow ang takot at kalmadong tumugon, "I've heard of his name once.." Ngunit para bang ayaw pa ring tapusin ni Wrath ang usapan. "Do you know him personally? Nakita mo na ba siya sa labas ng kanyang shop?"

'Actually, Mr. Boswell keeps me locked inside his shop!' Pero syempre, hindi niya maaaring sabihin iyon.

"Hindi pa."

Pakiramdam ni Snow ay tumulo na ang pawis na namuo sa kanyang noo dahil sa panunuri sa kanya ni Wrath. His dangerous and calculating eyes never left hers, and she almost felt as if he can see through her lies. Nang sumandal muli ang binata sa kanyang upuan, tsaka lang nakahinga nang maluwag si Snow.

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Where stories live. Discover now