QOS: QUINQUAGINTA DUO

1.9K 145 18
                                    

Her head hurts like hell.

Nang magmulat ng mga mata si Snow, agad niyang napansin ang mga kasalanang nakatitig sa kanya. She saw the faces of the Eight Deadly Sins---Pride, Wrath, Envy, Greed, Lust, Gluttony, Adoration, and...

"Sloth?"

Agad siyang napaupo nang makita ang prinsipe ng katamaran. "B-Buhay ka na!" Marahang ngumiti si Sloth sa kanya. He didn't even looked like he died a few moments ago!

"While you were asleep, Death took his scythe and returned my soul back to my body, angel."

Nanlaki ang mga mata ni Snow.

"But the curse! Akala ko kailangang kunin ni Death ang kaluluwa mo d-dahil...dahil sa special request na ginawa mo para ma-reincarnate ang kaluluwa ko?" Ngayong nasasabi na ni Snow ang bagay na ito, tila ba lalo siyang nahihirapang paniwalaan iyon.

Siya ang Queen of Sins. Ngunit sa kabila nito, marami pa ring katanungang gumugulo sa isip niya. Bakit nag-request si Sloth kay Death para ma-reincarnate ang kaluluwa niya? Sino ba talaga ang pumatay sa kanya noon? What happened in her past life?

Curiosity really killed the cat.

Sloth could probably read the questions running inside her head. Napabuntong-hininga ito at misteryosong ngumiti sa dalaga.

"Like I said before, there are some secrets that I'll carry to my grave, angel. Mas mainam nang hindi mo malaman.. Anuman ang nangyari sa nakaraan mong buhay bilang Queen of Sins, that doesn't matter anymore. Ang mahalaga ay ang panibagong buhay na mayroon ka ngayon.. and to answer one of your question, pag-uusapan na natin mamaya sa Conference room ang tungkol sa gagawin ni Death para mabayaran ko ang pagkakautang ko sa kanya. With Lucifer dead, it's easier to negotiate with the horsemen."

Nang maalala ni Snow ang mga nangyari, mabilis niyang inilibot ang mga mata sa paligid. Doon niya napansing nakaupo pala siya sa sopa sa loob ng sala ng mansyon. Malamang ay binuhat siya ng mga kasalanan kanina nang mawalan siya ng malay. And aside from the eight deadly sins, naroon rin ang Four Horsemen of the Apocalypse. Famine sighed and laid himself on the other sofa. His black armor metallic was out of place againt the soft material.

"Finally! Nagising na rin ang pinakamamahal nating reyna. Aish! I thought you were never gonna wake up."

Sumilay ang isang maliit na ngiti sa mga labi ni Snow. "It's good to see you too, Famine."

"Tsk! Fucking bitch."

Sabi ni War habang nakatali sa isang gilid. Nagpakurap-kurap si Snow nang makita ang red rider---and without his helmet! Ngayong nakikita na niya ang mukha nito, she was shocked to see the resemblance he had with Wrath. Magkamukha sila.

"Umm.. Pero bakit nakatali si War?"

"He is.. uncooperative. Delikadong pinapakawalan ang isang 'to. Palagi na lang siyang nagpapasimula ng gulo." Si Death ang sumagot habang nakatayo sa tabi ng bintana. Nakatanaw ang pale rider sa labas na para bang sinusuri ang paligid. He sighed, a peaceful look in his eyes. "Sumapit na ang katapusan ng paghahari ni Lucifer. Isang panibagong emperyo ang mamumuno sa naiwang trahedya."

Hades.

Now that Lucifer is gone, Hades can rule over the Underworld without anything to worry about.

"LET ME GO! DAMN YOU TWINS!"

Napapitlag si Snow White nang marinig ang galit na boses ni Wrath. Nang sumilip siya sa kabilang sulok ng silid, kumunot ang noo niya nang mapansing tinatalian rin siya ng kambal. Wrath glared daggers at them as Envy and Greed laughed in chorus.

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Where stories live. Discover now