QOS: OCTO

2.1K 157 25
                                    

'Kailangan kong bilisan. If any of the sins find out I'm sneaking out in the middle of the night, they'll get suspicious.'

Huminga nang malalim si Snow at tinakbo ang distansya patungo sa private study ni Pride. Her black locks whipped across her pale face as she ran into the darkness. Tuluyan na niyang iniwan ang lampara kaya't napilitan si Snow na suungin ang kadiliman ng mansyon. Her feet made soft sounds against the tiles as the smell of parchment got stronger. Hindi pa rin niya mapigilan ang bilis ng pintig ng kanyang puso dala ng kaba.

Hinihingal niyang binuksan ang pinto at nagpunta sa desk ni Pride.

'Kapag nalaman niya talagang pumasok na naman ako dito, malamang ipatapon niya ako ulit sa dungeons.'

Pero sa mga sandaling ito, mas mahalaga kay Snow ang mailigtas si Chandresh kaysa sa galit ni Pride. She hurriedly turned on the lamp. The fire flickered in the middle of the table. Binuksan ni Snow ang drawers ng lamesa at kinalkal ang gamit ng prinsipe.

Nang makahanap siya ng sulat, napangiti si Snow. It was a letter Pride wrote to Lucifer. Unsent. Ito ang tugon nila sa unang sulat na dumating..

Deadliest King of Hell,

My brothers and I understand the consequences of our decision, both for the Underworld and for the Mortal world. Therefore, we are assuring you that certain actions will be made to restore the balance of nature. There is no need for a war or for the involvement of your Horsemen. We'll deal with this problem personally and send you a report within three days.

Sinfully,

Pride

Nanatili ang mga mata ni Snow sa penmanship at pirma ni Pride. Determinado siyang kumuha ng malinis na papel at "hiniram" ang fountain pen ng binata. Snow White sighed and started writing. Sa huli ay maingat niyang ginaya ang pirma ni Pride at itinupi ito. She grabbed a cream-colored envelope, sealed it with wax, and wrote the address she remembered on the map.

Nang matapos ni Snow ang kanyang sulat, lumawak ang kanyang ngiti.

"Yup. They're definitely gonna kill me for this."

Inayos niya ang gamit ni Pride, pinatay ang kandila, at tahimik na umalis ng private study. She pushed through the mahogany double doors and let the cold night breeze hit her skin. Madilim pa sa labas at tanging ilaw na nagmumula sa Old English lamp posts ang nakapagbibigay liwanag sa bakuran. Kitang-kita ni Snow ang pagmarka ng kanyang hininga sa hangin.

'Gising pa siya ng ganitong oras.'

Hinanap niya ang karwahe. The new black iron carriage adorned with intricate designs was parked by the side of the large mansion. Walang emosyon siyang sinundan ng tingin ng mga puting kabayo hanggang sa malapit siya nang tuluyan roon. There, Snow White found the person---creature---she was looking for.

"Mr. Bones," Panimula ni Snow, "Pride asked me if you could send this letter tonight. It's very urgent."

Inabot ng dalaga ang sulat sa chauffeur ng mga kasalanan. Pride's most loyal servant stared at Snow, as if in question. Hindi nga naman masisisi ni Snow ang nilalang. Sino nga ba kasing magpapadala ng sulat ng hatinggabi?

'Sana nga lang ay hindi siya maghinala. Or else, I'm screwed!'

Snow White sighed, "You know Pride. He can be a bit demanding. Hindi ko rin alam kung bakit niya ito gustong ipadala ngayon." At mahina siyang natawa para mas maging kapanipaniwala.

'Liar. You're such a liar, Snow.'

Kalaunan, binasa ni Mr. Bones ang address na pagpapadalhan ng liham. Marahan siyang tumango, binulsa ang sulat, at yumukod kay Snow. Soon enough, he was preparing the carriage for a trip to Tartarus. Nataranta ang mga kabayo sa biglaang paglalakbay. They then sped away in full gallop as Mr. Bones sat on the couch's seat.

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Where stories live. Discover now