QUATTOURDECIM

5.1K 329 48
                                    

Knock! Knock! Knock!

Hindi mapakali si Snow. She shifted on her feet from time to time habang nakatayo sa harapan ng isang pinto. Napadako ang mga mata niya sa bintana sa dulo ng pasilyong ito, sumilay ang matamlay na liwanag ng bukang-liwayway. The sky barely gradiated from pale blue to pastel yellow, enough to indicate that it was too early for such actions. Kahit hindi niya tingnan ang orasan, alam niyang tulog pa rin ang magkakapatid. 'Baka nga tulog pa pati siya,' isip niya habang nakamasid sa pintong ni hindi gumalaw.

Napabuntong-hininga si Snow. "This is pointless. Paano ko naman mapapaamo ang demonyong aso na 'yon?"

Nasa right wing siya ngayon ng second floor, kung saan matatagpuan ang kwarto ng iba pang magkakapatid. Hindi talaga nakakatulong sa sitwasyon niya ang katotohanang nasa kabilang wing ang silid nilang dalawa ni Wrath. Earlier, she had to tiptoe down the hall, worried that the violent sin would chase her with an axe if she made a sound. Huminga nang malalim ang dalaga at nagsimulang maglakad papalayo nang biglang bumukas ang pintong kanina niya pa tinititigan.

"Don't you think it's too goddamn early for knocking on my door, princess?"

Nagpakurap-kurap si Snow. 'Bagong gising ba ang isang 'to? He still looks immaculately sinful even at a time like this,' pag-anim niya sa sarili at ngumiti sa binata. "Pride, kailangan ko ng tulong mo."

Tumaas ang isang kilay ng pangunahing kasalanan, marahan niyang iniayos ang salamin at nagsalita, "Para saan? I am not assuring you that I'll help. Hindi ko ugaling makihalo sa problema ng iba; I need a logical reason to do so."

Logical reason? Muntik nang napairap si Snow. May mas ilo-logical pa ba sa kadahilanan niya?

"Alam mo ba kung paano paamuhin ang isang dambuhalang asong may tatlong ulo?"

Napangisi si Pride, "And all this time, I thought you have been literate enough to survive this mansion."

"What are you talking about?"

Isinandal ni Pride ang ulo sa doorframe, nakatitig ang malalalim niyang mga mata sa dalaga na para bang ito ang pinakainteresanteng specimen sa buong daigdig, "Hindi madaling paamuhin ang tagapagbantay ng harang ng impyerno. The only time Cerberus acts like an angel is when he's accepting mortal souls into hell for their eternal torture. A canine sadist, and he also guards Hades' empire. Mas madalas nga lang na nagiging halimaw ang asong iyan dahil maraming kaluluwa ang nagtatangkang umalis ng impyerno, mas malala pa siya sa diyablo sa mga pagkakataong iyon."

Nanindig ang balahibo ni Snow sa narinig. May nabasa niya siya noon patungkol dito, "Anyone can have an easy access to hell, but no one can leave once you're inside." Mahina niyang bulong ngunit tila na narinig rin ito ni Pride. Tumango ang binata at humalukipkip, "Pero tulad ng ibang mga halimaw, may kahinaan rin si Cerberus. In historical documents, a few people managed to get passed him successfully."

Mas lalo nang naguluhan si Snow. "Akala ko myths lang ang mga iyon?"

Pride chuckled, "Princess, sometimes the truth is concealed to keep it safe. Kung tatanungin ba kita kung masaya ka sa pananatili mo sa mansyong ito, isasagot mo ang totoo?"

"No."

"Exactly. Hindi mo sasabihin ang totoo dahil alam mong may consequences ang pagsabi ng katotohanan. You protect the truth in an attempt to save yourself from damage, just like how the ancient is protecting Cerberus' weakness in order to save hell from humanity."

Napasimangot na ang dalaga sa sinabi niya. "Save hell from humanity? Hindi ko alam na sadyang may kinatatakutan rin pala ang impyerno."

Snow White saw a flash of seriousness in Pride's eyes, ngunit bigla rin itong nawala na tila ba isang bahagharing naglaho sa kalangitan.

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon