QOS: TRIGINTA

1.4K 111 0
                                    

Famine, the black horseman of food shortage, malnutrition, and starvation.

Pinilit ni Snow na pakalmahin ang kanyang sarili sa presensiya ng horseman, pero mukhang hindi niya ito magagawa. Iniisip pa lang niyang ang lalaking ito ang may dahilan ng kakapusan sa pagkain sa iba't ibang panig ng mundo, hindi niya mapigilang humakbang paatras. Everyday, there are humans  struggling with hunger. Some children suffer from malnutrition. Some just starve to death.

And now, Snow White is face to face with the culprit.

Famine watched them in amusement. "Wag niyo sabihing hindi niyo inaasahan ang pagdating ko? What a shame. I expected so much from the deadly sins.." nang dumapo ang kanyang mga mata kay Snow, lumawak ang kanyang ngisi. Tila ba kilala siya nito. "So, you're the girl, huh? Aish! Nauunawaan ko na kung bakit nagpapakatanga sa'yo si Pestilence. Hahahaha!"

Sa isang iglap, mabilis na pumasok ng mansyon ang kabayong likha mula sa mga anino.

Bago pa man makakilos si Lust, mabilis siya naibalibag ng horseman.

"Ouch! Damn banana condoms.."

Bahagyang nagkaroon ng bitak sa pader nang tumama roon ang katawan ng kasalanan. Pagak na natawa ang horseman at inangat ang kanyang kamay sa ere. Tila ba may kung anong pwersang nag-angat kay Lust sa lupa.

Famine was choking him. Lust cursed and glared. At habang tumatagal, napapansin na ni Snow ang pangangayayat ng katawan ng kasalanan. Lust gasped for breath as he was almost skin and bones..

"LUST!"

Walang pagdadalawang-isip na kinuha ni Snow ang pinakamalapit na plurera at ibinato ito sa lalaki. It crashed on Famine's head, but the horseman made no reaction. He turned to Snow ang glared at her. Danger danced in those deep set of eyes.

"Let him go, you bastard!"

"Aish! I don't know if you're brave or just plain stupid enough to attack a horseman. Mainam pang bumalik ka na lang sa silid mo---better yet, just leave this mansion." Mahinang natawa si Famine, "Mas magiging ligtas ka kung lalayas ka sa mansyong ito, Snow. Living with the deadly sins is a bad idea."

Pero hindi nagpatinag ang dalaga. Matapang niyang sinalubong ang titig ng horseman. "Don't tell me what to do!" Mabilis niyang kinuha ang pocket knife na nakatago sa bulsa ng kanyang bestida at sinugod ang horseman. Sa kasamaang palad, mabilis na nakailag si Famine.

He didn't look pleased with her action.

"Hindi nabanggit sa'kin ni Pestilence na may pagka-agresibo ka rin pala."

Mahinang napamura ang binata at sa isang kisapmata, unti-unti nang nilamon ng mga aninong mistulang itim na tinta ang mga binti ni Snow. She dropped the blade and yelled in pain..

"AAAH!"

Bumaba sa kanyang kabayo ang horseman. Mula sa kanyang kinaroroonan, pinanood ni Snow ang paglakad nito papalapit sa kanya. His black armor clung to him as a sinister look in his eyes surfaced.

"That recklessness will someday kill you, Snow.."

Pero imbes na saktan siya, huminga lang nang malalim si Famine at ipinakalat ang kanyang mga anino sa mansyon. Kumunot ang noo ng dalaga nang naglakad na ito papalayo sa kanya. Hindi pa rin siya makakilos dahil sa pagkakalingkis ng tinta sa kanya, ngunit hindi na rin siya sinasaktan nito. Both her legs---her prosthetic and normal one---were stuck.

'Ano naman kaya ang pumipigil sa kanya para saktan ako?'

Before she could even think about it, flames devoured the whole receiving area. Hinarangan ni Pride ang pasilyong daraanan ni Famine. Pride leaned on the wall and adjusted his eyeglasses. A calm smirk on his face. Ngunit nang magsalita ang panganay, ramdam ni Snow ang pagbabanta sa boses nito.

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon