QUINQUAGINTA QUATTOUR

2.8K 214 4
                                    

Namayani ang katahimikan sa kinasasadlakan nilang kawalan. Maging sina Chandresh at Sloth ay nagulat. Tila ba umaalunig pa rin sa paligid ang malutong na sampal ni Christina sa sarili nitong anak. In fact, Snow White could still feel the sting on her left cheek. Matapos ang ilang sandali, matapang na sinalubong ni Snow ang nanlilisik na tingin ng babaeng nagluwal sa kanya. 'Seriously? May gana pa talaga siyang sampalin ako?' pagak na natawa ang dalaga na ikinasimangot ni Christina.

"A-Anong tinatawa-tawa mo diyan?!"

Naging blangko ang ekspresyon ni Snow. "Wala naman. Natatawa lang ako at naalala ko ang napakaraming dahilan kung bakit ka nababagay sa lugar na 'to, ma."

"Ha..?"

"Sasabihin ko sanang masaya akong makita ka ulit, but I don't want to fucking lie in hell. I never want to be like you."

Christina was taken aback by this. Hindi na naawat pa ni Snow ang kanyang sarili. All those years of hating this woman, now she just can't resist to grab the opportunity to let it all out. 'Sana hindi na lang niya ako ipinanganak! She should've just gone through abortion!', sigaw ng kanyang isip. Naikuyom ni Snow ang kanyang mga kamao sa galit at pakiramdam niya ay maibubuhos na niya ang lahat ng kinikimkim niyang sama ng loob para sa babaeng 'to!

"Ni minsan ba naisip mong may anak ka? Sa ilang taon ng paghihirap ko sa bahay natin noon, ni minsan ba naisipan mong kamustahin ang sarili mong anak? Because all my life, I've felt worthless! Hindi ko na nga sigurado kung nage-exist pa ba ako sa mundo mo. You don't even know how fucking painful it is to beg for your own parent's attention!" Nanginginig na ang kanyang mga kamay. Naging malalim na rin ang paghinga ni Snow.

Sa isang iglap, bumalik sa alaala ni Snow ang mapait niyang nakaraan kapiling si Christina. Ilang taon pa lang siya noon, pero sariwa pa rin sa kanyang isipan ang pakiramdam ng labis na gutom at awa sa sarili. Ipinagkait sa kanya ang lahat ng karapatang dapat ay tinatamasa ng isang bata---ang mag-aral, manirahan sa pamayapang paligid, magliwaliw, at kahit ang pakikipagkaibigan ay hindi siya nito pinahintulutan. Snow White spent the rest of her days inside that awful house, kasama ng mga ipis at daga. Araw-araw, pinaramdam sa kanya ni Christina na isa siyang kahihiyan.

"Tangina mong bata ka! Abnormal ka na nga, tatanga-tanga ka pa?! Simpleng utos lang hindi mo magawa?!"

"Sana pinalaglag na lang kitang hayop ka!"

"Nakakabwiset kang kasama! Sumama ka na doon sa tatay mo at sa kabit niya!"

Tuwing may gagawin siyang mali, halos patayin na siya sa gulpi ng kanyang ina. Her words carved deep into her soul, hanggang ngayon ay masakit pa rin ang sugat na likha ng mga ito. Not to mention the emotional trauma Snow White had from almost having been raped by her own father... then by her first, second, and third stepfathers. She was barely six. Sariwa pa rin sa utak ni Snow ang mga gabing 'yon, at kung paano siya pinabayaan ng kanyang ina. Dahil sa mga pang-aabusong 'yon, hanggang ngayon ay nahihirapang matulog si Snow sa gabi.

'Kaya ako natutong lumaban para makaligtas sa panganib.'

Akala niya ay ang ipamigay siya nito sa binatang clockmaker bilang kabayaran sa utang ang pinakamalalang nagawa sa kanya ng ina.

Ngayon, heto siya't nalaman niyang si Christina pala ang puno't dulo ng paghihirap niya, at ng pitong kasalanang pinaglilingkuran ni Snow.

"Tapos ka na bang magdrama? Kahit kailan talaga, makasarili ka."

Nang marinig ni Snow ang mga salitang 'yon mula sa kanyang kaharap, halos magpintig na ang kanyang mga tainga. Hindi siya makapaniwala sa sinasabi nito. Tumalim lalo ang tingin sa kanya ni Christina, mababakas mo ang pagpipilit nitong saktan ang anak. "Lagi mong ginagawang sentro ang sarili mo.  Lagi kang nagpapaawa. Anong akala mo Snow, na isa kang prinsesa ng isang kwento? Puta. Ang akala ko talaga may napulot kang magandang asal noong binigay kita kay Remi."

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon