TRIGINTA

3.7K 311 66
                                    

Kasalukuyang pinupulot ni Snow sa sahig ang nagkalat na mga bote ng alak nang narinig niya ang pagpalakpak ng iba pang mga paslit. 'Ano na naman ba ang trip ng mga 'to?', nang balingan niya ang mga bata, napansin niyang may pinapanood sila sa taas. Tuwang-tuwa ang mga ito na para bang inaabangan nilang bumagsak mula sa chandelier ang isa sa mga kapatid nila---unless..

"Shit! GLUTTONY, BE CAREFUL!"

Nanlaki ang mga mata ni Snow nang makita nga niya ang batang si Gluttony na nasa may chandelier pa rin. Kung paano siya nakarating doon, wala nang balak alaminin ng dalaga. Sa ibabaw nila ay bahagyang umuuga ang malaking chandelier at kamuntikan pang mapasigaw si Snow nang sumilip sa kanila ang nakasimangot na bata. Gluttony had breadcrumbs on his cheeks, his innocent eyes blinking at her.

"Bumaba ka na dito! Ano bang ginagawa mo diyan?!"

The small food-lover shook his head. "Noooooooo! Nikukunin mo na naman foods ko!"

Napasinghap siya nang biglang natanggal ang isa sa malalaking turnilyo ng chandelier sa kisame. Mukha namang natuwa pa ang kambal sa pangyayaring ito, malawak ang kanilang mga ngiti. 'Sadistic bastard twins!' Napamura na si Snow nang may natanggal na namang turnilyo. Binalot siya ng kaba. Malamang ay hindi kinakaya ng chandelier ang bigat ng batang matakaw.

"Damn it! Get down here!"

"NOOOOOOOOOOO~!" he sung.

Frustrated ang dalaga. Nakadagdag pa sa pressure ang reaksyon ng iba pang paslit. "Pride! Tulungan mo 'ko dito!" Pero nang balingan naman niya ang panganay, napamulagat na lang siya nang makitang nakangisi lang ito sa kanya habang umiinom ng wine sa malaking wineglass. Kung hindi lang baby-faced ang isang 'to, baka natakot na si Snow.

"Pride?!"

The toddler adjusted his eyeglasses. Pinigilan ni Snow na mapangiti dahil marahang humihilik si Sloth habang nakahilig ang ulo sa balikat ng kuya niya, malamang inantok sa pagsundot sa pisngi nito kanina.

"What's the mattew, pwincess? Can't handle a buwnch of toddlews?"

Pang-aasar nito sa kanya. The eldest sin smirked, showing off his dimple on the left chubby cheek. Snow glared at him. Mukhang kahit pa lumiit si Pride, malaki pa rin ang ego nito. Napabalik ang atensyon ni Snow sa pangyayari nang biglang kumalas chandelier mula sa kisame, nakasalambitin na ito sa ere habang si Gluttony naman ay takot na nakakapit sa dulo. Ngayon lang nakita ng dalaga ang takot sa mga mata ni Gluttony---bukod sa takot nitong mawala ang pagkain.

The chandelier dangled dangerously high above. Lubhang delikado para sa isang tatlong taong gulang.

At tuluyan na itong umiyak.

"Waaaaaaaah!"

"Gluttony!"

Para bang tinatakasan ng kaluluwa si Snow nang unti-unting natanggal ang huling turnilyo ng chandelier. Umilag silang lahat nang bumulusok ito pababa sa hapag kainan.

CRASH!

The deafening impact shattered the wine bottles and glasses. Nawasak rin ang mahabang mesa at tumilapon ang ilang upuan. Snow's heart stopped. "GLUTTONY!" Wala siyang inaksayang panahon at mabilis na hinanap ang paslit. Her heart beated irregularly at the thought of the kid being injured. 'Shit! Bakit ba kasi mabigat siya kahit na hindi naman siya mataba!' Inisa-isa ni Snow ang pagtanggal sa mga debris at binungkal ang kahoy ng dating mesa.

"Ano hanap mo diyan? Foods?"

"H-Huh?"

Natigilan si Snow nang marinig ang boses na iyon. Napanganga siya nang nakita niyang nakatayo na sa kanyang gilid ang bata, his baby fats making him look like teddybear.

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Where stories live. Discover now