QOS: QUINQUAGINTA UNUM

1.6K 126 9
                                    

Pride can feel the invisible field between them. Kahalintulad ito sa mahikang ginagamit ni Hades para hadlangan ang sinumang nilalang na magtatangkang pumasok sa lagusan papuntang impyerno. The eldest sin stared at Snow White. She was holding the scythe with such confidence that it worried him. Alam niyang nag-aalala rin ang iba pang mga kasalanan sa maaaring kahantungan ng labang ito.

"Let's just hope she doesn't turn evil."

Napalingon si Pride sa boses. He wasn't surprised when he saw Boswell's spirit beside him. Matagal na niyang alam na binabantayan niya pa rin ang dalaga. Just like him, nakatuon rin ang atensyon ng clockmaker kina Snow. Tila ba malalim ang kanyang iniisip. Pride knows exactly why..

"She won't. Posibleng naaalala nga ng kaluluwa niya ang kapangyarihan, pero hindi ibig sabihin nito ay magpapalamon na ang buong pagkatao niya sa kasamaan. She's Snow White---"

"And she's also the Queen of Sins who killed thousands of creatures before. Reincarnated souls can go bad. Hindi natin sigurado kung makakayanan ba niyang talunin ang siya." Fleur stated. Bakas pa rin ang pag-aalala sa mga mata ng water goddess.

Pride hates that she's right. Magmula nang sabihin ni Death sa kanila na si Snow White ang maalamat na reyna, Pride couldn't shake off the feeling that something bad's gonna happen.

He's read enough about the Queen of Sins to know that Snow White can rule the entire Underworld if she wanted to. Nagkamali noon si Lucifer nang ibinigay nito ang ganoong kalakas na kapangyarihan sa dalaga. Ngayon, ang kasamaang nananalaytay sa dugo ni Snow ang magiging bangungot ng lahat.

Marahan niyang ibinalik ang atensyon sa dalaga at inayos ang kanyang salamin sa mata..

"Back then, when I turned evil, Snow still trusted me. Kung sakali mang lalamunin rin siya ng kanyang kasamaan, I'll gladly do the same. If she forgets who she is, I'll risk my life to make her remember..  I'll take a poisoned apple for her any day."

*

Naramdaman ni Snow White ang kapangyarihan. It was dark and bitter, but it was powerful. Too powerful.. It felt like her body was unstable as she clutched the scythe in her hands. 'Hindi ako pwedeng mawalan ng kontrol. Hindi ko pwedeng kalimutan kung sino ako.' Tumalim ang kanyang mga mata kay Persephone--the fear in her eyes only fed her confidence even more.

Dumako ang kanyang mga mata sa bangkay ni Morticia. Sinusubukan siyang buhayin ulit nina Fleur gamit ang tubig mula sa Fountain of Youth, pero mukhang nahihirapan sila.

'I hope she survives.'

Her eyes then flickered to Sloth's dead body.

Sloth..

'His soul is inside this scythe. Hindi pa huli ang lahat..' Snow White can feel it. Sinilip niya ang kanyang repleksyon sa talim ng scythe. Mula sa kawalan, she can faintly hear the music Sloth dedicated for her. The soft sound of that piano touched her very soul. Hindi pa huli ang lahat. Narito pa rin ang kaluluwa ni Sloth..

'I won't let Lucifer get away with this.'

"Kung inaakala mong matatalo mo ako, nagkakamali ka, Snow.. Utang na loob mo sa'kin ang anumang kapangyarihang meron sa kaluluwa mo. You're nothing more but a pitiful mortal servant when I took you in and that's what you'll always be. No one can go against the King of Hell"

Persephone's skin turned gray and rotten. Lalong itong naging agresibo at sinubukang agawin ang scythe kay Snow. Humagalpak nang tawa si Persephone kasabay ng pagkakabitak-bitak ng sahig sa kanyang paanan.

The Queen of Sins cursed under her breath and jumped away. Nang akmang itataga na niya ang patalim sa kalaban, mabilis siyang itinulak papalayo ni Persephone. The force sent her stumbling back. "Damn it! This is madness!" Agad na tumayo si Snow at sinalag ang kanyang mga atake. Kung isa lang siyang hamak na mortal, malamang kanina pa siya nabalian ng mga buto sa lakas ng mga atake ng hari..

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon