QOS: TRIGINTA SEX

1.6K 109 3
                                    

To mortal ears, the noise is unbearable. The sound of clashing metal rivals that of their screams of agony. Mula sa gilid ng kanyang mga mata, napansin ni Pestilence ang pagsasara ng mga bintana't pagla-lock ng pinto ng ilang tindahan. Mothers ushered their little ones away and tried to hide from the massacre. 'Kapag nilamon na ng Imbalance ang buong Underworld, hiding will be useless.'

Walang-ganang binalingan ng horseman ang ilang kawal ni Hades na papalapit na sa kanila. Pawang nakasakay sa mga kabayo habang dala-dala ang kanilang mga espada at ilang panangga. Balot sila ng kulay itim na baluti na may nakaburdang simbolo ni Hades sa kaliwang braso. The sound of their horses made the other creatures aware of their presence.

Pestilene sighed. "Fools."

He raised his bow and positioned it towards them. Flames sparked on the tip of the silver arrow he as released his grip. Kumawala ang pana at bumulusok papalapit sa mga kawal ni Hades. Ngunit imbes na tamaan sila, bumaon ito sa lupa. Kumunot ang kanilang noo sa maling tira ni Pestilence.

One guard, a bulky cyclops with a beard, laughed at the horseman. "Hahaha! Mukhang wala naman palang dapat ikatakot sa inyong mga horsemen. Palpak naman ang kanilang mga---!"

BOOM!

Naputol ang kanyang sasabihin nang umalingawngaw ang isang malakas na pagsabog. Literal na nagkabitak-bitak ang lupa sa ilalim ng kanilang mga paa at nilamon ng matinding apoy ang kanilang mga kabayo. Nagkagulo ang mga kawal at tuluyan nang nawalan ng kontrol. Their terrifying screams drifted in the air as the flames began burning them alive.

Pestilence watched them suffer. His eyes reflected the fire and gave him a demonic look. Walang emosyon niyang tinitigan ang mga nasusunog na nilalang, ilang metro mula sa kanyang kinaroroonan. He lowered his bow and smirked..

"Never underestimate a horseman."

Bakas ang takot at kaba sa mga nakasaksi nito. Bahagyang umatras ang ilang mga goblins at tikbalang. Ang ilan ay nagawa pang tumakbo papalayo.

"Aish! Pasikat ka talaga. I told you to save some for me! I always wanted to see what Hades' guards will look like when they're skin and bones.." tumawa nang malakas si Famine na halos mahulog na sa kanyang itim na kabayo. "Hahaha! Kapag nahuli natin si Hades, gusto ko siyang mangayayat, parang kalansay! Tingnan na lang natin kung magtatapang-tapangan pa siya."

Napatingin si Umbra sa kanyang amo. Mukhang maging ang kabayo ay naiirita na sa kanya. Mahinang natawa si Pestilence, "Tingnan natin kung makakatagal pa ba si Umbra sa'yo ng ilang siglo. I wouldn't be surprised if she left you."

Famine waved him off. "Aish! Si Umbra? Nah! She loves me! Don't you, my black beauty?" Akmang hahaplusin na sana ni Famine ang gilid ng mukha ng kabayong yari sa tinta nang mabilis nitong kinagat ang kamay ng binata.

"OUCH! Shit!"

The ink black horse neighed and ran away. Sa kasamaang palad, nawalan ng balanse si Famine kaya't nahulog siya sa lupa. Napadaing siya sa sakit habang hawak-hawak ang kanyang pwetan. He cursed under his breath. "Minsan talaga moody 'yong kabayo ko! Damn it."

Lalo lang siyang napahiya nang makitang nagpipigil ng tawa ang ilang mga taga-Tartarus na kumakalaban sa kanila kanina. Famine glared at them, his face all red. "HOY! A-Anong tinatawa-tawa niyo diyan?! Do you wanna die?!"

Napapailing na lang si Pestilence. "Get up. Baka lalong masira ang reputasyon natin sa pagta-tantrums mo."

"Aish! Reputation or none, I still wanna see Hades starve to death. Kung lusubin na kaya natin ang palasyo niya?"

"And risk getting our asses fried by Lucifer? No fucking way." Sabat ni War na napadaan sa kanilang gilid habang kinakaladkad ang ilang aswang gamit ang mahabang kadena. Base from the chaos in his eyes, he enjoys torturing them.

Tumango si Pestilence, "War is right. Ang instructions lang na ibinigay sa'tin ni Lucifer ngayon ay manggulo rito sa Tartarus. Paniguradong maaalarma si Hades at ipapatawag niya ang Deadly Sins." He adjusted his crown and gazed at Hades' castle in a distance. 'Narito na kaya siya?'

Dumilim naman ang ekspresyon ni Famine nang banggitin ang mga kasalanan. "I don't think I'll be able to stop myself from getting my revenge on that food-loving asshole."

"Bakit naman?"

"Alam mo bang ginamit niyang weapon ang hita ng fried chicken! That's just plain crazy! Do you know how disgusting that is?"

Pestilence chuckled. Saka lang niya naalalang tanungin ang isang bagay, "Naibigay mo ba sa kanya ang regalo ko?"

"You mean that old red ribbon inside Pandora's box? Oo naman." Famine crossed his arms over his chest, "Aish! But your girl is quite reckless and stubborn, Pestilence. Ano bang nagustuhan mo sa isang 'yon? Though, I have to admit, she is quite pretty."

A proud smile played in Pestilence's lips. Hindi na niya sinagot ang tanong ni Famine at iginiya si Stallio pabalik sa bukana ng Tartarus. Nang marating niya ang bahaging 'yon ng bayan, agad niyang napansin ang ilang mga bangkay na nakakalat sa kalsada. Death stood in the middle of the mess. He rode his pale horse and nodded at Pestilence in recognition.

"I had fun killing them. Sa tamang pagkakataon, kahit ang mga immortal ay walang kawala sa kamatayan."

His scythe glimmered in the pale light. May bahid pa ng dugo ang malaking patalim. Marahang tumango si Pestilence, "Kaya ba't hihintayin mong sumapit ang Sinner's moon bago mo kolektahin ang kaluluwa niya?"

Ngumisi si Death. "It's more than just a curse, Pestilence.. it's his payment. Naniningil lamang ako ng kanyang utang. Of all immortals, you should know that."

"Paano kung nakalimutan ko?"

Amusement flashed in Death's eyes. "Hindi nakakalimot ang isang nilalang na nagmula sa napakaraming pighati sa buhay, katulad ng hindi paglimot ng isang ilog kung saan siya dapat umaagos."

Nag-iwas ng tingin si Pestilence.

---

Kidnap me from my reality
and crushed pieces of my soul
color me outside the lines
until my shattered heart is whole.

---Anonymous

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon