QOS: UNDETRIGINTA

1.5K 94 2
                                    

Gluttony sat on the bench of biscuits. Nakatanaw siya sa malawak niyang "kaharian" na yari sa masasarap na pagkain. The river of chocolate syrup flowed down below as gummy fishes played in its waters. Sa di-kalayuan, abala sa pagsasanay ang fried chicken warriors niya. Kung makikipagdigmaan sila sa Horsemen, kailangan nila ng mga sundalo. And so, he instructed his delicious chickens and pork chops to prepare for battle---kaso kanina pa sila nababawasan dahil sa gutom ng binata.

'Hindi ko kasalanan! Inaakit nila ako eh.'

The prince of food sighed and stared at the mountains of mocha-almond ice cream. Kumagat siya sa hita ng hawak niyang fried chicken at mabagal na ngumuya. After eating, he smiled in content and leaned on the backrest of the biscuit bench.

"Ito siguro 'yong sinasabing paraiso ng mga mortal! This is food heaven!"

Kuminang ang kanyang mga mata nang dumapo sa kanyang balikat ang isang toasted bread butterfly ("butterfly-toast"). Mabilis niya itong hinuli at kinain.

"Mabuti na lang hindi ako tumataba! Bwahahaha!"

Gym helps a lot. Ayaw naman niyang masira ang imahe niya sa mga mortal. Hindi naman porke't siya ang kasalanan ng pagiging matakaw, kailangan mataba siya. That's just bullshit. The sin laughed and stared up the cotton candy clouds.

This is his happy place.

Lahat dito ay kontrolado ng kasalanan. It was made out of magic, yes. But his Dessert Room is a lot better than the painful and stressful reality outside. Kung pwede nga lang siyang manatili rito habambuhay, malamang matagal nang nag-impake ng mga gamit si Gluttony at nilayasan ang kanyang mga kapatid.

Because there's just something about food that is so...

"Teka, bakit nag-iiba ng kulay ang cotton candy na 'yon?"

His eyes narrowed at a certain pink cotton candy cloud. Akala niya ay namamalikmata lang siya, pero mukhang hindi. Unti-unti, napansin niya ang pag-iibang kulay nito. Nagiging kulay itim ang ulap na mistulang isang telang nadungisan ng itim na tinta. The ink spread all over the pink cloud until it was void of any color.

Umihip ang malakas na hangin.

Even the air doesn't smell sweet anymore.

"What in the name of blueberry pickles?!"

Kinabahan si Gluttony. Mabilis niyang binalingan ang iba pang parte ng kanyang Dessert Room at napansing unti-unti na ring kumakalat ang itim na tinta sa damuhan. The delicious candy grass soon died under his feet as the darkness spread like a disease. Maging ang fried chicken warriors niya ay tumakbo na palalayo dahil sa delubyong hatid ng tinta.

His heavenly Dessert Room is dying.

Sumeryoso ng mga mata ni Gluttony. Hindi na niya namalayang nakakuyom na pala ang kanyang mga kamao. Anger slowly surged through his chest. Only one person has the ability to do this. He spat the rider's name bitterly.

"Famine."

*

Snow White was speechless.

Kanina lang ay akala niya nasanay na siya sa mga kababalaghang nangyayari sa mansyong ito. She had seen the craziest things---a treasure island, a mountain of coffins, a giant dessert room with ice cream hills, moving paintings, and a lot more. Pero mukhang hindi pa rin siya tatantanan ng mga sorpresa.

Greed---err.. Envy. Greed and Envy. GRENVY stared at her and kissed the back of her hand. Tila ba walang malay ang binata na "combination" siya ng kambal.

"Are you alright, Mademoiselle Chione?"

It was Greed's playful smirk but Envy's tone of voice. Mukhang tama ang hinala niyang nag-merge ng katawan ang kambal, na nagbigay daan upang mabuo ang iisang katauhan ng lalaking nakatitig sa kanya ngayon. Napalunok si Snow.

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon