DUODETRIGINTA

4.4K 291 84
                                    

They say that humans cannot be immortal. Pagak na natawa si Mr. Boswell sa naiisip. Sa ilalim ng kanyang pagawaan, maririnig mo ang paulit-ulit at nakabibinging tunog ng mga orasan. Tick-tock, tick-tock. Sa kadiliman ng silid, nakakatuwang isipin na naaaninag pa rin niya ang iritasyon ng mangkukulam. In the heavy darkness of the shop, Morticia's cat-like eyes glared at him.

"Why don't we just kill her?! Naiinip na ako sa mga plano mo!"

Walang ganang umiling ang lalaki at sinilip ang napakaraming orasan sa silid, all in different sizes and shapes. "Patience. Walang mangyayari kung magpapadalos-dalos tayo ng kilos. I've already figured out a way to reach her inside that sinful mansion. By then, everything will go as planned." Isang makahulugang ngiti ang sumilay sa kanyang labi, his eyes a whirlpool of chaos. Kasabay nito ay ang pagkawasak ng isang daang orasan sa kanilang paligid, sending shards of wood and minute hands flying in the air.

Tuluyan nang tumahimik si Morticia kasabay ng pagpipigil ng galit. Huminga na lang siya nang malalim at hinayaan ang clockmaker sa paggawa ng pinakabago nitong orasan.

*

"Drinking Day?"

Hindi makapaniwalang pag-uulit ni Snow habang tinititigan ang isang lapida na halos hindi na mabasa ang pangalan ng bagay o bangkay na nakabaon doon. Beside her, Envy laughed his head off and nodded. "It's an annual celebration among the Seven Deadly Sins! Kaya mas maigi nang maghanda ka ng sampung kandado sa pinto mo mamaya dahil baka manyakin ka pa ni Lust kapag nalasing na siya," pero agad rin siyang napatigil, "Err.. Unless he uses teleportation."

Napalunok si Snow nang marinig ang pangalan ni Lust. Hindi niya alam kung bakit, pero pareho silang nababaliw na ni Wrath. 'How could those bastards kiss me like that?!' Naiinis niyang isip. Napabuntong-hininga na lang siya sabay tanaw sa malawak na sementeryo sa kanilang harapan. Katulad nga ng sinabi sa kanya ni Envy noong unang pasok niya rito sa mansyon, mayroon ngang graveyard sa third floor.

Fortunately, Envy owns this room.

Unfortunately, dinala niya si Snow dito.

Ang masama pa ay ngayon pa talaga niya piniling ayain ang dalagang magliwaliw sa sementeryo---ngayong mayroon siyang tinatawag ng mga mortal na kababaihan na "dalaw". Yes, today Snow White is on her menstrual period. The most terrifying, awful and nerve-wrecking time of the month for men when women transform into monsters when they have mood swings.

Kung alam lang sana ito ni Envy, malamang ay hindi na ito nanggambala pa ng mga ilang araw sa dalaga.

Kaninang umaga lang kumatok ito nang malakas sa pintuan ng kanyang silid at kamuntik nang magsisisigaw si Snow dahil sa sobrang inis. Hindi na niya ito nagawa dahil sa lawak ng pagkakangiti ni Envy (at sa katotohanang puro demonyo nga pala ang kasama niya sa mansyon kaya malamang ay papatayin siya ng mga ito kapag umiral ang kanyang mood swings). Nonetheless, after cooking breakfast and doing some chores, Envy dragged her along the flight of stairs and ushered her inside this hell. Gusto raw nitong ipakita kay Snow ang koleksyon niya ng mga kabaong.

Binasang muli ni Snow ang nakasulat sa isang lapida.

"In the loving memory of Greed's 167th leprechaun, Dolly. May leprechaun pala si Greed?" Nagtatakang tanong ni Snow sa binatang nagbubungkal ng lupa.

Envy nodded, "Who do you expect guards his treasure island? Isang siglo na ang nakakaraan nang napagdesiyunan ng siraulong 'yon na mag-alaga ng leprechaun para may bantay ang kayamanan niya." Kibit-balikat nito.

"Bakit sila namamatay?"

"Chione, they have shorter life spans. We're immortals, we're cursed to see others die while we live for as long as an eternity goes."

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon