EPILOGUS

4.7K 402 189
                                    

Tahimik na nakamasid si Christina sa kalangitang gawa sa apoy. Hell had never been so silent. Matagal niya itong pinagmasdan bago siya bumaling sa dalagang nakaupo sa isang tabi. "Hindi ka ba naiinis sa kanila? Patuloy silang mabubuhay habang tayo naman ay nandito sa kawalan. Aren't you even angry at the ones you left behind?"

Sandaling napatingin si Monique sa itaas bago ngumiti sa nakatatanda. Her soft features are genuine as she answered her, "Imbes na magalit, dapat tanggapin na lang natin kung saan sila masaya.. Let's let them live in peace." Sinapo ni Monique ang kanyang dibdib, kung nasaan ang kanyang puso.

"They deserve to live..they deserve to find happiness.. Kailangan nating tanggapin ang bagay na 'yon, Christina."

Hindi na lang umimik ang ginang at napabuntong-hininga. A small smile formed on her lips as she remembered her only child. Sana ay maging masaya na ang kanyang anak, sa kabila ng paghihirap nito. Sa kabila ng ginawa ni Christina sa kanya.

'Patawarin mo ako, anak.'

*

Seven days.

Eksaktong pitong araw na ang lumipas magmula nang inilagay nila ang katawan ng dalaga sa kabaong na yari sa salamin. Mr. Jeremy Hans Boswell stared at the girl and noticed several bouquets of flowers by her side. Ang ilan dito ay nalalanta na. Her body wasn't even decaying. Magic, perhaps? Napabuntong-hininga ang clockmaker at binuksan ang kanyang kabaong.

"Ikaw ang tagapangalaga ng mga orasan ko.. I trust that you will take care of my masterpiece, Little Snow."

Papasikat na ang araw. Ngumiti si Mr. Boswell at kinuha ang itim na libro at maliit na orasan sa kanyang bulsa. He gently placed the black book and the pocket watch in her hands. Huminga nang malalim si Mr. Boswell at ibinulong ang ilang mga salita. Nararamdaman niya ang pagdaloy ng kanya enerhiya. Unti-unti nang nanghihina ang kanyang katawan.

Hinaplos niya ang gilid ng mukha ni Snow White.

"You are the heiress to the throne of time. Hindi ko man makamit ang buhay na walang-hanggan, gusto kong alagaan mo ang mga memoryang maiiwan ko sa mundong ito, Snow. That would be enough for me. And I pray that this would be enough to atone for my sins..."

At hinalikan niya ang noo ng dalaga.

Remi felt his warm lips turn cold. Isinasalin na niya ang kanyang natitirang enerhiya sa babaeng ito, at gamit ang itim na mahika, ipinagdarasal niyang maging sapat ito para mailigtas ang dalagang kinupkop niya ng ilang taon.

Snow White felt like a little sister to him, despite his twisted attitude towards her.

Sana lang ay mapatawad siya nito.

"Gumising ka na, Snow... Hinihintay ka na nila. Hindi pa tapos ang kwento mo."

Iyon lang ang naibulong ng clockmaker bago naramdam ang pagbigay ng kanyang katawan. Age finally crept into him, his skin slowly wrinkled. Naging puti ang kanyang buhok at nagbagong-anyo ang kanyang panlabas na hitsura. Mr. Jeremy Hans Boswell felt his organs failing him, his heart beating to a stop.

At kasabay ng unang pananalaytay ng liwanag sa kalangitan, ay ang pagbagsak ng kanyang nanghihina at matandang katawan. The clockmaker of Eastwood fell into death the same time Snow White opened her eyes.

A tear slipped down Remi's face.

*
Isa na namang tahimik na umaga para sa magkakapatid. Ibinigay ni Chandresh ang kanyang almusal kay Gluttony ay nagmamadaling kinuha ang mga rosas na ilalagay niya sa tabi ni Snow ngayong araw. Just when he was sneaking out the door, mabilis siyang sinita ni Wrath.

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon