DUODECIM

4.9K 310 8
                                    

"Hindi porke't nagpakita ng kabaitan ang mga hudas na 'yon, pagkakatiwalaan mo na sila. I trust that you're not stupid enough to fall for such tricks."

Chandresh's words resonated in the room. Strikto ang hitsura nito habang pinagmamasdan ang prosthetic leg na gawa ni Mrs. Bones para kay Snow. Samantala, tahimik lang na nakaupo si Snow White sa gilid ng kanyang kama, hindi pa rin makapaniwala sa nangyari. 'Ano naman ang motibo nila para palitan ang prosthetics ko?' She can't help but dwell on her own thoughts, ignoring the man in the mirror. Mula noon, wala siyang matandaang sitwasyon na may nagmabuting-loob sa kanya. Kahit noong nasa puder siya ni Mr. Boswell, hindi siya nakaranas ng magandang pagtrato.

'He treated me like a doll on display.. Sometimes, an animal,' Mapait niyang isip. Ayaw na niyang balikan pa ang mga alaalang iyon. Kung pwede nga lang niyang putulin ang bigkis sa nakaraan, matagal na niya sana itong nagawa.

"Sinong nagsabi sa'yong maaari kang lumabas?!"

"Be a good girl, little Snow."

"You will never escape me. Never."

Napapikit ang dalaga. Para bang naririnig niya pa rin ang boses ng clockmaker, isang trauma na pilit hinahabol ang kanyang kasalukuyan. It seens that she will never be free of his bonds. The past is killing her slowly, making her crazy. Hindi niya alam kung paano ito tatakasan.

"Nakikinig ka ba, Snow?!"

Bumaling ang atensyon niya kay Chandresh na naghihimutok na sa salamin. Sinamaan siya nito ng tingin habang nakahalukipkip. Nang magtagpo ang kanilang mga mata, para bang nabawasan ang inis nito sa dalaga. Napabuntong-hininga ang lalaki.

"Gusto mong pag-usapan?"

Snow White rolled her eyes, "I don't think I can trust a man trapped in my mirror."

"Seriously. Pwede mo akong pagkatiwalaan, Snow. Of all creatures living in this godforsaken mansion, I'm the least harmful!"

Umiling si Snow at tumayo na. "Mas delikado pang magtiwala kaysa maglakad sa apoy. Trust is something so fragile; so deadly.. something I cannot give anyone." Bago pa man sumagot si Chandresh, lumabas na ng silid si Snow.

Ngunit sa mga sandaling iyon, hindi niya napansin ang lungkot sa kulay lilang mga mata ng binata sa salamin.

*
Pababa na nang hagdan si Snow nang makasalubong niya sina Sloth at Wrath. 'Great. Akala ko pa man din, matatahimik nang sandali ang buhay ko'. Ngunit imbes na sirain ang araw niya o kaladkarin siya sa ibang dimensyon, nagulat ang dalaga nang lagpasan siya ng mga ito. Napahinto siya sa kalagitnaan ng hagdan at nilingon ang dalawa. Noon niya lang napansin na nakahawak pala si Wrath sa kanyang tagiliran.

She was going to ignore it when her eyes darted towards the carpet.

"Bakit may dugo?"

Nagmantsa ang pulang likido sa materyal at agad niyang napagtantong pumatak ito mula sa kung saan. Her eyes widened in realization, but before she could voice it out, namayani ang tinig ni Pride mula sa itaas ng staircase.

"Clean the blood stains. I don't want to see such impurities on my carpet." Kalmado ang pagkakasabi nito, katulad ng normal ngunit kapansin-pansin na tila distracted ang nakatatandang kapatid. "M-Masusunod po." Bahagyang tumukod si Snow hanggang sa narinig na niya ang mga hakbang ni Pride papalayo.

'There's something fishy going on here!'

Ilang sandali pa, imbes na bumaba ng hagdan at kumuha ng panlinis, maingat na tinahak ni Snow ang daan pabalik sa second floor. Walang ingay niyang sinilip ang Conference Room ng magkakapatid---ang pinakaunang silid sa palapag na ito---at narinig sa loob ang pagtatalo ng mga boses. Tama ang hinala ni Snow na dito sila pumunta. Alam niyang maaari siyang parusahan o patayin ng mga ito sa oras na malaman nilang nakikinig siya sa pribadong usapan ng seven sins, but her curiosity kept knocking out her common sense. Tutal, wala rin naman siyang pakialam kung mamamatay siya, bakit hindi na lang sulitin ang mga sandaling kagaya nito?

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Where stories live. Discover now