QOS: DECIM

1.9K 136 7
                                    

This chapter is dedicated to Ms. @Sablaon Angelica.

---

Natahimik ang magkakapatid nang marinig ang pangalan. Snow White watched in relief as Pride nodded his head in confirmation.

"I have no idea what he wants us to talk about or why he's inviting us for breakfast, but let's just hope it's nothing serious." Napabuntong-hininga ang binata at ipinitik ang kanyang daliri. "We leave in thirteen minutes. Dismissed."

Just like that, the medieval-styled room behind them vanished. Bumalik sa dati nitong anyo ang Conference Room kasabay ng pagbalik ng mga kasalanan sa kaniya-kaniyang silid. Nakahinga lang nang maluwag si Snow nang tuluyan na ring bumalik sa kanyang private study si Pride. Hindi siya nito pinansin at halatang nagtataka pa rin kung bakit sumulat si Hades sa kanya.

'My plan is finally working.' Snow White smirked and dusted her maid's outfit. Mabilis siyang tumakbo papunta sa kanyang silid at nagpalit ng damit. Kinuha niya ang punit na pahina at muli itong itinago sa kanyang bulsa.

"Ngayong nakuha ko na ang atensyon ni Hades, I can't mess up.. I can't let Sloth die." Bulong ni Snow sa sarili at tiningnan ang repleksyon sa salamin. Mapait siyang ngumiti sa babaeng nasa salamin.

"You look like shit, Snow. How are you gonna talk to the fake king of hell like this?"

Bakas sa mukha ng dalaga ang puyat at kawalan ng pahinga. Humikab siya't sinubukang ayusin ang magulong buhok. The red ribbon ontop of her head seemed out of place. Namumutla rin siya't nanghihina.

"Damn it."

"At bakit mo naman kakausapin si Hades?"

Nabigla si Snow sa boses na nagmula sa salamin. Nagpakurap-kurap siya't tinitigang maigi ang repleksyon. 'Teka, kailan pa gumalaw nang mag-isa ang repleksyon ko?!' Napaatras si Snow nang magkaroon ng sariling buhay ang kanyang repleksyon at naglakad papalapit sa kanya. She stumbled back in disbelief.

"L-Lumayo ka sa'kin!"

Pero habang papalapit nang papalapit ang repleksyon, napansin ni Snow ang pag-iiba ng hitsura nito. Napanganga siya nang biglang lumabas sa kanyang salamin ang binatang may kulay lilang mga mata.

Chandresh smirked at her as he crossed his arms over his chest.

"So, care to tell me why you're going to talk to Hades, Your Majesty?" He narrowed his eyes at her suspiciously. "May itinatago ka ba sa'min?"

Shit.

Pagak na natawa si Snow. "Aalamin ko lang kung bakit niya tayo inimbitahan ngayong umaga. Kung alam ko lang na mag-iimbita siya, sana hindi na lang ako nagluto ng agahan ni Gluttony." She lied smoothly as if it was her natural talent. Pero sa totoo lang, kanina pa kinakabahan si Snow. Her heartbeat raced in anxiety as Chandresh studied her.

'Hindi nila ako pwedeng mahuli!'

Kalaunan, tumango ang prinsipe at mahinang natawa. "Oh, okay. Tsk! Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung bakit niya gagawin 'yon. It's not like that bastard to invite paranormal creatures like us for breakfast." Naglakad ito sa silid ng dalaga at walang sabi-sabing humiga sa kama ni Snow.

Chandresh closed his violet eyes. Kitang-kita ang pagod sa kanyang mukha. Hindi rin naman siya masisisi ni Snow. Akala niya siya ang manganganib mamatay ngayong araw.

Huminga nang malalim si Snow at naupo sa tabi niya.

"How did you even get here? Akala ko sinumpa na rin ang salamin ko rito."

Chandresh smirked, "Your Majesty, I can walk through mirrors. Kahapon ko lang natuklasan ang kakayahan kong 'yon. Amazing, isn't it?"

"No, it's not."

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]On viuen les histories. Descobreix ara