VIGINTI QUINQUE

4K 259 29
                                    

"Your Majesty?"

Humihilik pa si Snow nang marinig niya ang pamilyar na boses na 'yon. Hindi niya iyon inintindi at bumalik sa pagtulog. Napagod siya sa mga pangyayari kagabi at para siyang nawalan ng ganang tumayo. She rolled over and grabbed the bedsheets. Ngayon alam na niya kung bakit gustong-gusto ni Sloth ang matulog.

"Snow.."

There's that voice again! Agad niyang tinakpan ng unan ang mga tainga niya nang mapagtantong boses pala ni Chandresh 'yon. Malamang nakatitig na naman sa kanya mula sa salamin. 'Minsan ang creepy na niya..' Isip-isip niya. "Chandresh, I'm not asking for an alarm clock. So, shut up."

"Snow, oras na para sa---"

"I don't take orders from some creepy guy who's trapped in a stupid mirror! Good night!"

Halos ma-imagine na niya ang reaksyon ng binata. He'll be glaring at her with those majestic violet eyes, habang nakahalukipkip ito. Nakikinita na niya ang pagsimangot ng lalaking nakakulong sa loob ng kanyang salamin.

'Bahala siya diyan!'

Chandresh sighed. Ilang ulit na niyang sinusubukang gisingin ang dalaga pero mukhang wala itong balak bumangon. "Fine. If you don't want me to be your alarm clock, I'll just let the giant mutt do it." Kumento nito na alam niyang hindi narinig ni Snow. Naghintay ng ilang sandali si Chandresh, a smirk upon his face when Cerberus suddenly popped into her bedroom.

"Three.. Two... One."

"AAAAAAAAAAAAAAHHHHHHH! CERBERUS, YOU FUCKING PUPPY! PUT ME DOWN!

"WOOF! WOOF!"

Mahinang natawa si Chandresh nang hinila ni Cerberus si Snow sa binti at inihagis ang dalaga sa ere bago sinalong muli ng isang bibig. Tuluyan nang nagising ang diwa ni Snow sa ginawa ng higanteng aso at nakangiting pinanood ni Chandresh ang pagwawala ni Snow. "Told you so."

"CHANDRESH! TULUNGAN MO 'KO! BAKIT NAKATAYO KA LANG DIYAN?!"

Kumindat ang binata. "I can't. I'm just a creepy guy trapped in a stupid mirror, remember?"

Nanlaki ang mga mata ni Snow sa sinagot nito at tumalim ang tingin dito. He's using her own words against her! Hindi kalaunan, wala na rin nagawa si Snow kung hindi hayaan si Cerberus sa kung anong trip na naman nito sa buhay. Tapos na ang isang linggong pag-aalaga niya rito pero mukhang hindi pa rin siya tatantanan ng halimaw na 'to!

"WOOF!"

"CERBERUS! SAAN MO AKO DADALHIN?!"

Hindi na nakapalag pa ang dalaga nang bigla siyang tinangay ng alaga ni Wrath paakyat ng hagdan, patungo sa third floor ng mansyon. Tumakbo sa pasikot-sikot na hallways higanteng aso hanggang sa huminto ito sa tapat ng isang malaking pinto. Ibinaba siya ng aso at marahang itinulak papalapit sa pintuan. Snow furrowed her eyebrows, "Nandito ba sila?"

Tumango ang isang ulo ni Cerberus, looking at her like an innocent puppy habang ang isang ulo naman sa gilid ay tumahol muli sa kanya at nagpakawala ng fireball. Napasigaw si Snow nang kamuntik nang tamaan ang prosthetic leg niya. Ang gitnang ulo naman ng tuta ay muli siyang tinulak paalis. 'Nakakabaliw talaga ang buhay ko..' Napabuntong-hininga na lang siya at inayos ang night dress bago tinulak ang malalaking mahogany double doors.

'Ano naman ang meron dito?' Masyado namang maaga kung paglilinisin siya ng magkakapatid. Hindi pa sumisikat ang araw at malamang ay mahimbing pa ang tulog ng mga kagaya ni Sloth. 'Kung sabagay, lagi naman siyang tulog. Psh.'

"Kamusta na kaya ang kambal?" Naalala na naman niya ang pag-uusap nina Pride at Wrath kagabi sa dungeons. Siguro naman walang nangyaring masama sa dalawang mental na 'yon. Tapos ay sumagi na naman sa isip niya ang ginawang paghalik sa kanya ni Wrath. She shook her head and forced the blush on her cheeks to disappear.

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Where stories live. Discover now