QOS: VIGINTI QUATTOUR

1.6K 132 8
                                    

The mansion of the Deadly sins stood in deadly silence as the night stretched on. It was one of those rare nights when nobody would dare make a sound. Karga-karga ni Snow ang Clockwork baby na abala sa pagngatngat ng screwdriver na nahagilap nito sa private study ni Pride. Napabuntong-hininga ang dalaga at pinilit ngumiti sa sanggol. "Bakit ba pakiramdam ko marami nang nagbabago dito sa mansyon?"

After their encounter with War, kapansin-pansin ang pananahimik ng magkakapatid. Mukhang walang sinumang gustong magsalita tungkol sa pangyayari.

Simula pa lang ito ng kanilang mga problema. The first warning made it clear: there is no turning back in the war against Lucifer, the true King of Hell.. Alam nilang lahat na ilang sandali na lang at kikilos muli ang Four Horsemen of the Apocalypse.

She hugged the Clockwork baby tighter and sighed. "I shouldn't be worried, right? Kasama namin si Hades sa digmaang ito.. matatalo namin si Lucifer at maibabalik ang balanse ng Underworld at ng Eastwood."

Naalala na naman ni Snow ang ipinakita sa kanya ni Pride kanina bago sila tuluyang umalis ng Hollow Fest. It was memory that will haunt her if she ever messed up...

"Ang hindi ko maintindihan, bakit tayo nandito? Shouldn't we be training and planning a strategy to kill the Horsemen?" Tanong ni Snow sa binata habang pinagmamasdan ang mga taong nag-aayos ng mga nasirang kagamitan dahil sa gulong ginawa ni War. The festivity suddenly took a bad turn, leaving almost half of the stalls in ashes. May ilang sibilyan at performers ring namatay.

Snow knew the sins will have to segregate the sinners' souls soon.

Nang balingan niya si Pride, napansin niyang nakamasid lang ito sa kabilang bahagi ng parke. He sighed and finally spoke, "Hindi lang ang festival ang pinunta natin dito, princess. I had to see the situation myself.. mukhang totoo ang usap-usapang nananalasa na rito ang epekto ng Imbalance."

But Snow couldn't see anything.

"W-What are you talking about? Mukha namang normal ang lugar na 'to."

"There's a difference between looking and seeing things, Snow.. remember the first time I brought you to the mansion?" Ngumisi si Pride.

Paano ba naman ito makakalimutan ng dalaga? She followed him deep into the forest until they reached a clearing. Noong una ay walang makitang mansyon si Snow--pero nang titigan niyang maigi ang kawalan, the Victorian-styled gothic mansion of the Seven Deadly Sins materialized before her.

'The difference between looking and seeing things.. is believing something is really there.'

Maya-maya pa, tinanggal ng panganay ang kanyang salamin. Napanganga si Snow.. this is the first time she's seen Pride without his eyeglasses. Bago pa man siya makapagsalita, mabilis na isinuot ni Pride ang eyeglasses niya kay Snow.

"My eyeglasses look good on you, princess." He chuckled and motioned to the other side of the Night Raven's park, "makikita mo na nang mas malinaw ang pinsalang idinudulot ng Imbalance sa bayang ito."

And then, she finally saw it.

Katulad ng nakita niya sa Tartarus, unti-unting nagiging kulay abo ang ilang bahagi ng bayan ng Eastwood.

'Eastwood is dying..'

No. It was slowly killing itself, like how the Underworld does.

"N-No.."

It wasn't visible to the mortal eye, but the magic in Pride's eyeglasses made her see the destruction in Eastwood. Kinabahang binalingan ni Snow ang iba pang bahagi ng bayan.

"Pero bakit parang wala naman itong epekto sa mga tao?"

"For now, they won't feel the changes.. but when they do, it will all be too late for these sinners."

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon