QOS: QUADRAGINTA QUATTOUR

1.5K 122 20
                                    

Ipinaliwanag sa kanya ni Chandresh ang dahilan kung bakit siya nakakalapit sa kanya. Unlike the original Seven Deadly Sins, he wasn't binded to her by a contract. Noong pumasok si Snow bilang katulong sa mansyon, sa Seven Deadly Sins lamang siya nakabigkis. Adoration was just a newly added sin.

"This is nonesense."

"No, it isn't! I wasn't included in that contract, Your Majesty. You were a maid for the SEVEN Deadly Sins. Saling-pusa lang ako. Hahahaha!"

Hindi alam ni Snow kung dapat niya ba itong ikaasar o hindi. 'But the termination of contract has a curse. Sa oras na lumapit ako sa kanilang pito, masasaktan lang ako.' Nauunawaan na niya kung bakit siya sinabihang tumakbo noon ni Pride. He knew about the curse. Amidst all the lies she fed them, iniisip pa rin ng panganay ang kaligtasan niya.

"Chandresh, ano bang ginagawa mo rito?"

After the sin settled himself on the edge of her bed, sinigurado ng dalaga na naka-lock ang kanyang pinto (delikado na at baka may pumasok na horseman) at humalukipkip sa tapat ni Adoration. The violet-eyed prince smiled back at her.

"I am here to rescue you, Your Majesty."

"R-Rescue me?"

Seryosong tumango si Chandresh. "Eversince you fled the castle, hinanap kita sa iba't ibang mga salamin dito sa Underworld. Ginamit ko ang kapangyarihan ko para sumilip sa daan-daang mga salamin hanggang sa mahanap kita dito sa hideout ng Horsemen. Ang lakas naman ng loob nilang ikulong ka rito!" Hinawakan ni Chandresh ang kamay niya't hinila siya papunta sa salamin.

"Chandresh, wait--!"

"I'm gonna kill those bastards! Now, as your handsome knight and shining armor, let's get out of here before those ugly horsemen find out about our escape!"

It took her all her strength to pry her hands away from his grip. Umirap si Snow at inayos ang pagkakabalanse niya sa saklay. Kamuntikan na siyang matumba dahil sa pagkaladkad sa kanya ng kasalanan!

Kumunot naman ang noo ng prinsipe sa ikinikilos ni Snow. "Your Majesty, we need to escape---"

"Chandresh, I'm staying."

Napanganga ang kasalanan. The violet-eye prince blinked, clearly confused by her words. Mabilis niyang sinapo ang noo ni Snow White. "Wala ka namang sakit.. Damn! May inilagay bang spell sa'yo ang mga horsemen na 'yon?! I knew they were pure evil!"

Dumilim ang kanyang paningin. Mukhang anumang oras ay handa nang sugurin ni Adoration ang horsemen. Napabuntong-hininga si Snow White. Pero bago pa man siya makapagsalita, narinig niya ang mga yabag na nagmumula sa pasilyo. The footsteps echoed louder outside Snow's room. 'Natunugan ba nilang nandito si Chandresh?' Shit! Binalingan ni Snow ang binatang nakatuod sa kanyang kinatatayuan.

Knock! Knock! Knock!

"Hide, Chandresh!"

Marahas na bulong ni Snow matapos umalingawngaw ang unang pagkatok. 'Imposibleng si Pestilence ang bibisita sa'kin ngayon. If I remember correctly, he told me he had to meet someone.' isip-isip ni Snow habang pigil-hiningang tinitigan ang pinto. Makalipas ang ilang sandali, muli na naman silang binulabog ng malalakas na pagkatok.

Para bang gigibain na ang pinto.

"S-Sandali lang!"

Huminga nang malalim si Snow White. Hindi niya pwedeng ipahalatang kinakabahan siya. Kung si Pestilence nga ang nasa kabilang bahagi ng pinto, lalo niyang kailangang mag-ingat. Kinilabutan si Snow nang maalala ulit ang pana sa kanyang dibdib. All that blood and her final breath.. 'Who knew someone so caring can be so deceiving?'

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Where stories live. Discover now