QOS: QUINQUAGINTA

1.4K 130 13
                                    

"Ikaw si Lucifer."

Those words tasted bitter on Snow's lips. Tila ba ayaw ring tanggapin ng kanyang isipan ang katotohanang matagal nang nakalahad sa kanyang harapan. Tumalim ang kanyang mga mata kay Persephone. Her crimson colored lips curled into a menacing smirk. Crimson like the apple that almost poisoned her before. Biglang bumalik sa kanyang mga alaala ang nabasa noon sa Library of Lost Souls. She didn't think it would be important until now...

"Y-Your soul has no gender. You took the form of a woman on purpose!"

Kinilabutan ni Snow nang magsalita ito sa isang malalim na boses, like a voice from a hundred demons..

"Hades is a fool. Magmula noon, hindi niya alam na ang demonyong nagmamanipula sa kanya ay ang sarili niyang asawa. He didn't know that the real King of Hell is actually trapped inside the body of a woman he worships every night... poor soul. HAHAHAHA!"

They should've known. Hindi ipinapakita ni Lucifer ang kanyang anyo kaya't hindi nila malalamang ang tunay na hari ng impyerno ay nagbabalat-kayo bilang isang babae. He seduced Hades in order to be his wife! For centuries, Lucifer was stuck with a woman's body as his soul vessel---isang sisidlan ng isang demonyong kaluluwa.

King Lucifer has the ability to change forms---a man, a woman, a snake.. anything his soul prefers.

Napasimangot si Snow White. "Inutusan mo noon ang horsemen na maghatid ng gulo sa Tartarus para ipatawag ni Hades ang sins, hindi ba? That way, you'll be able to monitor us while we're inside his castle."

Now that Snow thinks about it, it all makes sense. Kinailangang manmanan ni Persephone/Lucifer ang kanilang mga kilos kaya't matapos ang second warning, she made sure that the deadly sins will be obligated to stay inside Hades' castle.

'She's damn evil!'

Marahang tumango si Persephone. "Sinadya ko 'yon para madali kong malalaman ang mga pinaplano ninyo. Like they said, keep your friends close and your enemies closer."

"And what about Llyria?"

Panandaliang sinilip ni Snow ang mortal na umiiyak sa kanyang likuran. She was probably traumatized after being tied up for several days. Walang-emosyon namang pinalibutan ni Persephone si Snow White---like a predator would to its prey.

"Alam kong kinuha siya ni Death upang maging espiya. In fact, she was already suspicious of me, kaya't pinagbantaan ko siya. In the end, I just used that pathetic mortal to stage my own disappearance.."

Clever.

Snow White expected no less from the King of Hell.

Mula sa gilid ng kanyang mga mata, napansin ni Snow ang bangkay ng kasalanang nakaupo pa rin sa trono. Huminga nang malalim si Snow at matapang na sinalubong ang mga mata ng hari. "King or Hell or not, hindi kita kakayaang gawing soul vessel ang katawan ni Sloth!"

Persephone stopped in front of her and frowned.

"Who said I wanted to make him my soul vessel? Ginamit ko lang siyang patibong upang sundan mo ako rito, Queen of Sins.."

Shit.

Kinakabahang napaatras si Snow White. Agad siyang napahinto nang maramdaman ang talim ng scythe sa kanyang leeg. Persephone was standing behind her, her mouth was disgustingly close to her ear.

"Aanhin ko pa ang katawan at abilidad ng isang malakas na kasalanan kung pwede ko namang sapian ang katawan ng dalagang tumalo sa'kin noon?"

Snow White stared at their reflection on a nearby mirror. Pinilit niyang isantabi ang takot na nararamdaman niya. She can't remember anything.. pinilit alalahanin ni Snow White ang panahong namuno siya sa Underworld, pero lalo lang sumasakit ang ulo niya. Buong akala niya, kilala na niya ang kanyang sarili..

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Where stories live. Discover now