VIGINTI SEPTEM

3.5K 299 55
                                    

Naaalala ni Snow ang mga pagkakataong sinusulyapan niya ang ilang kaedad na nag-aaral ng musika. Given their social status, Snow White could never afford music lessons. Isang himala na rin kung payagan siya ng kanyang ina. 'She never really cared for me, anyway,' mapait na kumento ni Snow sa isip. Kaya noong nakahawak siya ng plauta sa unang pagkakataon noong anim na taong gulang siya, Snow forced herself to self-study. Hindi niya maalala kung sino sa mga ninong niya ang nagbigay noon, basta ang sigurado niya ay namatay ang nagbigay ng instrumentong iyon sa kanya, seven days after he gave it to her.

When her mother gave her to Mr. Boswell, hindi na muling nakita ng dalaga ang plautang 'yon.

She stared at the flute in her hands, a snake engraved at its base. Nakita ni Snow ang kanyang repleksyon sa instrumento at napangiti. Hindi niya lubos akalain na marunong pa rin siya, hanggang ngayon. 'I'm just lucky, I guess.' Dumako ang mga mata niya kina Gluttony at Lust.

Kailangan niyang mapatunayan na may silbi rin siya sa mansyong ito.

Hindi lang para sa magkakapatid, kung hindi para sa kanyang sarili. Until now, she blames her mother for reminding her how useless she was as a child.

"So, you're using our weakness, honey biscuit? Tingnan na lang natin..." Ngumiti nang nakakaloko si Gluttony at ipinitik ang kanyang mga daliri. Katulad ng inaasahan niya, nagsulputan ang batalyon ng mga alagad niyang gawa sa pagkain. Among the army of food in front of her, nasa frontline pa ang nakakainis na fried chicken warriors!

Huminga siya nang malalim. 'Crazy chickens!'

Sinimulan na siyang atakihin ng mga ito.

Pero imbes na kalabanin ang mga pagkain, mabilis na kinuha ni Snow ang alas niya kay Gluttony.

Gluttony furrowed his eyebrows the moment Snow showed him a...

"A-A bottle of gravy?"

Napangisi si Snow nang nakita niyang lumunok ang binata. Iwinagayway niya ito sa ere sabay sipa sa isang hamon na akmang aakyat sa ulo niya. Hinayaan niya lang ang mga pagkain ni Gluttony na magkumpulan sa kanya.

"Mas masarap kumain kapag may gravy, hindi ba?" Pang-uuyam ni Snow sabay bukas ng bote. She then started pouring gravy all over the fried chicken bastards. Kitang-kita ng dalaga na sinundan ng tingin ni Gluttony ang pagbuhos ng gravy sa nakakatakam na mga pagkaing ito.

"A-Ano ngayon kung may gravy ka?!" Pinilit ng binata na iiwas ang tingin. Sure enough, the gravy Snow found at the back of the cupboard looked delicious.

Nanginginig na ang mga kamay ni Gluttony.

Natawa si Snow sa reaksyon nito sabay suntok sa isang manok.

"Ayaw mo talaga?"

"A-AYAW! N-NASA KALAGITNAAN TAYO NG TRAINING NGAYON! B-BAWAL DAW AKONG KUMAIN MASYADO SABI NI P-PRIDE!"

"Talaga? Hindi naman kita isusumbong sa kanya kung sakali..." Natutuwa si Snow sa pang-aasar dito.

"H-Hindi naman masarap ang gravy sa fried chicken!"

Halos mangiyak-ngiyak na nitong sabi. Hindi alam ni Snow kung sino ang kinukumbinsi niya: kung siya ba o ang sarili niya. Snow White shrugged and grabbed a pair of spoon and fork from the mysterious sack.

"Bahala ka. Ako na lang kakain."

At kahit pa nakikipaglaban pa rin ang mga manok na 'to, hinablot ni Snow ang isa at kinuha ang malutong nitong balat. The chicken skin oozed with sweet gravy at sinimulan nang kainin ni Snow ito. Sinigurado niyang nakatingin si Gluttony sa kanya.

Napasapo na lang si Lust sa kanya noo.

"Patay na.."

Samantala, nanginginig pa rin ang mga kalamnan ni Gluttony. Malalim na rin ang kanyang paghinga at tila ba may sariling buhay ang kanyang mga mata. His eyes kept staring at those juicy fried chickens! Nang sinimulan nang kainin ni Snow ang masarap na balat ng manok, para bang nabasag na ng tuluyan ang kanyang pagpipigil. His eyes sparkled with temptation at alam niyang nagiging puso na naman ang kanyang mga mata.

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon