"This Is Not A Mother's Tale"

2.3K 89 5
                                    

A SWATSDS fanfiction,
written by MJ Bejar

---

  Christina cursed under her breath for the nth time while running as fast as she can.The unwanted noise coming from the police mobile roared in her ears. Hindi niya malaman kung saang direksyon tatakbo. Hanggang sa nakakita siya ng sulok na pagtataguan. She hurriedly went there. Nanghihina sa pagod siyang napaupo.She closed her eyes, catching her breath. Sa unang pagkakataon ay nakaramdam siya ng kagustuhang umusal ng panalangin.
"Do you think you have the right to do than, knowing your countless sins throughout your life?", a mocking small voice inside her head whispered.
Napangiti siya ng mapait pagkarinig niyon.And there, in the middle of the darkness of the night, she can't help but contemplate. She travelled down memory lane.
___
Ilang siglo na ang nakakalipas nang matagumpay siyang nakalaya mula sa mansyon ng pitong kasalanan, sa tulong ng isang lalaki.
"Thank you", wala sa loob na sambit niya. She heard the man chuckle.

"If the eldest sin hears you saying that, you'll surely be punished", nang-uuyam na sabi nito.
"Tsk. Dont remind me of that egoistic demon", mataray niyang saad."Hindi na niya ako katulong. I'm finally free"
"Yes, you are now free from those seven sins, but not from our deal", makahulugang pagpapaalala nito.
"Hindi ko nakakalimutan ang tungkol doon"
"Good"

After that, the man disappeared while Christina started living her life the way she wanted to. Pero sa kabila ng kalayaang tinatamasa niya ay naroon pa rin ang pakiramdam na nakatali ang kanyang mga kamay. Yes, her hands were tied. Because being a slave of the 7 deadly sins, means being half immortal. Kinailangan niyang magpalipat-lipat ng tirahan para mapangalagaan ang pinakatatago niyang sikreto. She bet, if humans found out about her secret, she would've been a lab rat of those mad scientists at ESO. Lalo na nang mapadpad siya sa siyudad ng Eastwood.

Isang bagay na labis niyang pinagsisisihan, dahil doon niya nakilala ang lalaking nagsamantala sa kanya at mas gumulo sa dati na niyang magulong buhay. And an unexpected thing happened...She got pregnant.Because of that, the guy forced her to cohabitate with him. She was the victim, yet he was the one who had the nerve to threaten her. Not that she was scared to die, rather she was scared not to. Ironic, isn't? Alam niya kasing kung may magtatangka sa buhay niya, mas malaki ang posibilidad na may makaalam ng lihim niya. Kaya kahit pa may nararamdaman siyang kakaiba sa turn of events at sa lalaki, wala na siyang nagawa kundi magpatianod sa daloy ng kapalaran.They acted like one happy family before the eyes of other people. But behind closed doors, they were never one. At kung may pagmamahal mang sumibol para sa supling na nasa kanyang sinapupunan, agad din niya iyong sinupil.Ayaw niyang mahalin ang bunga ng pananamantala sa kanya.

Lalo pa't alam niyang di magtatagal ay kailangan niya itong pakawalan para sa katuparan ng parte niya sa isang kasunduan.
  And she was right. Ilang araw matapos isilang ang kanyang anak, naitayo ang Clockwork Shop malapit sa kanilang tirahan. At iyon ay pag-aari ng clock maker na si Mr. Jeremy Hans Boswell, ang lalaking tumulong sa kanya para makatakas sa mansion. Bumalik ito para maningil ng bayad niya sa utang na loob, at iyon ay ang kanyang firstborn child.
  Nang sumapit ang ika anim na taon ng anak niyang si Snow White, namatay ang kanyang 'asawa'. Hudyat na pala iyon na kailangan na niyang isuko ang anak sa clock maker.
  "Mabuti na lang at may pakinabang ka pang bata ka. May maipang-bayad utang man lang gamit ang mapagbebentahan ko sayo", sabi niya sa anak nang gabing iyon. Hindi ito sumagot. Walang bakas ng takot at lungkot sa mga kulay tsokolate nitong mga mata. Para bang wala itong pakialam kung mawalay man sa kanya. Gumuhit ang mumunting kirot sa puso niya na agad ding nilabanan.

"Ayusin mo ang sarili mo at mamaya lang ay susunduin ka na ni Mr. Boswell"
"What for? Will it make a difference? Tataas ba ang presyo ko kapag presentable akong haharap sa kanya?", Snow asked sarcastically, her eyes were cold. Well, she cant blame her. Buong buhay nito ay di ito nakaramdam ng kalinga ng ina mula sa kanya. At ngayon naman ay itinanim niya sa isip nito na dahil sa pagkalubog niya sa utang dahil sa sugal kaya niya ito ibebenta. Wala itong kamalay-malay na sa ibang klaseng utang niya ito ipambabayad.
"Aba't sumasagot ka pa?!"
"Tsk. Let's just get this over and done with", parang matanda nitong saad saka inayos ang saklay na sumusuporta sa nag-iisa nitong binti.

Hindi na muli pang nagkita ang mag-ina magmula nang kunin ni Boswell ang bata. Matapos pa ang ilang taon ay unti-unti na ring nababawasan ang kanyang pagiging kalahating imortal. At kasabay niyon ay ang dahan-dahan ding pagkawala ng kanyang dahilan para mabuhay.She thought freedom will make her happy. But it turned out, she was wrong.

___
  Iminulat ni Christina ang mga mata at mahinang tumawa ng pagak sa pag-alala ng nakaraan.
  Nang wala na siyang marinig na ingay mula sa mga humahabol sa kanya, agad siyang lumabas sa pinagtataguan. Nagmamadali siyang tumakbo habang binabagtas ang tahimik na kalye. Tanging ang mga kulay kahel na ilaw ng mga poste ang nagsisilbing liwanag. Nagawa pa niyang saglit na sulyapan ang kalangitan at wala siyang nakitang buwan at mga bituin doon. Sumasakit na ang kanyang mga paa sa pagtakbo sa sementadong daan, pero di siya huminto.
  Halos mahalikan niya ang pinto ng kanyang maliit na bahay nang sa wakas ay marating niya iyon. Agad siyang nagtungo sa kanyang silid at inilabas ang kahon na nasa ilalim ng kama. Mula roon ay kinuha niya ang lubid na matagal na panahon na niyang isinilid doon, naghihintay ng tamang panahon para magamit.
'And that time has come'
Nakalaya siya mula sa pitong kasalanang dati niyang pinagsilbihan; nakatakas siya mula sa mga pulis na pinagsuplungan ng mga pinagkakautangan niya.....

Ngunit sa gabing ito ay wala siyang planong isalba ang buhay mula sa kanyang sarili.
  Kasabay ng malakas na buhos ng ulan at nakabibinging dagundong ng kulog, ay ang huling pintig ng kanyang puso.
-THE END

The monster shouldn't be trusted
She'll drag you to hell
'Cause she's forbidden in heaven
The monster is cruel
She'll rip you chest
Will leave your heart broken
Yes, she's as crazy as that
Then it turns out
That MONSTER was ME

-The Monster by MJ Bejar

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon