QOS: UNDECIM

1.7K 129 20
                                    

Snow White followed the sins inside Hades' castle. Nang makita sila ng mga guwardiya ng hari, agad silang hinarangan ng mga ito. Bago pa man sumiklab ang gulo, kalmadong ipinakita ni Pride ang liham mula kay Hades as if it were a ticket. The eldest sin sighed, "There's no need to kill us. In fact, we've been invited here for some coffee and sunnyside-up eggs. Pakidala kami sa dining hall bago pa man mangayayat dito si Gluttony."

"Pero---!"

"Nagiging halimaw ang kapatid ko kapag hindi nakakakain. You don't want that to happen, do you?"

Sa sinabi niyang 'yon, mabilis na silang ginabayan ng mga ito papasok sa mansyon.

'Mukhang ayaw rin nilang makakita ng gutom na Gluttony,' lihim na napangiti si Snow. Sino nga ba naman ang gustong galitin ang prinsipe ng pagkain? Take away his food and the whole Tartarus will be in danger.

"Fancy mansion. I always knew the ornaments are made of gold..." Mahinang bulong ni Greed habang pinagmamasdan ang ilang ginituang palamuti. The sin examined the chandeliers, candelabras and picture frames. Hindi maalis ang mga mata ni Greed sa mga bagay na ito.

"Bagay ang mga ito sa Treasure Island ko, don't you think, Mademoiselle?" Pasimple niyang sabi.

Snow White rolled her eyes. "Don't even think about it, Greed. Baka hindi na tayo makalabas nang buhay kung nanakawan mo pa si Hades."

Humagalpak nang tawa si Greed. His prince charming aura never faltered. Amusement danced in his eyes. Mabilis niyang inakbayan ang dalaga at ngumiti nang inosente. "Mademoiselle, have you forgotten? Kung sakali, hindi naman ako ang unang kasalanan na magnanakaw kay Hades. Si Wrath nga dambuhalang aso pa ang ninakaw sa hudas na 'yon! So, what's wrong with me taking a few golden displays?"

Beside them, Wrath smirked. "Nah. I'm just permanently borrowing Cerby."

Permanently.

Napabuntong-hininga si Snow at akmang kakalas na sana mula sa pagkaka-akbay ni Greed nang bigla naman siyang tisurin ni Envy. Mabilis siyang nasalo ng kasalanan na malawak ang pagkakangiti. His eyes held a glint of mischief that screamed sinfulness.

"Oops! Sorry, Chione."

"Envy, pwede mo na akong bitiwan!"

"I won't." Envy winked.

Tumalim ang tingin ni Greed sa kanila. Mukhang hindi nito gusto ang biglaang pag-eksena ng kapatid.

"She's mine, my evil twin."

"There you are again, Avarice! Stop being so fucking greedy. Tsk!"

"And stop being so damn envious! Naiinggit ka na lang naman dahil mas gusto ako ni Mademoiselle kaysa sa'yo eh!"

"TARA, SUNTUKAN NA LANG?!"

"ABA! IKAW PA TALAGA ANG NAGHAMON AH?!"

Habang abala sila sa pag-aaway, mabilis na pumuslit si Snow at sinabayan sa paglalakad si Chandresh. Adoration had his eyes on her again. Napabuntong-hininga si Snow. "Kasalanan mo 'to."

"Kasalanan naman talaga ako."

"That's not what I meant," she scowled, "ikaw ang dahilan kung bakit lalong naging makulit ang kambal."

"At ano naman ang kinalaman ko roon?"

Naikuyom ng dalaga ang kanyang mga kamao. Paano ba naman niya makakalimutan ang araw na nabigyan siya ng pangalawang pagkakataong mabuhay? Nagising siya sa gitna ng maze matapos ang isang linggong kamatayan. A few moments later, Chandresh---the mysterious boy in her mirror---was revealed to be another sin. Nang tanggapin nito ang kanyang kasalanan, hinalikan siya nito.

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Where stories live. Discover now