"Japanese Flag"

1.6K 106 1
                                    

A SWATSDS fanfiction,
written by @djillathena

---

Late ng nagising si Snow at nagising siya dahil sa pananakit ng puson niya. Bumangon siya at nag-morning stretch muna before she fixed her bed. Laking gulag ni Snow na may dugo sa kanyang bedsheet.

"Oh sh*t." napamura siya dahil hindi niya alam na ngayon pala ang Red days niya.

"Snow, ba't ang tagal mo diyan. Nagugutom na ako." reklamo ni Gluttony na nasa lakas ng kanyang kwarto.

Tiningnan niya ang cabinet pero ubos na ang kanyang napkin.

'Paano na 'to?' tanong niya at napasabunot sa sarili.

"Snow, nagugutom na ako!" reklamo ulit ni Gluttony.

Nag-isip isip siya kung anong dapat niyang gawin.

'Ba't ngayon Pa? Bad timing naman oh.'

Narinig nalang niya ang pagbukas ng pinto at napalingon siya.

'Nakapasok si Pride sa room ko! Oh My! Noooo!'

"Kanina pa nagrereklamo ang kapatid namin dahil sa gutom. Nakakadistorbo sa iba." malamig na wika ni Pride.

"Ahhh ehhh. "

Bumilog ang kanyang mata nang lumapit si Pride sa kanyang kama. At uminit ang ulo niya nang napatawa si Pride ng malakas.

"Wow! Kaya pala hindi ka nakahanda ng maaga ng almusal dahil gumawa ka ng Japanese flag." biro ni Pride. Si Snow naman ay naka-ekis ang kilay dahil na-badmood siya kay Pride.

"Mood swings?" tanong ni Pride at tumawa ito muli.

'Kailangan mo ba talagang makakita ng Japanese flag para mapatawa ka?'

Pumasok nalang si Snow sa C.R. at naligo. Nakatapis lang siya ng tuwalya paglabas niya.

'Buti nama't nakalabas na si Pride. Nakakainis kase.' wika ni Snow sa sarili at nagbihis. May itinali siyang malaking  puting cloth sa bandang hawakan niya para matabunan ang bandang pwetan niya at hindi masyadong makita ng mga kasalanan kapag tatagusan siya.

Paglabas niya ay nabigla siya ng may inabot si Pride sa kanya na supot.

"Heto. This is a girl thing, at alam kong alam mo ang laman ng supot na yan." sabi ni Pride sabay abot sa supot. Tinanggap ito ni Snow at pumasok uli sa kanyang kwarto.

Mas uminit ang ulo niya kay Pride nang inilabas .niya ang laman ng supot. Instead of napkins...

'The hell he bought me pantyliners?'

At dahil wala na siyang choice. Sinuot niya ang pantyliner pero nakabangan pa rin sa hawakan niya ang puting cloth just in case.

*

"Wow, Snow. Buti nama't bumaba ka na ng hagdan. Para kasing wala ka ng planong bumaba Pa." sarkastikong saad ni Gluttony sa likuran niya at nagpatuloy lang siya sa pagluluto.

"Kanina pa yan nagrereklamo, babe. Next time agahan mo  na. Ang ingay kase." wika naman ni Lust.

"At ikaw naman Gluttony. Pwede bawasan yang ingay mo, natutulog ako." reklamo ni Sloth.

"Mabilis na namang mauubos ang pagkain sa hapag dahil gutom na gutom na talaga si Gluttony." biro nina  Envy at Greed.

"Pwede bang tumahimik muna kayo. Wait. Snow, ano yang nasa bandang pwetan mo?" curious na tanong ni Wrath kay Snow.

"Sh*t." napamura si Snow dahil tumagos ang kanyang (you know) sa puting cloth na itinali niya sa hawakan niya.

"Wow. Napaka-talented mo naman, babe. Nagluluto ka habang ginagawa ang watawat ng Japan." biro ni Lust sa kanya.

"Mademoiselle, ikaw na ang pagasa ng Japan."

"Is that a ketchup, sugar plum?"

"Wahhhhh...tumigil na kayo." sigaw niya sa kanila pero they laughed in response.

'Wahhhhhh ayoko na talaga.'

She looked at Pride. Nakatakip ang bunganga ni Pride pero alam niyang tumatawa ito habang nakatingin sa kanya.

'Wahhhh....Pride, kung Hindi ka lang makapangyarihan, lagot ka sakin. '

---

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon