TREDECIM

4.4K 295 21
                                    

Snow White is a hundred percent sure that she had already faced hell several times in the past. Ngunit, bakit sa mga sandaling ito ay tila ba nakikipagtitigan siya sa impyernong nakakubli sa kulay itim na mga mata ng asong ito? Mabuti na lang sana kung isang ulo lang ang tinititigan siya ng masama, 'but it looks like I have all three of its heads' attention'. Pinilit niyang pakalmahin ang sarili, kahit pa alam niyang anumang sandali ay maaari siyang lapain ni Cerberus.

Snow gulped and forced her eyes away from the giant canines full with saliva.

"N-Nice, doggy.. Hindi kita sasaktan. Sa totoo lang, mas malamang nga na ikaw ang makapanakit sa'kin, but-----"

Umalulong muli ang dambuhalang aso. Nayanig ang chandeliers sa nilikhang ingay nito at nawala sa ayos ang ilang paintings na nakadisplay sa pader. Noon lang napagtanto ni Snow na halos sakupin na pala ni Cerberus ang espasyo sa antechamber. 'Nababaliw na nga talaga si Wrath!' In her head, she's killing him with an axe over and over again. Sino ba namang nasa matinong pag-iisip ang gawing alaga ang asong tagapagbantay ng mga harang ng impyerno?

Cerberus's owner? Only Wrath is crazy enough to be qualified for the position.

Nagpalinga-linga si Snow, naghahanap ng sinumang mapaghihingian ng tulong kung sakaling sakmalin siya ni Cerberus. Lalo lang siyang napasimangot nang mapagtantong wala sa paligid ang magkakapatid. Snow cursed under her brearh, "Damn it. Paano ko naman papaamuhin ang halimaw na it-----

---AAAAAAAAAAAAAAAHHH!"

In a matter of seconds, Cerberus's giant teeth sunk into the collar of her dress. Namalayan na lang ni Snow ang pag-angat ng kanyang mga paa sa lupa. Gumasgas ang kanyang bagong prosthetics sa railings ng hagdan, nanlaki ang kanyang mga mata nang matuluan siya ng laway ni Cerberus. Sa leeg ni Snow ay naramdaman niya ang malalalim na paghinga ng halimaw na nakapagpatayo ng kanyang balahibo. It's soft black fur felt deadly against her back.

"SHIT! PUT ME DOWN, YOU STUPID DOG!"

Snow White struggled against the monster, her limbs dangling in the air. Nang maramdaman niyang tila may nakamasid sa kanya, napasinghap ang dalaga nang mapansing nakatitig sa kanya ang dalawa pang ulo ni Cerberus. One head gave her a deadly stare, while the other gave her a calm and almost apologetic look. Para bang tulad ng magkakapatid, iba-iba rin ang personalidad ng bawat ulo ng asong ito.

"Hoy! Narinig mo ba ako?! I-Ibaba mo ako! Isusumbong kita kay Pride!"

Cerberus growled.

"CERBERUS! PUT ME DOWN!"

Umalulong muli ang dalawang ulo sa magkabilang gilid ni Snow. Napatakip siya ng kanyang mga tainga sa tindi ng ingay. It felt like her eardrums are going to explode!

Hindi na muling kumibo si Snow. 'Baka kapag nanahimik ako, hahayaan na ako ng asong ito', isip-isip niya. Pero agad na naglaho ang pag-asang iyon nang biglang tumakbo si Cerberus patungo sa sentrong pasilyo. Pinunit ng sigaw ni Snow ang tahimik na mansyon habang dala-dala siya ng alaga ni Wrath. Mas malala pa ito kaysa sa isang rollercoaster---depende na lang kung ang nasakyan mong rollercoaster ay mayroon ding balahibo at matatalim na ngipin.

"SAAN MO AKO DADALHIN?!"

Everything became a blur at halos masuka na si Snow sa pwesto niya. Patuloy lang na tumakbo sa pasikot-sikot na mga pasilyo si Cerberus, nalagpasan na nila ang Dessert Room, Library of Lost Souls at isang silid na mukhang game room. They passed by several other doors and corridors, and by the time Snow knew she was going to throw up her lunch, biglang nagbago ang paligid. Binati sila ng matinding liwanag na nanggagaling sa isang pinto. Nang makapad-adjust ang kanyang mga mata, napaawang ang bibig ni Snow sa lugar.

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Where stories live. Discover now