QOS: QUADRAGINTA SEPTEM

1.8K 129 18
                                    

She's inside a cage again.

Madalas, pakiramdam ni Snow ay nananadya ang kapalaran. A few months ago, she escaped that cold metal cage Boswell locked her in---only to find herself in a similar situation tonight.

The dungeons inside the hideout of the Four Horsemen of the Apocalypse is smaller compared to that of the mansion's. Kinilabutan ang dalaga sa lamig ng lugar. Tanging apoy na nagmumula sa isang sulo sa pinakasulok ang nakapagbibigay-liwanag sa maliit na espasyo. Gawa sa bato ang mga pader nitong nababalutan ng lumot. Nanuot sa hangin ang amoy ng kamatayan at mula sa gilid ng kanyang mga mata, Snow White can see a human skeleton chained to the wall.

Buong araw siyang ikinulong dito ng horsemen. Hindi niya makakalimutan ang sarkastikong boses ni War nang dalhan siya nito ng pagkain kanina.

"Magpasalamat ka't narito pa si Pestilence para pigilan akong patayin ka, you useless bitch. Kapag natapos ang digmaan, sisiguraduhin kong madadala ko ang mga bangkay ng deadly sins dito sa selda mo.."

"....."

"Magkakasama kayong mabubulok dito, mortal, at iyon ang katapusan ng kwento mo. And I'll fucking make sure pretty boy Pestilence can't do anything about it."

Nanindig ang balahibo ng dalaga nang umalingawngaw sa kadiliman ang malalim na pagtawa ni War. Kasunod nito ay ang pagkabasag ng platong ibinato niya sa selda ni Snow White. The metal doors slammed shut. Walang-ganang tinitigan ng dalaga ang pagkaing nasayang at ibinaling ang atensyon sa horseman. Under the pale light of the torch, War's blood red armor shone with such animosity. Hindi man niya makita ang mukha ng horsemen, alam niyang nakaguhit rito ang isang mala-demonyong ngiti.

How could he create Wrath?

'Wrath isn't like this.. Wrath isn't this heartless.'

And that's what makes them different---Wrath is the sin, but War is the sinner.

"Hindi ko alam kung bakit hindi ka pa pinapatay ng deadly sins. They should've killed you like what they did to their other shitty mortal maids. Walang espesyal sa'yo.. how disappointing." Napapailing na sabi ni War bago siya tuluyang tinalikuran.

Snow White remaind quiet as he left her alone to starve in the darkness.

Nang marinig niya ang marahang pagsara ng pinto, napabuntong-hininga siya't kinapa ang susing nakatago sa kanyang bulsa. Nakasimangot niyang kinuha ang natapong tinapay at tahimik itong kinain. If she's gonna kick his ass, she can't do it on an empty stomach.

"Walang nakakaalam kung anong mangyayari sa digmaang ito, War."

Makalipas ang ilang oras, nang masigurado na niyang wala na ang horsemen, maingat niyang kinuha ang pilak na susi at tinitigan ito. The metal felt cold against her pale skin. Malungkot siyang napangiti, "Salamat, Sir Pestilence.."

It's time to save her sins.

Snow White took in a deep breath and crawled towards the rusted bars. Nanginginig ang kanyang mga kamay nang gamitin niya ang susi. Ilang sandali pa, nakarinig siya ng mahinang "click". Marahang tinulak ng dalaga ang pinto ng kulungan, binitbit ang sulo at mabilis na lumabas sa piitan.

The door was unlocked.

Pestilence made sure she can escape.

She mentally thanked him again and ran down the hallways. Nang marating ni Snow ang sala, doon niya napansing nakatitig sa kanyang ang kulay puting anino. A white void that resembled a shadow, a fragment of a soul. Mr. Jeremy Hans Boswell's lackluster eyes greeted her. Katabi nito ang natutulog na clockwork baby at ang pocket watch na ipinamana niya kay Snow White.

"Took you long enough. Naiinip na ako."

Snow rolled her eyes and grabbed the baby and the pocket watch. "Quit complaining! Kailangan na nating makapunta sa Bridge of Bones. Ang sabi ni Sir Pestilence may mag-aabang daw sa'kin doon para dalhin ako sa labyrinth."

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Where stories live. Discover now