SINNER'S DAY

3.2K 187 111
                                    

"...if I were to write my story all over again, I would never change any part of it."

Chione "Snow" White

--- 

MINSAN, nahihirapan pa rin siyang isipin na tapos na siyang bangungutin ng masalimuot niyang nakaraan. Minsan naman, tinatanong niya pa rin sa sarili niya kung panaginip lang ba ang lahat ng ito. Because if she were living inside a dream, Snow White would never want to wake up again, even if the world slowly crumbled before her. It's funny how she would rather be trapped inside this sinful fantasy forever than wake up and realize it never happened at all.

'Siguro nga, 'yon pa rin ang kinakatakutan ko,' She thought and absent-mindedly touched her ring finger.

Naroon pa rin ang markang iniwan sa kanya ng ritual nang "ikasal" siya sa walong magkakapatid. Her Eight Deadly Sins. The reddish scar carved around her finger, spelling each of their names. Snow had always been ashamed of her scars. Alam niyang hindi na niya mabubura ang mga peklat na inukit niya noon sa kanyang balat---mga bakas ng ilang ulit niyang pagsuko.

Nakakatuwang isipin na ang walong prinsipe ng impyerno pa mismo ang magtuturo sa kanyang tanggapin ang mga ito. Now, she's proud of these scars, simply because they remind her that she survived. 

She survived because the demons who had nestled their way into her heart conquered the demons who had created chaos in her head.

Huminga nang malalim si Snow White at ipinikit ang mga mata. Sandali niyang dinama ang katahimikan ng kanyang silid. Sa gulo ng mansyon, hindi niya alam kung hanggang kailan mananatili ang kapayapaang ito. Susulitin na niya. "This is madness, indeed."

"Madness is whenever I see your sinfully pretty face everytime I look at a mirror, Your Majesty."

Nagmulat ng mga mata si Snow nang marinig ang boses na 'yon. Napairap na lang siya nang makitang nakasandal na pala sa katapat niyang pader ang prinsipe ng paghanga. Adoration crossed his arms over his chest and stared at her with an overwhelming admiration in his violet eyes. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya nasasanay sa atensyong ibinibigay sa kanya ng mga ito.

"Ilang beses ko na bang sasabihin sa'yong may rason kung bakit naimbento ang pinto, Chandresh?"

Chandresh chuckled and shrugged, "Forgive me, Your Majesty, but I'd rather use your mirror. Especially since it's exclusively for me."

'Some things will never change,' she mused.

"Bakit ka nga pala nandito? Ang akala ko busy kayo sa opisina?" Nagtataka niyang tanong bago tumayo at pinagpag ang suot na pulang bestida. Its chiffon material felt soft under her touch, adorned with golden embroidery and velvet black ribbons.

Nitong mga nakaraang araw, napapansin niyang lalong nagiging abala ang kanyang mga asawa---err...okay, that sounds weird. Anyway, the Deadly Sins have spent most of their time inside the Segregation Office. Nang tanungin niya ito kay Pride kahapon, huminga nang malalim ang panganay na tila napapagod na at inayos ang kanyang salamin sa mata. In the end, his only response was: "Malapit na kasi ang Sinner's Day, princess. Every fifty years or so, we get all stressed out about it." Tatanungin na niya sana kung ano ang "Sinner's Day" na tinutukoy niya nang biglang pumasok sa private study si Wrath, panandaliang huminto para hinalikan siya sa pisngi, at saka may inabot na folders sa kanyang kapatid.

Back to work.

And ironically, today is Sinner's Day.

'So, if they're so busy... Bakit nandito si Chandresh?'

Napabalik siya sa kasalukuyan nang sumagot ang binata. Bakas ang pag-aalinlangan sa mga mata nito. Suddenly, his medieval attire and tunic made him look a little less intimidating.

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Where stories live. Discover now