UNDETRIGINTA

3.6K 293 107
                                    

Ang Seven Deadly Sins ay synonym sa sakit ng ulo ni Snow White magmula nang tumapak siya dito sa mansyon. Since then, the gothic fairytale of her life took several unexpected turns, though she was audacious enough to survive. Akala niya wala nang mas lalala pa sa sitwasyon.

Pero ngayon, habang nakatitig siya sa pitong paslit na nakatayo sa dining hall suot ang minuature sizes ng kanilang mga damit  ('Mukhang nag-shrink ang damit nila! Now they look like little gentlemen!'), alam ni Snow na mukhang mas lumala pa ang ang nakakawili niyang buhay kasama ang pito. She gripped the small bottle in her hand, wide-eyed at them.

The notorious seven sins as three-year-olds!

"I-I can't believe it.."

Sa isang bahagi ng mesa, nagkatinginan ang kambal na hindi man lang nataasan ang mesa.  The twin sins---now Envy in his mini moss green V-neck shirt and ripped jeans, Greed in his cute red turtle-neck sweater and cream-colored pants---grinned at each other and laughed their hearts out. Napasapo na lang si Snow nang makitang hindi pa kumpleto ang mga ngipin nila sa harapan. Before she could stop them, bigla nilang itinaas ang magkabilang kamay na parang eroplano at nagpaikot-ikot na sa silid.

"Weeeeeee-woooooo! Weeeeee-woooo!"

"Bwahahaha! Hindi ganyan ewopwano, Enwy! Mali! Mali! MALI!" 

Natigil sa pag-ikot si Envy at nag-pout sa kakambal. "Bad kaaaaaa~! Tumbong kita Kuya Pwide!"

Lumobo ang chubby cheeks ni Greed sa inis. "E 'di tumbong mo! Duwag! Kunin ko pewa mo maya!"

"S-Sakiwm ka! Bad!"

"Duwag dapat pangawan mo, nidi Enwy!"

(nidi = "hindi")

Hindi alam ni Snow kung matatawa siya o ano dahil halos mangiyak-ngiyak na ang batang si Envy habang patuloy siyang inaasar ng kapatid. Lalo na noong nakisali na sa pang-aasar sina Gluttony at Wrath. 'Iyakin pala ang siraulong 'to!', she thought. Suits him right for leaving her in an avalanche of coffins earlier! Inilibot niya ang mga mata sa iba pang mga bata at halos lumuwa na ang mga ito nang makita ang paslit na si Lust!

"H-Hoy, bata! Anong ginagawa mo diyan?!"

Sino ba naman ang hindi magugulat kung nakatayo na pala ang tatlong taong gulang sa ibabaw ng mesa at topless! In normal situations, Snow would blush to see his muscled body---but now, she's just forcing back her giggles upon seeing his baby fats. Mini Lust even had a bow tie on at slicked back his short black hair!

"LUST! Baka mahulog ka diyan!"

The little sin smiled cutely at her at kumendeng sa harapan ni Snow.

"Machow dancew ako, Snow babes!"

"T-The heck?"

"Naaakit ka na ba? Rawr!"

Sabay kindat nito.

Nasapo na lang ni Snow ang kanyang noo. Mukhang may mga bagay talaga na hindi magbabago kahit na bumata ka.

CRASH!

Napapitlag ang dalaga nang bigla namang may nabasag. Binalingan niya si Gluttony na iniinom ang isang baso ng alak. His little fingers barely holding the large glass. "Gluttony! Tama na 'yan!" Sinita niya ito pero sinamaan lang siya ng tingin ng batang kasalanan. Maiintimidate na sana si Snow kung hindi lang dahil sa pagiging cute nito. The three-year-old Gluttony dangled his small legs on the high chair; he wore the same sleeveless black shirt with chocolate stains on it.

'Akala ba niya matitinag ako?'

Inilahad ni Snow ang kanyang kamay para kunin ang baso. Kasaluluyan namang may binubuksan na siyang bag ng chips. Kung saan nakuha ng batang Gluttony ang pagkain, hindi na niya alam.

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon