QOS: QUINDECIM

1.8K 164 53
                                    

Nabingi si Snow sa tunog ng bell.

Soon enough, the cheers from Underworld creatures filled the beerhouse. Nanlaki ang mga mata ng dalaga nang makitang kumuha ng bagong pana si Pestilence. His sharp ash gray eyes held her in place. Mabilis siyang umilag sa pag-atake.

"Damn it! I-I don't even have a weapon with me!"

Sinubukan niyang magreklamo sa referee pero napanganga na lang siya nang makitang abala na ito sa pakikipaglandian sa isang cyclops. Inis na tumakbo papalayo si Snow mula sa mga panang bumulusok sa direksyon niya. Pestilence's mock expression only frustrated her more. "What are you doing, my queen? Hindi ka makakaligtas kung tatakbuhan mo lang ang mga pana ko."

Snow cursed under her breath when another arrow flew towards her.

'At paano ko naman siya matatalo? Wala akong armas!'

Napadako ang mga mata niya sa hawak na bote. An idea came to her mind. Huminga nang malalim si Snow at ngumisi kay Pestilence. Wala siyang pakialam kahit isang maalamat na nilalang pa ang nakatayo sa kanyang harapan. Snow White had been through hell and back; she won't back down from this fight.

"Iyan lang ba ang kaya mo, Sir Pestilence? You're a joke. Ni hindi mo nga ako kayang talunin, paano ka pa kaya maghahasik ng apocalypse sa mundo naming mga mortal?"

Pestilence's eyes darkened. Lihim na napangiti si Snow. This is what she expects from mocking a man's ego (buti na lang at natutunan niya ang strategy na ito kay Pride). At katulad nga ng inaasahan ni Snow, Pestilence summoned his white horse again. Nagulat ang mga manonood nang makita ang maalamat na kabayo. Its rider raised his golden bow and arrow.

His golden crown shone amidst the darkness.

"You want me to be aggressive? Then your wish is my command, my queen."

Ilang sandali pa, hinabol na siya ng kabayo nito. Sunod-sunod siyang pinaulanan ng mga pana ni Pestilence. Napasimangot si Snow nang mapansing umaapoy na ang ilang mga pana. She rolled her eyes. 'Men and their fucking ego.' Patuloy pa rin sa pagtakbo si Snow. Nabubunggo na nila ang ilang lamesa sa beerhouse at aksidente pang natamaan ang mga bote sa bar.

'Just a little more...'

Nang matansya ni Snow ang bilis ng pagtakbo ng kabayo, mabilis niyang binuksan ang bote ng lemon tea at ibinuhos sa sahig. She swiftly turned left and let Stallio stumbled before her. Nadulas ang puting kabayo sa lemon tea. Its translucent feet cannot hold friction with a slippery floor.

Napasinghap ang lahat nang matumba ang horseman.

Snow White smirked and crossed her arms over her chest. "Oops! I think I forgot to put a 'caution: slippery floor' sign. Pasensya na, Sir Pestilence." Bahagya pa siyang yumukod sa binata.

Pestilence stood up and frowned at her. Inayos nito ang korona sa kanyang ulo at inis na tumayo. Mukhang pinipigilan na lang nitong mag-tantrums dahil sa pagkapahiya. Still, the mischievous glint in his eyes told her he's not done yet.

"Very clever, my queen." He snapped his fingers, making Stallio vanish in a wisp of white smoke. He raised his weapon again, and aimed it at her.

"But let's see if you're clever enough to get away from this.."

Napalunok si Snow nang mapansing binalot na naman ng nakakasilaw na liwanag ang pana. Mabilis siya humakbang papalayo sa horseman. How can she escape now? Mukhang seryoso na si Pestilence. 'Great. I'll die in a beerhouse with an arrow shot in my chest. Ang pumatay sa'kin? Isang maalamat na nilalang na nai-feature sa bible na may obsession sa korona niya.'

Ash gray eyes challenged her.

Nanlaki ang mga mata ni Snow nang tuluyan nang pinakawalan ni Pestilence ang pana.

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon