QUINQUAGINTA

3.1K 224 15
                                    

"I've heard the sins talking about it. Ang lagusan ng impyerno ay nasa loob ng kastilyo ni Hades. All the damned souls are there. All the rotten ones. Pero paano kung wala roon ang kaluluwa ng nanay mo?"

Pagak na natawa si Snow sa sinabi ni Chandresh at itinabi ang first aid kit. Katatapos lang niyang gamutin ang sugat sa ulo ng binata. Snow wasn't much of a first aider, but she thinks she did a pretty decent job on his wound. Sana lang ay hindi ito lumala dahil ang mapahamak pa lalo si Chandresh dahil sa kapabayaan niya ay ang huling bagay na gustong mangyari ng dalaga. Kumunot ang noo ni Chandresh sa reaksyon ni Snow. She sighed and explained, "Believe me, sigurado akong nandoon ang kaluluwa ni Christina. If her soul isn't rotten enough to gain a ticket to hell, I don't know whose is."

"Ouch. That's a bit harsh."

"Wala akong pakialam."

Sa mga salitang ito na tila ba lalong pinabigat ng tahimik na silid, napasimangot ang prinsipe na ngayon ay nakahiga sa kanyang kama.

"What?"

"Nothing. I was just wondering when will you start calling that woman your mother. Hindi naman siguro mapakla ang lasa ng mga salitang 'mama' at 'nanay' para sa'yo, 'di ba? Try it."

"Not gonna happen."

"Snow---"

"Chandresh, tama na. Ayokong pag-usapan 'to. Ang mahalaga ngayon ay makapunta tayo sa palasyo ni Hades at alamin sa babaeng 'yon kung paano mapapawala ang sumpa," Pinagpag ni Snow ang bagong palit na damit at naglakad papalabas ng kwarto, "Kung inaasahan mong makikipag-dramahan ako sa kanya at magiging maayos na ang samahan namin, 'wag ka nang umasa. We just need info to cover up this stupid mess she made for me!"

Hindi na nakaimik pa si Chandresh. Iniwasan ni Snow ang kulay lila nitong mga mata. Ayaw niyang mabasa ang kung anumang emosyon ang mayroon doon. Hindi niya kailangan ng awa o pag-aalala. Hindi ngayon. Hindi dito. Hindi sa usaping 'to. The wounds of her past are too deep and she doubts that a mere bandaid can fix it.

Tahimik na lang na lumabas ng silid si Snow. Gustuhin man niyang pumunta na ngayon sa Tartarus, maraming balakid ang kahaharapin nila. Bukod pa roon, oras na ng tanghalian. Kapag hindi nagpakita si Snow sa magkakapatid, maghihinala ang mga 'yon sa biglaan niyang pagkawala. She needs to act as normal as possible. Afterwards, kakausapin niya si Mr. Bones kung pwede ba sila nitong ihatid. Sana lang ay nakapagpagawa na si Pride ng bagong karwahe.

Pero sa kabila ng mga problemang ito, Chandresh's words still echoed inside her head..

'Mama? Nanay? Well, damn it!'

Parang ngayon pa lang ay gusto na niyang mag-hysterical. Sa totoo lang ay hindi alam ni Snow kung bakit ba tinatawag niya pa noong 'ina' ang babaeng 'yon. She made her life a living hell, at ngayong nalaman niyang siya rin pala ang pinagmulan ng kaguluhang 'to, lalo lang siyang nawalan ng amor sa nilalang na nagluwal sa kanya. Snow White feels as if what little "respect" she had for Christina went down the drain.

All of it.

Habang pababa siya ng hagdan, she spotted Gluttony halfway down. Binalot ng kaba si Snow. She unconsciously tugged her sleeves down. Nang makita siya ng kasalanan, agad itong ngumiti at huminto. "Sugar-plum! Nakahanda na ba ang pagkain ko?" Kuminang ang mga mata ng kasalanan nang banggitin nito ang pagkain. Pero hindi nito naitago ang pagod sa likod ng kanyang mga mata. 'Napagod sa tangkang pagpatay sa'kin kagabi..' Bulong ng isip ni Snow at pinilit niyang 'wag kabahan sa harapan nito.

"Papunta na ako sa kusina. I'll have it ready in an hour.."

Gluttony pouted and crossed his arms over his chest. "An hour?"

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Where stories live. Discover now