DUO

10.3K 496 32
                                    

Naging mabilis ang mga pangyayari para kay Snow White. Namalayan na lang ng dalaga na sinusundan na pala niya ang misteryosong lalaki papasok sa isang gubat. Hindi niya alam kung gaano katagal na silang naglalakad. Malayo na sila sa lungsod at sa wakas, nakikita na niya ang buwan sa kalangitan.

'When was the last time I saw the moon?' Hindi na niya matandaan. Memories already escaped her like water poured over a hand, slipping away and forgotten. Inobserbahan na lang niya ang paligid. Walang katao-tao. Siguro kung papatayin siya ngayon dito ng lalaking ito, he could easily get away with it---not that the useless judicial system can make him atone for his sins, anyway.

"Malapit na ba?"

Wala talaga siyang ideya kung bakit sila nandito. Malalago ang mga puno sa parteng ito ng kagubatan at napupuno ng natuyong dahon at sanga ang lupa. Snow can hardly see anything and her feet are killing her.

Hindi sumagot ang binata.

Ano pa bang aasahan niya? Hindi na talaga siya magugulat kung maglalabas na lang ito bigla ng itak at pagtatatagain si Snow. Wala na siyang pakialam. Bahala na kung saan siya mapadpad. Ito ang pinili niyang landas, at wala nang atrasan ito.

Darkness embraced her as they walked deeper into the forest. Maririnig mo ang mangilan-ngilang huni ng mga ibon sa di kalayuan at ang pagtunog ng mga dahon sa ilalim ng kanilang mga paa. The air grew colder, but it didn't affect her. Sanay na siya sa lamig.

Ilang beses pa siyang nadulas sa pababang bahagi ng daanan at nagalusan na ang kanyang binti. She was then worried that her prosthetic leg would give up. 'Ano na lang ang gagawin ko kung mangyari 'yon?' Ayaw na niyang isipin.

Makalipas ang higit kalahating oras, huminto ang lalaki.

"We're home."

Snow stared at his back. Home? Such a foreign word. Dala ng kuryosidad, sumilip siya sa harapan at napakunot ang noo sa nakita. The man smirked and stepped aside, showing her more of the view. Lokohan ba 'to?

"There's nothing here..."

Sa harapan nila ay ang isang malawak na kapatagan sa gitna ng masukal na gubat. The night sky stretched above the clearing, and the grass felt dry here. Ang nakaagaw ng kanyang atensyon ay ang malaking "crater" sa gitna ng field. May lalim itong nasa limang talampakan at parang isang buong football field ang lawak.

She turned to the man who smugly smiled at her.

"Wala akong nakikita." Simpleng sabi ni Snow.

"Iyon ay dahil ayaw mong makita. Close your eyes and look again, princess."

Iminuwestra ng lalaki ang crater sa kanilang harapan. Walang pagdadalawang-isip na sinunod ni Snow ang sinabi niya. She closed her eyes and took in a deep breath before opening them again. Sa pagkakataong ito, natigilan siya sa nasaksihan.

Unti-unting nagbagong anyo ang paligid. The empty crater was gone. In its place, a giant mansion materialized. Itim ang kulay nito at Gothic ang tema. Mula sa kinaroroonan niya, napansin agad ni Snow ang gargoyles sa bubong nito. Malaki ang mansyon na may tatlong palapag at para bang kastilyo ang disenyo ng labas nito. Nonetheless, the marvelous mansion is protected by a black iron gate with intricate designs; outside of these are elegant lamps that glowed an eerie yellow.

Humakbang siya papalapit at tinitigan ang itim na metal na korteng ahas na nakapulupot sa gate. It served as a lock.

"There is a difference between 'seeing' and 'looking', princess. You should now that by now." Tumabi sa kanya ang estranghero at may ibinulong ma mga salita. She can faintly distinguish the language as Latin, pero hindi niya makuha ang ibig sabihin nito. Mayamaya pa, bigla na lang gumalaw ang metal na ahas at unti-unting bumukas ang malalaking gates. 'What on earth is this?' Hindi siya makapaniwala sa mga nakikita niya.

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Where stories live. Discover now