QUADRAGINTA QUATTOUR

3K 249 41
                                    

"Chandresh! Bilisan mo na ngang kumain!" 

Natatarantang sabi ni Snow sabay tingin sa pinto ng kanyang silid. Kada may naririnig siyang mga yabag, kinakabahan ang dalaga sa mga posibleng mangyari. If one of those sins would suddenly pop up, malamang hindi alam ni Snow kung paano ipapaliwanag sa kanila ang presensiya ng lalaking lumalamon ng ham and cheese sandwich ngayon sa kanyang kama. Sinamaan niya ito ng tingin nang nagreklamo pa ito sa lasa.

"Cha---"

"I'd prefer rye bread over white bread," sabay kagat nito sa sandwich at lalong sumimangot, "May hinalo ka ba dito sa tinapay? Where do you even buy these things?"

"Chandre---!"

"You know, I've forgotten about a lot of things.. Pero sigurado talaga akong hindi dapat ganito ang lasa ng sweetened ham. And the cheese is---!"

Napasapo na lang si Snow sa kanyang noo. Parang gusto na niyang ihagis pabalik ng salamin ang isang 'to. "THEN DON'T EAT, DAMN IT! ANG DAMI MONG REKLAMO!" Nang mapagtanto ni Snow na napalakas ang boses niya, agad niyang tinakpan ang bibig at mahinang napamura nang marinig sina Greed sa labas ng kanyang pinto.

"Mademoiselle, are you alright?"

Nagmamadaling pumunta sa pinto si Snow at alanganing ngumiti. "A-Ayos lang ako. M-May malaking daga lang.."

"Really? Do you want me to check on it?"

"NO!"

Kumunot ang noo ni Greed at nang nagtangka itong sumilip sa loob ng kanyang silid, Snow White pinched his cheek and nervously laughed. Bahagyang namula ang mga pisngi ni Greed sa ginawa nito. A blush, perhaps?

"H-Hahaha! No. I can handle it, Greed. Baka naman namamalikmata lang ako kanina.."

Naningkit ang mga mata ng binata, mukhang hindi pa rin kumbinsido. "Sigurado ka ba? Baka----"

"I'm fine, Greed!"

At mabilis na niyang isinara ang pinto. Napasandal pa roon si Snow at hinintay ang tunog ng paglalakad nito papaalis bago napabuntong-hininga. She quickly locked the door and turned to Chandresh. Napameywang si Snow nang makitang nakayuko na ang prinsipe at halatang guilty. Hindi na nito tinapos ang kinakain niyang sandwich.

"Muntik na tayong mahuli! Chandresh, alam ko namang naninibago ka sa pagiging tao ulit, but you just can't irritate the hell out of me and draw attention!"

Napuno ng katahimikan ang silid bago nagtama ang kanilang mga mata. Aaminin ni Snow na hanggang ngayon ay nakakaramdam siya ng hiwaga sa kulay lilang mga mata ng prinsipe. How could anyone have majestic violet eyes and get away with it? Ang mas nakakairita pa rito, kumportable ang pakiramdam niya kada tinitingnan niya ang mga ito. Isang malungkot na ngiti ang ibinigay sa kanya ng binatang nakakulong dati sa kanyang salamin at itinabi nito ang kinakaing sandwich. He looked sincere and guilty at the same time, "I guess I'm not used to living in the real world anymore. O baka sadyang umiiral ang pagiging 'prinsipe' ng pagkatao ko. Either way, I'm sorry.. Your Majesty."

Bahagyang yumukod sa kanyang harapan si Chandresh na ikinabigla naman ni Snow. 'He's really a prince--in every sense of the word,' isip-isip niya. She sighed and averted her eyes to the sunlight coming from the window.

"Tama na ang drama. Pareho tayong may mali.."

At iyon ang totoo. Ipagkaila man ni Snow sa sarili niya, alam niyang naii-stress na rin siya sa mga nangyayari. Kagabi lang pagkatapos niyang palayain sa salamin si Chandresh,  naging halimaw na naman siya. Katulad ng dati, halos wala na naman siyang maalala. Nagising na lang siya na nakahiga sa sahig at puno ng sugat ang katawan. Chandresh immediately rushed to her aid earlier and helped her. Pagkatapos nito ay nagmadali siyang bumaba para ipagluto ng almusal ang magkakapatid (actually, kay Gluttony lang talaga) at mabilis na gumawa ng sandwich para sa prinsipe.

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon