QOS: DUODEVIGINTI

1.7K 123 26
                                    

Hearing noise inside Hades' castle isn't unusual. Bagama't walang nagsasalita---o tuwing walang  kaluluwang nagmamakaawa---paminsan-minsan ay naririnig pa rin ng mga alipin ang ilang mga kaluskos na nagmumula sa mga kusina. Sometimes, they can hear voices inside the empty chambers. At night, footsteps and occasional knocks haunt the receiving area.

Ngunit ang ingay na umaalunig ngayon sa loob ng magarbong kastilyo ng "hari" ng impyerno ay wala sa mga nabanggit.

Today, the century-old castle's halls were buzzling with the sound of metals clashing against each other. The smell of blood and sweat with a mixture of all the other "uncommon" odors in between. Umalingawngaw ang pagdaing ng mga lobo kasabay ng pagyanig ng lupa sa paglalakad ng ilang cyclops.

Bodies were crashing against the marble floors.

Blood stained the pale curtains.

And Hades smiled amidst the chaos.

Huminga nang malalim ang hari at pinagmasdan ang kanyang hukbong abala sa pagsasanay. He watched as the paranormal creatures clashed and crashed against their opponents. Nakadungaw siya mula sa terrace ng isang tore, malinaw niyang nakikita ang kaguluhang nagaganap sa ibaba. His dark eyes skimmed the witches and vampires. Hades' lips gave a satisfied smirk.

"Creatures of the Underworld can be easily manipulated. Paminsan-minsan, may pakinabang rin sila, hindi ba, aking pinakamamahal na reyna?"

Beside him, Persephone stood silent while watching the "training" down below. Her eyes were golden brown, like newly harvested rice during the summer season. Sumimangot ang reyna at inayos muli ang kanyang damit na yari sa itim na satin.

"I don't trust their loyalty, my king. Sumusunod lang naman sila sa'yo dahil ikaw ang kinikilala nilang hari ngayon. These creatures can betray you, once Luci---!"

"DO NOT SPEAK HIS NAME!"

Napapitlag si Persephone nang sumigaw ang asawa. Nanlaki ang kanyang mga mata nang mapansin ang pag-iiba ng timpla ni Hades. His eyes grew wild with anger. His lips in a permanent scowl. Nang mapansin ng lalaki ang gulat at takot sa ekspresyon ng kanyang reyna, agad siyang nag-iwas ng tingin at huminga nang malalim.

"I am well aware that they can betray me once that bastard takes over the Underworld. Kapag naupo na sa kanyang trono si Lucifer, tuluyan na akong kakalimutan ng kahariang ito. I'll be forgotten... and that hurts more than a blade to the chest."

Napalunok si Hades. Kapansin-pansin ang emosyong gumugulo sa kanya. Ito mismo ang kinatatakutan ni Hades.. ang kalimutan ng lahat. Mula nang maging proxy siya ni Lucifer upang pamunuan ang Underworld, halos gabi-gabi na siyang binabangungot. Oo, sa ngayon nasa kanya pa ang kapangyarihan---siya pa rin ang kinikilala nilang hari. Ngunit sa oras na angkinin nang muli ni Lucifer ang kanyang trono, ano nang mangyayari kay Hades? He will be nothing. Hades will lose everything.. that is his deepest fear.

That's why he's desprate.

Desparado siyang maangkin nang tuluyan ang trono. Desperado siyang kilalanin bilang tunay at nag-iisang hari ng imperyong ito. Desperado siyang manatili sa kanya ang lahat.

That desperation is also the reason why he accepted Boswell's deal before. And right now, that same desperation is the reason why he made an alliance with the Deadly Sins.

Kailangan niyang talunin si Lucifer.

'I'll show the Underworld who their real king is.'

Naikuyom ni Hades ang kanyang mga kamao. Naramdaman na lang niya ang paghaplos ng kanyang reyna sa kanyang kamay. Persephone smiled reassuringly at him. Puno ng pagmamahal ang mga mata ng reyna para kay Hades. And again, Hades finds himself falling in love with this woman.

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon