QOS: QUADRAGINTA DUO

1.6K 111 16
                                    

Hours turned into days.

Snow White had lost count of all the sunsets and sunrises that might have passed in the mortal world. Dito sa Underworld, halos walang pinagkaiba ang araw sa gabi bukod sa kakarampot na kadilimang namamagitan sa kanila. She sat on the edge of her small wooden bed. It wasn't as extravagant as the one she had in the mansion, but it was enough.

Habang papalapit na nang papalapit ang gabi ng Sinner's Moon, hindi niya maiwasang kabahan. Bakit parang nananahimik ang sins?

'Are they accepting their defeat? No.. Pride won't do that.'

Pero si Snow mismo ang nakasaksi kung gaano karaming pagbabago ang maaaring maganap sa loob ng iilang oras. She sighed and stared at the objects laid ontop of her small dresser made out of maple wood.

Three objects:

Ang bote na naglalaman ng tubig mula sa Fountain of Youth, ang mapa ng Undeworld, at ang pocketwatch na bigay sa kanya ni Boswell. Bukod sa mga ito, wala nang ibang nadala si Snow mula sa nakaraan niyang buhay bilang katulong ng Seven Deadly Sins. The ironic thing is, she only realized these objects were still in her pocket the moment she took off her old gothic dress (dahil binilhan siya ni Pestilence ng mga bagong bestida mula sa Boo-tique sa Tartarus).

Hindi na niya namalayang hawak na pala niya ang pocketwatch. She opened its small cover and smiled when it started working again..

'Pero minsan, hinihiling ko nang tumigil ang oras. Kahit sandali.'

Can she even stop time? Mahinang natawa ang dalaga. Mukhang kailangan niya itong tanungin sa clockmaker bukas kapag nagtraining ulit sila.

"And speaking about Boswell.."

Dumako ang mga mata ni Snow sa clockwork baby na abala sa paglalaro ng lampshade na nahanap nito sa sala kanina. She can't see the clockmaker's soul, but she can finally feel his presence within his creation. Naipaliwanag sa kanya ni Mr. Jeremy Hans Boswell na napaghihiwalay niya ang kanyang kaluluwa sa katawan ng clockwork baby tuwing matutulog ito.. iyon ang rason kung bakit nakikita niya ang puting anino tuwing tulog ang sanggol.

He wasn't reincarnated, no.

He just binded his soul to the clockwork baby's existence---just like how a ship needs an anchor to stay in one place.

"Ano nang dapat kong gawin, Mr. Boswell? Walang ginagawa ang mga kasalanan at hindi pa namin nahahanap ang Queen of Sins.. everything feels so damn out of place in my fairytale."

Pero syempre, hindi sasagot ang clockwork baby. At mukhang matagal-tagal pa bago ito makatulog.

She sighed and laid her back on the hard mattress.

Bumalik na naman sa alaala ni Snow ang presensiya nina Hades sa Taratarus. Naalala niyang muli ang kabutihan at ang pag-aalinlangan ng reyna na isumbong sila kay Hades. Then again, Queen Persephone surprised her and reluctantly stayed silent. That grace and selflessness..

Just like how a queen should be.

Agad na napaupo si Snow White. Her eyes shot wide in realization.

"Posible kayang si Queen Persephone ang Queen of Sins?!"

Unti-unting binubuo ng isip ni Snow ang posibilidad na ito. Sa pagkakaalala niya sa kwento ni Fleur, wala nang nakakita sa reyna matapos nitong maglaho. That was centuries ago, and yet, maybe she just hid herself? Malamang ay natakot si Lucifer nang makitang mas malakas ang potensyal ng Queen of Sins kaya't sinubukan niya itong patayin.

Maybe.. just maybe.. the Queen didn't even leave her throne. Maybe the reason why Hades hates Lucifer so much is because Lucifer wants to harm his Persephone?

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Where stories live. Discover now