OCTO

5.2K 361 64
                                    

"This is a warning, Snow White. 'Wag kang magkakamaling pagkatiwalaan ang Seven Sins."

His words echoed throughout the four corners of her darkened room. Tinitigang maigi ni Snow ang lalaking kaharap niya sa kanyang salamin, walang bakas ng biro sa kanyang mukha. Mayamaya pa, natawa ang dalaga. Chandresh's expression turned into a confused one. "Bakit ka natatawa? Is there something wrong?"

Nang mahinto sa pagtawa si Snow, she grinned and raised an eyebrow at him, "Binabalaan mo akong huwag pagkatiwalaan ang magkakapatid. Sounds ironic knowing the fact that I don't even know who you are. Sino ka para pagkatiwalaan ko? You can't dictate my actions, Chandresh." At naglakad siya papalapit sa salamin, her eyes pinning him into place. Snow White had already been through one hell of a life, why should she trust someone who just appeared in her mirror? 'Kung ang sarili ko nga, hindi ko pinagkakatiwalaan'.

Sumimangot ang lalaki sa naging reaksyon niya.

"Don't be irrational! Alam mong mga demonyo sila. Those siblings are heartless bastards who don't even know the difference between up and down!"

"Atleast I know what they are. Hindi na ako magtataka kung patayin nila ako sa pagtulog ko. What about you? Ano ka ba talaga?"

Chandresh's jaw clenched. "I can't tell you. Not now... At hindi na iyon mahalaga. I'm trying to save you from them, Snow!"

"Save me?" Mas dumilim ang ekspresyon ng dalaga nang marinig ang salitang iyon. Naikuyom niya ang kanyang mga kamao, "How could anyone fucking save me when I can't even save myself? I'm not a princess nor am I some damsel in distress. Hindi ko kailangan ng prinsipeng magliligtas sa'kin dahil matagal ko nang tinanggap sa sarili kong mag-isa na lang ako!"

Namayani ang katahimikan. Chandresh looked at her with pity.

"Snow.."

Napatigil siya nang mapagtanto ang kanyang mga sinabi. Snow White's eyes widened in realization. Bigla na lamang lumabas ang mga salitang iyon nang hindi niya sinasadya. Marahan siyang napailing at naglakad papunta sa kanyang kama. Iniiwasan niya ang mapanuring tingin ng binatang nasa salamin. Ayaw niyang kaawaan siya nito o ng kahit na sino. Akmang matutulog na sana siya nang umalingawngaw ang boses ni Chandresh mula sa salamin.

"Hindi ka nag-iisa. I'll gladly be with you for as long as you want me to----"

"Sinasabi mo lang 'yan dahil naaawa ka. Shut up, Chandresh. I want to sleep in peace."

At hindi na niya narinig pang muli ang boses nito hanggang sa makatulog siya. Ayaw na niyang alalahanin pa ang mga nangyari at mas lalong ayaw na niyang tanggapin ang katotohanang tama ang mga sinabi niya. She's alone and she'll be alone for as long as she lives---or atleast until she dies. Hindi niya pwedeng asahan ang sinuman para iligtas siya sa kadiliman ng pagkatao niya.

*
Noong gabing iyon, hindi makatulog si Snow. Sinilip niya ang salamin at napansing wala na roon si Chandresh. 'Natulog rin kaya?' she crept out of her bed and walked out of the room. Kailangan niya lang siguro magpahangin. Huminga siya nang malalim at binagtas ang hagdan pababa sa first floor. Nakasarado ang lahat ng mga pintong nadaanan niya. "Malamang tulog na rin ang magkakapatid.." Pero agad rin siyang napairap nang maalalang lagi namang nakasara ang pintuan ng mga silid nila. It's like they all have their own secrets.

Nang makababa ng hagdan si Snow, napansin niya agad ang matamlay na liwanag na nagmumula sa mga kandilang nakasindi sa mansyon. The soft orange glow of fire greeted her, but it wasn't enough to warm her heart. Kahit pa gaano kaganda ang mansyong ito, Snow White knows that elegance and beauty is the synonym for everything deadly. Tahanan pa rin ito ng pitong kasalanan, isang maling hakbang at maaari siyang maglaho ng tuluyan sa mundong ibabaw---not that she minds, of course.

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon