QUINQUAGINTA DUO

3K 209 4
                                    

Everything happening inside this mansion is madness... Matagal nang natuklasan ni Snow ang katotohanang 'yon. Sa ilang linggo niyang pananatili sa pamamahay ng Seven Deadly Sins, hindi niya maiwasang isipin na isa itong malaking pagbabago mula sa nakasanayan niyang buhay. For once in her life, Chione White finally experienced being alive---kahit naging alila siya ng pitong kasalanan.

'Pero mukhang matagal pa matatapos ang istorya ko..' Mapait niya wika sa isip.

Hindi niya pa rin maiwasang magulat sa mga sorpresang hatid ng araw na ito. Hindi na niya namalayan ang mahinang pag-"click" ng lock ng malalaking double doors ng mansyon. Chandresh pushed the towering  doors, lumikha ito ng ingay na nakapagpakaba sa kanila. "Tara na!" Natatarantang kinuha ng binata ang kamay ni Snow at hinila siya papalabas ng lungga na tinatawag na niyang "tahanan". Ramdam ni Snow ang pagkabahala at takot ng lalaking nagmula sa kanyang salamin. 'That time seems so far away now..'

Pumuno sa katahimikan ng paligid ang ingay ng mga susing hawak ni Chandresh. The sun is still up in the clear blue sky, pero alam ni Snow na hindi magtatagal at lulubog na rin ito sa distansya. 'I'll be a monster again! He needs to take me as far away from here as possible!' Kritikal na ang sitwasyon nila. If Snow White lets that monster loose, malamang nga ay katapusan na ng pitong baliw na 'yon! Even though they tried to kill her, a small voice inside of her still reminded Snow of her growing affection. Heto na nga ba ang problema kapag attached ka na. 'Complications and just plain bullshit!'

Habang tumatakbo sila pababa ng marble staircase na maghahatid sa kanila sa paanan ng mansyon, hindi niya maiwasang lumingon sa kanyang likuran. Binabagabag na naman siya ng kanyang kuryosidad.

"Wait, a-anong ibig mong sabihin kanina? Anong nangyayari kay Pride?"

Chandesh stared at her with a frustrated look, "Snow, we'll explain everything later! Kailangan na nati-----"

Yumanig ang lupa sa isang malakas na pagsabog. Nanlaki ang mga mata ni Snow nang mapansing nanggagaling ito sa direksyon ng private study ng panganay na kasalanan. "PRIDE!" Shit! What the heck is happening?! Kinagat ni Snow ang kanyang labi sa kaba hanggang sa magdugo ito. Nagtangka siyang tumakbo pabalik sa loob nang hawakan ni Chandresh ang braso niya. His firm grip complemented his words, "Hindi tayo pwedeng bumalik, Your Majesty! Kapag nalaman niyang nakatakas ka, mas magiging malala ang sitwasyon!"

Violet eyes glared at her. Seryoso ang ekspresyon sa maamo nitong mukha.

Naikuyom na lang ni Snow ang mga kamao sa emosyon. How can Chandresh expect her to leave Pride in this situation?! Oo, hindi niya alam kung anong nangyayari sa kanya, pero hindi iyon rason para hayaan na lang niya ito. Dumagdag pa sa kanyang pag-aalala ang nangyayari sa anim pang magkakapatid. 'Paano kung nagpapatayan na pala sila sa loob?!' Snow White can feel herself getting even more anxious. She was only pulled out of her reverie when Chandresh forced her to face him. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang mga balikat at pinilit na mahuli ang kanyang atensyon. "Snow, magtiwala ka sa'kin! Walang mangyayaring masama sa mga demonyong 'yon. They're immortals, remember?"

"...."

"Pero kapag hindi ka umalis ngayon, malamang ay may mangyari na ngang masama sa kanila. You're still cursed! Trust me on this, okay? Ipinapangako ko, babalik rin ang lahat sa normal."

At sa pagitan ng mga sandaling iyon, nahanap ni Snow ang tiwala sa binata. There's just something in those fierce violet eyes that calm the ranging storm inside her. Ayaw man niyang lisanin ang mansyon nang nagwawala ang kanyang mga amo, may tiwala siya kay Chandresh. Marahan siyang tumango.

Ngumiti sa kanya ang kasama at hinila na siya papasok sa isang karwaheng hindi na niya namalayang naroon. Kahalintulad nito ang nasirang karwahe noong nagpunta sila ng Tartarus---a black steel carriage with elegantly engraved designs. Tahimik ang mga puting kabayong ngayon lamang niya nakita. Naghihintay na rin pala si Mr. Bones sa kanila.

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon