QOS: SEX

2.6K 162 10
                                    

Hindi pamilyar si Snow sa parteng ito ng mansyon. Then again, she's not yet familiar with a lot of locked rooms inside the mansion of the Deadly Sins. Marahil ay hindi siya napapadpad sa lugar na ito, o sayang itinatago ng mansyon ang iba pa nitong mga lihim sa dalaga.

"Saan tayo pupunta?"

She watched Wrath's back as he stride deeper into a dim hallway. Nararamdaman ni Snow ang panganib na hatid ng lugar. Sa 'di kalayuan, natanaw niya ang silid ng Maze of Mirrors---ang parehong silid kung saan nila ikinulong noon sa salamin si Chandresh. Huminga nang malalim ang dalaga at nilakasan ang boses, "Wrath, saan ba talaga tayo pupunta? I have chores to do and Sloth requested me to clean his libra---"

"Isang malaking pagkakamali ng mga mortal ang pagtatanong."

Kumunot ang noo ni Snow. 'Paano naging mali ang pagtatanong?'

As if hearing her thoughts, Wrath stopped walking and spoke, "You ask questions in order to get some answers.. but sometimes, the best way to get answers is to shut the fuck up and just listen, Snow." Walang-lingon nitong sabi sa kanya bago nagpatuloy sa paglalakad.

Snow White sighed. Minsan talaga pabago-bago ang timpla ng mood ni Wrath. Sometimes, she can feel him opening up to her---almost as if he treated her like a dear friend. Pero sa ilang pagkakataong kagaya nito, hindi pa rin niya maiwasang ipakita ang kasalanang kinakatawan niya. Prince or not, Wrath is a dangerous demon. Ilang beses nang naririnig ni Snow ang mga nakapangingilabot na ingay na nagmumula sa Torture Room ng binata.

Shouting. Screams. Explosives.

It only takes one silly mistake to trigger Wrath's attitude.

'But he should know by now that I am not scared of him.' Umirap si Snow White at pinili nang itikom ang bibig. Naalala niyang muli ang sinabi ni Wrath kaya't tahimik niyang pinakinggan ang paligid. Ano nga bang "kasagutan" ang maririnig ng dalaga?

Nanlaki ang mga mata ni Snow.

'A-Ano yun?'

It was faint at first, like a distant echo from a forgotten valley. Ngunit habang papalapit sila nang papalapit sa dulo ng misteryosong hallway, lalong lumalakas ang tunog. It sounded like a war---a deadly mass killing. Nanindig ang balahibo ng dalaga nang matunugan ang mga paghihinagpis at mga putok ng kanyon. Kabado niyang nilingon ang prinsipe ng galit, "M-May digmaan ba dito sa mansyon? Saan nanggagaling ang ingay na 'yon?"

For the first time since they started their journey to the unknown, Wrath faced her. Isang mapanganib na ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi. His eyes were wicked. "You'll find out soon, Snow."

He snapped his fingers.

Gamit ang kanyang mahika, bigla na lang lumitaw ang isang spiral staircase sa likuran ng binata. The antique staircaise just materialized from nothing! Manghang sinundan ni Snow ng tingin ang patutunguhan nito. "Hindi ko alam na may iba pa palang staircase bukod sa grand staircase sa harapan ng mansyon."

"Oh, but this staircase doesn't take you to the second floor."

She frowned, "What the heck do you mean?"

"Follow me." Wrath smirked and climbed up the ascending stairs.

Lumalakas ang ingay ng digmaang naririnig ni Snow. Para bang umaalingawngaw na ito sa loob utak niya.

Marahang umiling si Snow. 'There's no room for hesitation.' At mabilis niyang sinundan si Wrath paakyat ng hagdan. Sa bawat paghakbang ni Snow ay nararamdaman niyang unti-unti rin siyang nahihirapang huminga. It's as if the air inside her lungs is being squeezed out of her. Nanghihina siyang lumingon kay Wrath. A sadistic laugh coming from the demon, "Oxygen levels decrease as you go up. That's why this place is called Gallery Zero."

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon