DUODEVIGINTI

4.7K 293 27
                                    

"You haven't slept. Something bothering you?"

Iritadong tiningnan ni Wrath ang isa sa mga bangkay na nakasabit sa kisame ng Torture Room. Hindi na siya nagulat nang makita niyang nakatuon sa kanya ang atensyon ni Benjamin. His creepy pale complexion, bloodshot eyes and lifeless body will be enough to scare any human on earth.

"What's up, Ben?"

Napasimangot ang nakasabit na bangkay. "Talaga bang binibiro mo ako ng ganyan? You haven't answered my question, Wrath."

Isang malokong ngiti ang ipinakita ni Wrath sa kanya at bahagyang iniangat ang ilang file reports nila Envy at Greed. Isang linggo na mula nang inutusan sila ni Pride na mangalap ng impormasyon patungkol sa Boswell na iyon at hindi palalagpasin ni Wrath ang pagkakataon para makaganti sa kanya. "I'm doing my own investigation. Sisiguraduhin kong ako ang makakapatay sa hamak na mortal na iyon."

"Base sa mga naikwento mo sa'kin noong nakaraan, this Boswell seems like a dangerous human."

"That's the problem," tumayo si Wrath at sinuyod ang madilim na silid. Kumuha siya ng latigo at pinaghahampas ito sa pader hanggang sa magkabitak-bitak na naman ito, "we don't even have a fucking idea if he's a hundred percent mortal! Walang nakasulat sa data niya maliban na lang sa isa siyang clockmaker sa Eastwood.. No origin, no parents, NOTHING!" With every violent whip, the cement chipped off. Sunod namang binalingan ni Wrath ang mga patalim na nakadisplay sa kanyang gilid. He grabbed one bloody knife and threw it at Ben's direction.

Tumama ito sa katabing bangkay ni Benjamin. Bull's eye. Napabuntong-hininga na lang si Ben kahit pa wala naman siyang hininga, "Kung 100% mortal man 'yang si Boswell o hindi, kailangan niyo pa ring mag-ingat. If he finds out what your weakness is-----"

"Hindi mangyayari iyon."

Seryosong tinitigan ni Wrath ang kawalan, nakakuyom na ang kanyang mga kamao dahil sa galit. Tila ba malalim ang kanyang iniisip, "Tumagal kami ng mga kapatid ko ng ilang daang siglo.. We managed to face our enemies and survive for this long. He cannot disrupt our system."

Kung may balak nga si Boswell na patayin sila, imposible iyon. Hindi ganoon kadali ang tapusin ang buhay nilang pito. The Seven Deadly Sins are the primary operational unit in segregating the sinners in hell, at ni minsan ay hindi pa sila pumalya. Pinananatili nila ang balanse ng mundo habang tinutugon ang sariling interes. Kapag namatay ang isang taong makasalanan, isine-segregate ng magkakapatid ang kaluluwa nila sa tamang lugar at bilang kapalit, nakukuha nila ang natitirang taon ng buhay ng mga taong namatay.

They collect not only the sinners' souls, but also their remaining life span. Dahil dito, nagagawa nilang mabuhay nang matagal, maging mga imortal. Even if Boswell manages to take away the sinners and steal their life extensions, hindi sila nito mapapatay dahil seals na nilikha ni Pride noon.

'Fortunately, Pride is crazy intelligent enough to think ahead of time..'

"Hindi niya masisira ang sistema ng Seven Deadly Sins.." Pag-uulit ni Wrath sa sarili, puno ng determinasyong tapusin ang nilalang bago pa man nito matuklasan ang sikreto nilang magkakapatid.

Napapailing na lang si Ben, his dull and lifless eyes filled with misery..

"I believe he's already doing that."

*
"Good morning, your Majesty. Had a good night's sleep?"

Iyan agad ang binungad ni Chandresh nang magmulat ng mga mata si Snow. Magulo ang kanyang buhok at nakadampay pa ang kanyang paa sa gilid ng kama. Napabalikwas ng bangon si Snow nang maalala niyang kailangan pa pala niyang magluto ng almusal, and by doing so, she accidentally bumped her head on the headboard. "Aray!" Napahimas siya sa kanyang ulo, gising na gising na ang diwa. Sinabayan pa ito ng malakas na pagtawa ni Chandresh na tila ba nakakita ng isang comedian.

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon