QOS: UNDEQUADRAGINTA

1.6K 125 32
                                    

Matagal nang tumila ang ulan.

Pride wouldn't dwell upon it much, but they all know that having a thunderstorm in the Underworld is an unnatural phenomenon. Sa pagkakaalala ng panganay, hindi nagbabago ang panahon sa lugar na ito. Palilibutan lamang ng madidilim na ulap at malamlam na liwanag ang kalangitan, ngunit hindi nito mararanasan ang anumang pagbabago. That's the reason why it's hard to distinguish nighttime from daytime, save from the subtle darkness that doesn't really make any difference.

"It's the Imbalance. Nagkakaroon ng pagbabago sa kalagayan ng Tartarus dahil tuluyan nang nasisira ang balanse nito." He explained over a cold cup of tea in the dining hall the next morning.

Akala ng kanyang mga kapatid, maaga siyang nagtungo sa dining hall para sa kanyang tsaa. Ang hindi nila alam ay ni hindi siya umalis dito. He stayed seated in his chair overnight, staring at the spot Snow White left behind. Her absence affected all of them, and he knows it.

He's Pride, he knows everything.

Marahang napapikit si Pride at huminga nang malalim. Hindi ito ang tamang oras ng pagmumuni-muni. Nanganganib ang buhay nilang lahat, at kung mawawala siya sa konsenstrayon, he's afraid that something terrible will happen again. 'Just like last time,' his mind reminded him.

"The first warning had been delivered by War, and the second by Famine.. who do you think is next?"

Mahinang tanong ni Envy. Hindi na pinansin ni Pride ang katotohanang para bang hindi rin nakatulog ang kambal. Sa ilang siglo nilang magkakasama, kilala na niya ang mga ito. Hindi umimik si Pride. Ilang sandali pa, si Sloth na mismo ang sumagot, "Death." Napalingon sa kanya ang iba pang mga kasalanan.

His half-lidded eyes scanned the painting in front of them---the same giant painting that was displayed in Gallery Zero, now laid in front of them on the table inside Hades' castle.

"He'll be the next one to deliver the warning."

"Paano mo nalaman?" Greed asked.

Sloth just smirked, "Lucky guess. Hindi nila agad ipapadala si Pestilence sa atin, so it makes sense that Death is gonna come after us instead.."

"But Pestilence is--"

"He's gonna conquer us during the war. Pestilence will be the final warning, and mark the end of us." Mahinang tugon ni Pride habang tinititigan ang painting.

Natahimik ang mga kasalanan.

Pinagmasdan nila ang gumagalaw na larawan ng kabalyerong tagapaghatid ng kamatayan. A pale armor and horse made of bones. Kuminang sa larawan ang kanyang scythe na siyang kumitil sa napakarami nang buhay. The painting depicted the ancient times, when the horsemen first made an appearance in the mortal world. Pinakuha nila ito kay Mr. Bones. Para talunin ang Four Horsemen of the Apocalypse, they need to be prepared for whatever they have in store for them.

They need to set a trap, and disarm them.

They need to attack, before it's too late.

"Paano naman natin mananakaw ang mga armas nila? Those bastards are always a step ahead of us. We'll get our asses kicked before we can even steal them." Wrath frowned while playing with a knife. Ilang sandali pa, pumunit ang isang sadistang ngiti sa kanyang mga labi. "I suggest we just take their eyes out and feed them to the wolves. If they can't see us, they can't attack."

Pride rolled his eyes. 'Wala talagang matinong ideya ang isang 'to.'

"Idiot. Tsk! We can't even get near them without being harmed by their weapons."

"I have an idea."

Napatingin ang lahat kay Adoration. Ito ang unang beses niyang magsalita magmula kanina. Ayaw man siyang isali nina Pride sa usaping ito, wala na rin silang nagawa dahil 1) kapatid nila ang baliw na ito, 2) posible nilang mapakinabangan ang abilidad ni Chandresh, at 3) nagpumilit pa rin itong makisali dahil likas rin siyang tsismoso.

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon