SEXAGINTA DUO

3.1K 236 29
                                    

Dedicated to AngelinaMendoza229

---

Pakiramdam ni Snow ay kinapos ang hanging dumadaloy sa kanyang mga baga. Wala sa sariling napahawak siya sa markang hanggang ngayon ay naka-tattoo sa kanyang balat. All seven beads at the bottom of the hourglass. Ngayon, habang nasa presensiya siya ng halimaw na may kagagawan ng lahat ng ito, naghalo ang galit at takot sa kalooban ni Snow White.

"M-Mr. Boswell.."

The monster who did this to her. Pareho sila ng kanyang ina. Pareho silang mga halimaw! Naikuyom ni Snow ang kanyang mga kamao sa panggigigil. 'I won't be like my mother. Hindi ako magpapagamit sa halimaw na 'to!'

Sa kabilang banda naman ay bahagyang tumango si Boswell kay Pride, "Alam mo na ang gagawin. Ako nang bahala sa isang ito." Walang imik na yumukod ang prinsipe at naglakad papalayo sa kanila. Snow White tried to call him back, her anxiety rising. 'Damn it. This can't be happening!'

"PRIDE!"

Papatayin na ni Pride ang kanyang mga kapatid. Sa oras na mahanap na nito ang kinalalagyan ng kanilang mga kaluluwa sa mansyon, katapusan na nilang lahat. May nabasa siyang libro noon sa Library of Lost Souls, it stated that a soul needs to manifest either an object, a living thing, or a room in order to survive. At sa kaso nilang ito, paniguradong alam ng panganay kung ano ang hahanapin. Nanghihina si Snow habang inaalala ang bagay na 'yon. Pero hindi na siya makagalaw.

Hawak na siya ngayon ng isang clockwork monster na sumulpot sa kanyang likuran.

Mr. Boswell motioned for them to follow him inside the garden maze.

"Kailangan kitang makausap, pinakamamahal kong alaga."

Snow White knew he was talking to her. Hindi na niya sinubukan pang manlaban. Alam niyang wala rin itong silbi. Nauubusan na siya ng lakas at pakiramdam niya ay malapit na siyang mawalan ng malay. 'Maybe Gluttony was right. Sana pala kumain ako kanina,' pagak siyang natawa sa naiisip. She was pretty sure food wasn't the culprit.

To be honest, her heart was to blame.

Tuluyan na siyang nawalan ng pag-asa nang hindi niya makumbinsi si Pride. It fucking pained her. Kung sana may magagawa lang siya para mailigtas ang kasalanan.. Para mailigtas silang pito sa tadhanang kasasadlakan nila.

At ngayon, habang kinakaladkad si Snow ng clockwork monster patungo sa pusod ng madilim na hardin, hindi niya maiwasang mapapikit. Hinayaan na lang niyang muling dumausdos ang kanyang luha.

Mukhang wala nang magpupunas nito para sa kanya.

'I have failed them...'

*
Napahinto si Lust sa pag-atake. Nilingon niya ang kabilang bahagi ng bakuran. 'Nasaan na si Snow?' Hindi na nila ito mahanap. Kanina lang ay tinanong siya nina Sloth kung nakita nila ang dalaga. None of them did. 'Damn it! Masama ang kutob ko rito!' Mabilis na pinatumba ni Lust ang isang bampira na akmang kakagatin na sana siya. He sent a flying kick to the hot vampire's face and watched her nose bleed.

Lust grinned.

"Sorry, vamp-babes! Alam ko namang nakaka-nosebleed ang katawan ko, but I'm not into biting much." At nagawa pa niyang kumindat dito bago nagmamadaling umalis. Kailangan niyang mahanap si Snow! Wala siyang tiwala sa ugok niyang kapatid. Noon pa man isang mapanganib na nilalang na ang kanilang panganay. Ano pa kaya ngayon na isa na itong kaaway?

"Sloth! Hahanapin ko si Snow!" Sigaw niya nang makita ang tamad nilang bunso na nakikipagbuno sa isang cyclops. Tumango na lang ito sa kanya at sinamaan pa siya ng tingin. "Can't you see I'm in a middle of a fight here, you idiot?!"

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon