QUATTOUR

8K 433 54
                                    

Magulo. Iyon ang unang salitang pumasok sa utak ni Snow sa tuwing sisiksik siya sa pinakamadilim na sulok ng kanilang pinagtagpi-tagping bahay. Punit ang kanyang bestidang puno at may ilang bakas ng dugo mula rito. She closed her eyes and covered her ears---tried so desprately to block off the yells and screams. Ganito lagi kapag umuuwing lasing ang tatay niya. As usual, she'll see enough blood for the next few minutes habang ginugulpi ng lalaki ang asawa. Napamulagat na lang si Snow nang may bumagsak sa paanan niya.

Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang inang puno ng pasa ang mukha, umiiyak habang nakahiga sa kahoy na sahig ng kanilang munting tahanan. Para siyang mawawalan ng malay, anumang oras. The light coming from the lamp casting a dangerous glow on the face of the man who stared at her demonically. Lumapit ito sa kanya. Nanginginig na ang mga kamay ni Snow at pilit na isinisiksik niya ang sarili sa sulok.

She was only six years old.

"Halika dito, anak.."

Nakabibingi ang mga yabag nito papalapit sa kanya. Naiiyak na ang batang si Snow habang pilit na tinatabig ang mga kamay ng ama.

"W-Wag..a-ayoko!"

"Shhh. Wag kang maingay, natutulog ang nanay mo..."

"LUMAYO KA SA'KIN!"

Sa isang iglap, nagliwanag ang lahat. That's when Snow White opened her eyes and sat upright. Mabilis ang pintig ng kanyang puso at ramdam niya pa rin ang labis na takot sa kanyang sistema. Natataranta niyang inilibot ang mata sa paligid, pilit na hinahabol ang kanyang paghinga.

Walang tao.

Huminga siya nang malalim. She hates it when her past haunts her at night. Para bang isang pilat na hindi na niya maalis sa kanyang katawan. Itinuon na lang niya ang atensyon sa paligid. "Where am I?"

The crisp morning sunlight crept between the gap in the curtains.

Dinama niya ang malambot na higaan. She's resting on a large canopy bed, made out of polished black wood with detailed floral carvings. Mayroon itong itim na telang satin na nagsisilbing kurtina sa kanyang mga gilid. Pinasadahan niya ng kamay ang malambot na mattress at mga unang may ginintuang hibla na nakaburda upang bumubo ng maliliit na mga rosas. Even the bedsheets felt ridiculously elegant. "Para yata sa reyna ang kamang ito," she mused and stared at her dress. Ito pa rin ang itim niyang bestida.

Paired with this black and white (with a hind of gold) bed, she looks like a damn doll! Velvet black ribbons, beads and laces adorned her body, and she can't help but wonder if she had always been dressed like this.

"Pero paano ba ako napunta dito?"

Pilit niyang inaalala ang mga detalye sa mga nagyari kahapon. Naaalala niya ang sawayan, ang musika at ang pagpapakilala sa kanya ng pitong magkakapatid, pero kada aalalahanin niya kung paano siya napadpad sa silid na ito, para siyang nagkakaroon ng migraine. The dull pain throbbed at her temples, draining her of her energy.

"After effects iyan ng ilusyon. Normal lang na makaramdam ka ng sakit."

Snow's eyes darted at the man who was leaning against the doorframe. Hindi niya napansin ang pagdating nito. Pilit niyang inaalala ang pangalan niya, hanggang sa lumabas na lang ito sa kanyang bibig.

"Envy."

Ngumiti ang binata. There's something intimate with the way he stares at her---intimidating and sweet, like the calmness before a storm.

"Isang ilusyon ang nangyari?"

Tumango ito.

May hinala siyang isang ilusyon nga lang ang lahat. It was too good to be true, pero may maliit na tinig sa kanyang loob na nagkasasabing higit ito sa isang ilusyon. Naglakad papalapit sa kanya si Envy. Sa normal na okasyon, baka tumakbo na papalayo ang dalaga. He's a devil, of course he's dangerous, but for some reason, Snow White chose otherwise. Nanatili lang siyang nakaupo sa kama at pinagmasdan ang pag-upo naman ni Envy sa gilid nito. That smile never leaving his tempting lips.

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora