QUADRAGINTA SEX

3K 229 11
                                    

Napabuntong-hininga na lang si Envy sa mga nangyayari. Ang maid nila ang halimaw na magiging dahilan ng pagbagsak nila. How ironic is that? Kailangan niyang kausapin si Snow. 'But first, we need to face our deadly brothers..'

"What do you think those idiots are doing?" Wrath blurted out as they neared the door. Maririnig ang tunog ng kanilang sapatos na tumatama sa itim na tiles ng sahig.

Natawa si Envy, "Basta siguradong lumalamon ulit si Gluttony."

Pride sighed. "I'd honestly be surprised if he wasn't."

Nang pumasok silang tatlo nina Pride at Wrath sa sala, agad siyang sinalubong ng pang-aasar ng kakambal. Greed smirked and waved a hand at him, "You're alive, my evil twin? That's disappointing. Ibebenta ko na sana sa Tartarus ang koleksyon mo. Oh, the money I would have!"

Nanghihinang tinulak ni Envy si Lust at naupo sa pwesto nito sa sopa, "We're immortals, you bastard. At subukan mo lang galawin ang mga kabaong ko, I'll kick your ass in chess again!" Pagbabanta nito kahit pa masama ang tingin sa kanya ng kapatid na naabala sa pagbabasa ng porn magazines.

Humikab si Sloth at binato ng unan si Wrath. Agad naman itong nasalo ng kasalanan at sumandal sa sahig, "Pride said that the mansion was attacked. Wala bang napahamak sa mga gamit ko?" Umiling si Gluttony kasabay ng pagnguya ng breadroll, "Mas concerned ka pa sa kalagayan ng mga armas at kutsilyo mo kaysa sa kalagayan ng pinakamamahal mong mga kapatid? Typical Wrath, very typical!"

Umirap si Wrath at inagaw ang breadroll na kinakain ng binata, "Cut the fucking drama, we've got a situation at hand. Mukhang may balak bumuo ng hukbo ang gagong mortal na 'yon."

"You mean 'Boswell'."

"Mukha ba akong may pakialam? If we don't bury him and his minions alive, we'll vanish."

Nanahimik na ang lahat sa sinabi ni Wrath. Magsasalita pa sana ito nang maunahan siya ng panganay. Pride's authority now evident. 'Nagbalik na talaga siya,' isip-isip ni Envy at pinagtuunan ng pansin ang nakatatandang kasalanan. Maging ang iba ay nanahimik na at nakinig.

"If Boswell plans to take us out, no one acts without my permission. Hindi dapat kayo nagpapadalus-dalos ng desisyon," sabay sulyap nito kina Wrath at Envy bago nagpatuloy, "From what we know, he's turning Tartarus against us. Kasabay nito, apat na araw na tayong walang koleksyon---three more days and we're done for."

Nakatinginan ang magkakapatid, ramdam nilang lalong binalutan ng tensyon ang silid. Nabasag lang ang katahimikang ito nang tumayo si Greed, "That's why we need to catch the monster who steals souls at night! May naisip na kaming patibong ni---"

"No."

Kumunot ang noo ng kapatid. "What the hell? Pride, kailangan na nati---!"

"Again, do NOT act without my permission. Malaki ang nakataya rito at kung hindi natin pagpaplanuhan ang susunod nating mga hakbang, we'll loose the opportunity of defeating Boswell."

Hindi na pumalag pa ang magkakapatid nang sabihin iyon na Pride. In this mansion, Pride's decision is final---a law that cannot be broken. Huminga nang malalim sina Greed at Lust at sumandal na lang sa sopa. From the corner of his eye, Envy can see them having a mental conversation. Mukhang sa kauna-unahang pagkakataon, hindi nila susundin ang batas ng mansyon.

Tumayo si Wrath at umalis. Mukhang tuluyan nang nawalan ng gana sa usapan.

*
'Everything's all messed up!' Reklamo ni Snow sa sarili at sinuyod ang mansyon para hanapin si Chandresh. Kailangan niya itong makausap. Hindi na alam ni Snow ang gagawin. "Kung magse-setup sila ng trap para sa'kin mamayang gabi, malalaman nila na ako 'yong halimaw na hina-hunting nila.." Huminga siya nang malalim at tinakbo ang mga pasilyo. In case that happens and she gets caught, paniguradong mauuna siyang patayin ng Seven Deadly Sins bago pa man siya masaktan ni Mr. Boswell!

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon