SEPTEMDECIM

4.7K 289 27
                                    

Sa emperyong nakakubli sa mata ng mga mortal, umalingawngaw ang galit na sigaw ni Hades na naging sanhi para magsitakbuhan papalayo ang mga alipin. In the depths of hell, Hades cursed under his breath and stared out the window. Nakakuyom ang kanyang mga kamao at nagliyab ang asul na apoy ng mga sulong nakapalibot sa kastilyo. The ground shook under his feet and if one could look closely, makikita na nila ang lawa ng apoy sa ilalim nito.

"I'll kill that reckless prince and make his head an ornament! Tingnan na lang natin kung maiisahan niya pa ako!"

Sa kanyang tabi, umirap si Persephone na halatang nababagot na sa galit ng asawa. The queen's eyes glimmered different shades from pale gray to obsidian black. "You can just summon another monster to guard your empire. Hindi kawalan ang asong iyon."

Isang masamang tingin ang ipinukol ni Hades sa babae. "Hindi ito usapin ng kung ano ang kaya nating palitan. That little brat stole my pet from under my nose! Ang lakas ng loob niya para lapastanganin ang hari ng impyerno!"

She frowned, "I wouldn't say that if I were you. Tandaan mong si Lucifer pa rin ang may-ari ng lahat ng ito. You are just his mere representative, my king."

Pagkarinig sa pangalan ng kanyang amo, agad na nanahimik panandalian si Hades at pinigilan ang sarili. Ayaw na niyang alalahanin pang may mas nakaaangat sa kanyang posisyon sa lupaing ito. It was true, the infamous fallen angel is the boss of hell, pero ni minsan ay hindi pa ito nagpapakita sa kanya. Lucifer just assigned him to reign his empire, without giving any hints why. 'Paano ko naman paniniwalaan ang isang nilalang na hindi ko nakikita? Paano ko naman susundin ang mga utos niya kung hindi siya nagbibigay ng rason para rito?' Paulit-ulit itong gumugulo sa isipan ni Hades at pakiramdam niya ay malapit na siyang mabaliw.

'Hindi pa ba?' He laughed menacingly to himself.

Dinama niya sa kanyang ulo ang koronang ilang siglo nang nakapatong doon. The black crown made of red gems is said to be crafted by a hundred demons in the lake of fire. Nakapagbibigay ito ng kapanatagan at kapangyarihan kay Hades. Ang nakakairita lang ay ang isiping ito ay hindi kanya.

He was just Lucifer's mere "representative" afterall. 'One day, I'll take him down,' pangako ni Hades sa sarili. Hindi na siya mabubuhay pa sa anino ng isang iyon kahit kailan. Kahit ang mga mortal ay matagal nang nalinlang at inisip na si Lucifer at Hades ay iisa, not even knowing that they are two different entities here in the Underworld.

Persephone sighed. "Ano nang plano mo ngayon?"

Tumingin sa labas ng malaking bintana si Hades, kung saan natatanaw niya ang Tartarus. May kutob siyang may mangyayaring interesante sa mga susunod na araw. Tumayo siya mula sa kanyang trono at naglakad papasok sa isang pasilyo. "We will have to wait, my queen. Fate is on our side of the chessboard."

"Saan ka na naman pupunta?"

"May kailangan lang akong tingnan."

*

In the dim lighting within the walls of the private study, a Victorian fireplace sat still with burning embers ablaze. Sa kadilimang 'yon, tanging maririnig mo lang ay ang tunog na nililikha ng pagtama ng mga daliri sa marangyang mesa. Impatient fingers associated with an impatient man. Marahang inayos ni Pride ang salamin sa matangos na ilong at nagsalita matapos ang sampung minuto ng nakabibinging katahimikan.

"Ito ang pangalawang pagkakataon na hindi ko nagustuhan ang paninilbihan mo, princess. Should I need to remind you what happens after the second offense?"

Isang pilyo at mapanganib na ngisi ang sumilay sa mga labi ng binata. Sa malamlam na liwanag, napansin ni Snow ang benda sa ulo ng pangunahing kasalanan. She tried to break free and run away, but the twins managed to chain her to a chair. Naaalala niya ang mapang-asar nilang hitsura kanina habang kinakadena siya ng mga ito. They almost looked sympathetic and amused at the same time. 'How is that even possible?!'

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon