DECIM

5.3K 321 42
                                    

Hindi naniniwala sa astral projection si Snow White. She always found that idea creepy and impossible, ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, pakiramdam niya lumulutang ang kanyang katawan sa isang espasyong walang patutunguhan. It's like her soul is slowly slipping away from her physical form, isang kaluluwang naliligaw at hindi alam kung saan pupunta. 'Ganito kaya ang pakiramdam ng mga kaluluwang nasa purgatoryo?' Naaalala niya ang mga alitaptap, ang pagmamakaawa ng mga ito na kausapin sila. Their terrifying voices bothered her, pero alam ng dalaga na wala naman siyang magagawa para tulungan ang mga ito.

'Lahat tayo, naliligaw sa mundo---in more ways than one,' pagninilay niya habang pilit ibinabalik ang sarili sa kamalayan.

She took in a deep breath.

"Nasaan ako?"

A bit cliché, yes. Pero wala siyang ibang maisip na sasabihin lalo pa't nagising siya sa isang kwartong hindi pamilyar. At ang mas nakakabigla pa, ay ang makita ang hubo't hubad na si Lust, katabi niya mismo sa kama. In the dim candlelit room, the Prince of Temptation smirked deviously. Mapang-akit at tunay ngang makasalanan.

Kuminang ang mga mata niya nang pasadahan ng tingin si Snow.

"What took you so long to wake up? Kanina pa ako naghihintay sa'yo, babe. Simulan na natin?"

Namutla ang dalaga at mabilisang umusog papalayo sa binata. Wala na siyang pakialam kahit pa mahulog na siya sa kama, basta't makalayo siya sa tuksong 'to! "W-What are you talking about? Bakit ako nandito?!" Ang huli niyang naaalala ay noong sinalo siya ni Sloth nang himatayin siya sa Library of Lost Souls. Had she lost track of time since then? May kumawala ba sa mga alaala niya?

Lust grinned and inched closer to her, his bare chest as tempting as a fire is to a moth.

"This is my Pleasure Room, baby girl. Inagaw kita kay Sloth kanina nang mahimatay ka.. I promised that I'll take good care of you.." Dumako ang mga mata ni Lust sa dibdib ni Snow, kahit pa natatakpan pa rin naman ito ng damit, "..shall we test how much I can take you? Or perhaps, how much you can take me?"

Sa mga sandaling iyon, pakiramdam ni Snow ay numinipis ang kanyang saplot sa katawan. Lust's sensual eyes are enough to make her feel nude! Kinakabahan niyang sinilip ang kanyang suot---'Phew! Kumpleto pa naman'---at dali-daling tinakpan ng kamay ang dibdib. Kinakabahan siyang umilag nang akmang sasakmalin na siya ni Lust, tila isang tigreng gutom.

"T-Tama na! Marami pa akong gagawin!"

"Correction: marami pa TAYONG gagawin."

"Shit! Lust, stop seducing me!"

"Oh, am I seducing you, kitten?"

Natatarantang tumayo si Snow, hindi na niya ininda pa ang pag-ukit ng sakit na nanggagaling sa kanyang prosthetic leg. She glared at him, at nang inilibot niya ang kanyang paningin, doon lang napansin ni Snow ang kakaibang disenyo ng silid.

Mas malala pa pala ito kaysa sa iniisip niya.

Malaki ang silid at napapalamutian ng kulay itim at asul na tema. May chart ng sexual positions sa pader at isang bookshelf na naglalaman ng napakaraming aklat patungkol sa pakikipagtalik. Several naked statues of women are carved into the walls, posters of human reproductive organs displayed with models in jars. Kinilabutin siyang isipin na totoo ang mga ito. Madilim sa silid, ngunit nakapagbibigay ng liwanag ang nagkalat na scented candles.

Lust's "Pleasure Room" has several glass cabinets lined along the walls. Ang laman ng mga ito? Lahat ng maiisip mong sex toys na inimbento ng tao mula pa noong Prehistoric times! Isama pa rito ang sandamakmak na bagay na may kinalaman sa sex. 'This room is utterly crazy!' From mannequins and vibrators, to condoms and lubricants, kumpleto at maingat pang naka-display in alphabetical order! Para itong isang malawak na koleksyon at mas lalo itong nakapagpakaba kay Snow. She noticed a love-making seat in the far corner and... "B-Bakit may mga kadena at tubo ka dito?"

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu