QOS: TRIGINTA QUATTOUR

1.6K 115 10
                                    

"W-Who are you...?"

That question was stupid, she knows. Habang tinititigan niya ngayon ang binatang may mapupungay na mga mata na sinamahan pa ng isang pilyong ngiti, unti-unti nang nabubuo ni Snow ang katauhan niya. She can still see them--Pride, Wrath, Envy, Greed, Lust, Gluttony, Sloth, and Adoration. In the past few months, Snow can already distinguish the sins' personalities and characteristics.

Looking at this stranger, it terrifies her how she can see every bit of them in him.

"Why do you look so pale, sweetie?" He chuckled.

Para bang natauhan si Snow at mabilis na kumalas sa pagkakahawak niya nang maramdamang gumagapang na sa kanyang dibdib ang kamay ng lalaki. She cursed under her breath and fixed her dress. Sinamaan niya ng tingin ang estranghero. "Nice try, but you didn't answer my question. Sino ka ba?!"

She just needs to confirm it.

Ayaw pa ring paniwalaan ni Snow ang nangyayari ngayon. Pakiramdam niya ay mas lalong magiging magulo ang lahat. How the hell did this happen in the first place? Kung totoo nga, imposible namang uminom sila ng lemon tea. 'Baka may nangyari kanina nang pinaghihiwalay ang mga kaluluwa ng kambal.'

The man sighed.

"You can just call me Sin, baby." Sabay kindat nito sa kanya.

Sin?

Her eyes narrowed at him. Bago pa man makalapit sa kanya si Sin, mabilis na kinuha ni Snow ang nakatagong pocket knife sa kanyang bulsa at itinutok ito sa kanya. "So, the souls of the eight deadly sins are..."

"Yup. They are inside me."

Mahinang natawa si Sin. Sa isang kisapmata, nagulat si Snow nang maagaw na nito sa kanya ang patalim. She gasped in surprise as his face drew closer to hers. Umalingawngaw sa katahimikan ng private study ang pagbagsak ng maliit na kutsilyo. Her heart pounded inside her chest as she stared into those violet orbs.

"Who should I be for you, my love?"

"A-Ano?"

"I can be any sin you want me to, baby. I can treat you like a princess, because I am greedy of you attention.. I can kill for you, make love to you all night, make you some breakfast in bed, and listen to your every word. Isa kang anghel, Snow White, at gusto kong malaman mong handa kitang sambahin habambuhay."

Napalunok si Snow. 'This is madness! T- This can't be happening.' Namalayan na lang niyang nanginginig na pala ang kanyang mga kamay. Naikuyom niya ang mga ito. "Stop saying nonsense, Sin! Kailangan ka nating ibalik sa normal. We need to separate the souls inside you--"

"Why would we want to do that? Mas masaya ngayong hindi mo na kailangang maguluhan para sa nararamdaman mo sa aming walo. You don't need to favor one over the other, because I am all of them. Exciting, isn't it?"

Sin adjusted his eyeglasses. Marahan itong naglakad palibot sa dalaga na para bang isang predator. His eyes held mischief and lustful intentions. Pinilit ni Snow na iiwas ang kanyang mga mata sa mukha ng binata. Instead, she just stared at his satin black robe.

Damn it. How could he say such a thing?

Tumigil sa kanyang harapan si Sin. Ngumiti siya at mapusok na hinigit sa baywang si Snow. Her eyes widened in alarm. Bago pa man siya mahalikan ng kasalanan---

SLAP!

Nagambala ang katahimikan ng private study sa malutong na pagkakasampal ni Snow sa binata. Lalong tumalim ang tingin niya rito.

"I'd prefer have eight sins instead of one sinner."

Binalot ng tensyon ang paligid. Ilang sandali pa, natawa si Sin. His laughter escalated into something so sinister that it made chills run up her spine. Lumakas ang pagtawa ng binata na para bang nasisiraan na ito nang bait. Mabilis na humakbang papalayo si Snow White.

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon